Chapter One

234 16 4
                                    

TAKANG-TAKA si Claire nang mapansin ang kustomer na iyon na nakangiting kumakaway sa kanya. Hindi niya alam kung sasagot ba siya ng ngiti o hindi niya papansinin pero pinili niyang gawin ang una bago bumalik sa counter.

“Ang gwapo talaga,” sabi ng kaibigan at co-worker sa café na si Liezel.

“Parati ba ‘yang nandito?” pabulong niyang tanong sa kahera ng café.

“Once or twice a week. Hindi mo siya naaabutan kasi iba ang shift mo,” sagot nito at napatango siya. Part-time ang trabaho niya sa café dahil sa may klase siya sa umaga at meron pa siyang ibang trabaho bukod doon kaya naman hindi nakapagtataka na hindi siya pamilyar sa kustomer na iyon.

“Kinakawayan ba niya ang kahit na sino’ng matripan niya?”

“Hindi. Actually, ngayon lang siya may kinawayan. Kapag nagpupunta siya rito ay tahimik lang siya na nagmamasid at umaalis din agad. Mukhang ikaw ang natipuhan,” patuloy nitong panunukso na ikinakunot ng kanyang noo. “Alam mo bang halos lahat ng waitress dito ay nag-aagawan ng pag-serve ng ino-order niya?”

“Talaga?” bahagya siyang nagulat sa nalaman saka muling binalingan ang kustomer na nagkataong tumingin sa direksiyon niya at ngumiti pa. Sa halip na matuwa ay kinabahan siya. “Hindi ba ‘yan delikado? Baka stalker,” nababahala niyang sabi.

“Sana all may stalker na gaya niya.”

“Siraulo.”

“Mukhang may-order siya,” pansin ni Liezel saka sinenyasan ang isa sa mga waitress na lumapit. Ilang sandali pa ay lumapit ang waitress sa counter matapos makuha ang order ng lalaki. “Um-order siya ng cheesecake milktea at ite-takeout. Mukhang paalis na siya,” sabi ng cashier na para bang kabisadong-kabisado ang routine ng kustomer.

“Ikaw daw ang maghatid sa mesa niya,” sabi ng waitress kay Claire.

“Bakit ako?”

“Request ng gwapong customer. Sana all nire-request,” tukso nito na hindi niya magawang sakyan dahil talagang nakakabahala ang pinapakitang ugali ng lalaki.

“Sige na, Claire. Gora na!” cheer pa ni Liezel matapos iabot sa kanya ang binalot na order ng kustomer pati na ang sukli nito. Wala siyang nagawa kundi kunin ang mga iyon at lumapit sa lalaking prenteng nakaupo habang nagka-kape.

“Here’s your order and change, Sir,” kaswal niyang sabi saka inilapag ang order at sukli nito sa mesa. Napansin niya ang cellphone ng lalaki na nakalapag sa mesa at sigurado siyang iyon ang latest sa isang malaking cellphone company. Lumipad ang paningin niya sa suot nitong relo at kahit mukhang luma ay nakita naman niya ang brand kaya sigurado siyang mahal din iyon. Tinitigan niya ang kamay nito at hindi siya pwedeng magkamali na kamay iyon ng isang taong hindi sanay sa manual work dahil sa ganda ng hugis at kinis. Ang suot nitong damit ay kahit simpleng tingnan ay siguradong branded.

“Thank you, Claire.”

Nangilabot siya nang marinig ang boses ng lalaki. Buong-buo iyon at malalim, lalaking-lalaki. Ilang beses siyang napakurap nang maisip kung bakit nito alam ang pangalan niya pero agad niya ring lihim na nasaway ang sarili nang maalalang nakasuot siya ng name tag.

“You’re welcome, Sir. Have a nice day,” pinilit niyang ngumiti at para siyang itinulos sa kinatatayuan nang nginitian din siya nito.

“Have a nice day too, Claire,” anito saka kinuha ang mga gamit at tumayo na. Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang lumabas ng café. Para siyang namatanda sa ginawa nito at ang paraan nito ng pagtawag sa pangalan niya ay tila ba kilalang-kilala na siya nito. Nasundan niya ng tingin ang lalaking tumawid sa kabilang kalsada na parang ramp model.

Out Of My LeagueKde žijí příběhy. Začni objevovat