Kabanata 1

35 7 0
                                    


"Velentina samahan mo ako mamaya sa mall."

Paano ko kaya kakausapin si Drake?

"Babae are you listening to me? Nabaliw na yata."

"Teka nga lang, ano ba ang pinagsasabi mo? Nakakarindi ka!" Bulalas ko kay Azi na dada ng dada.

Iniisip ko kasi si Drake. Hindi ko naman sinadya na tulugan ko siya sa lakad dapat namin. Sa sobrang pagod ko hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Pagkagising ko ala dos na ng umaga. Pangalawang beses na kasing naudlot ang lakad dapat namin. Ayun hindi na ako nakabawi.

"Oy engot. Sino nanaman yang iniisip mo? Lalaki mo?" Tinignan ko si Azi na kanina pa nagbubunganga wala namang naitutulong.

"Kalalaki mong tao ang bunganga mo. Pwede pasapak sa'yo kahit isa lang?" Inis ko siyang inirapan.

Pero mukhang hindi ako tatantanan ng lolo niyo. Hinablot niya ang bag ko. Isinukbit sa bag at naglakad na palayo. Ano bang trip ng isang to? Nakakainis na minsan. Kalalaking tao babae kung umasta.

Hinabol ko siya dahil papunta na siya sa parking lot. Tapos na ang klase namin. Tumambay lang kami sa may park ng school kanina. Pinilit ko lang siya dahil ayaw niya dun. Pinagtitinginan kasi ng mga babae. Ewan ko kung maiinis ako dahil nagkalat ang malalagkit na tingin sa kaniya o matatawa dahil sa reaksyon niya na diring-diri. Buti naman dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kaniya kapag pinansin niya ang mga yun.

"Aziel Denzell Galvez-- huy ano ba? Ibalik mo yang bag ko. May pupuntahan pa ako. Saglit nga lang!" Mas binilisan niya ang lakad niya. Kaya tumakbo na ako para maabutan ko siya. Hinablot ko ang bag ko pero hindi siya nagpatinag at hinablot rin agad sa akin.

"At saan ka pupunta? Umuwi na tayo tutal ayaw mo akong samahan sa mall." Napaarko ang kilay ko at kunot noo ko siyang tinignan. Hindi nagpatalo ang bakla. Tinaasan rin niya ako ng kilay. Ay taray!

"Mall? Anong gagawin natin sa mall?" Hindi ko rin kasi alam ang trip nito minsan. Nung isang araw nag-aaya ako magmall at halos umiyak pa ako kakapilit sa kaniya pero ayaw niya dahil masyado daw marami ang tao at hindi siya makahinga dun. Ang arte niya alangan naman na kami lang ang tao dun diba? VIP ganern? Daming alam ng lalaking to.

"Tanga, makikitae tayo dun." Sarkastiko niyang sagot. Napairap ulit ako sa kaniya.

"Mag-isa ka! Bakit sinamahan mo ba ako nung nag-aaya ako? Di ba hindi?" Nakapameywang ko siyang nilapitan at nakipagtitigan sa kaniya. Halata sa mukha niyang iritang irita na siya at ganun rin ang pinakita ko.

Showing kasi nun ang isang movie. Gustong-gusto kong panoorin dahil nandun si Lee Jung Suk oppa at dahil wala akong pasok that time. Pero hindi ko napanood dahil kahit nagpumilit akong umalis at mag-isa na lang sana ay kinulong niya ako sa guest room nila. Nilock niya ang pinto. Mag-isa lang ako sa loob at pinalabas niya lang ako nung kakain na kami. Minsan iniisip ko kung may problema ba sa ulo 'to e. Tanungin ko nga si tita, ang mommy niya.

"Papanoorin natin yung sinasabi mo last time. Wag ka ng umarte. Let's go." Hawak hawak pa rin niya ang bag ko. Tinapon niya sa loob ng sasakyan niya na parang basura. Nakanganga lang ako dahil sa sinabi niya. Seryoso?

"Ano tatanga ka na lang diyan. Wag mo namang araw-arawin." Binalingan niya ako mula sa kotse niya at inirapan ako. Lalaki ba talaga to? Hilig umirap.

Umikot ako at pumasok na sa sasakyan niya dahil baka magbago pa ang isip niya. Okay na rin 'to. Makakatipid ako sa pagbili ng ticket. Siya nag-aya so siya ang magbayad. Bahala siya diyan.

Walang umimik sa amin hanggang makarating kami sa mall. Agad kaming dumiretso sa 3rd floor para bumili nang ticke  Hawak-hawak ko sa magkabila kong kamay ang binili naming pagkain. Ako ang pinaghawak niya dahil siya naman daw ang nagbayad. Ang gentleman niya sobra. Nakapamulsa lang siyang pumasok na sinundan ko.

Tell Me No LiesWhere stories live. Discover now