Love :">

290 9 0
                                    

Dahil Mahal na Mahal Kita 

A Short Story by Tinstar

Sa isang sulok ng restaurant nakaupo si Rianna. Kasama ang kanyang partners-in-crime at bestfriend na si Jessie. Tahimik silang nagmamasid sa lugar na iyon. Nadadama ni Rianna ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

“Sissy, sigurado ka ba dito? Baka nagkakamali ka lang.” wika ni Rianna sa kanyang bestfriend.

“Oo, sissy. Dito iyon. Bakit ako magsisinungaling sa iyo? Alam mo naman na concern ako sa pinagdadaanan mo ngayon. Kaya maniwala ka sa akin.” Siguradong sagot ng kanyang bestfriend.

“Halika na lang, hindi ko yata kaya.”

“Nandito na tayo, sissy. Ngayon ka pa uurong?” pag-udyok naman ng kanyang kaibigan.

“Sorry, sis. Pero nagbago na talaga ang isip ko. Hindi ko talaga kaya.”

“Pero sis…”

Tumayo na si Rianna sa kanilang kinauupuaan. Nagmamadaling lumabas sa restaurant na iyon. Hinahabol siya ni Jessie para pigilan at ituloy ang kanilang plano. Mabilis naman siyang naglalakad patungo ng pintuan. Ngunit pagbukas nito ay isang pamilyar na mukha ang tumambad sa kanya. Hindi niya alam kung paano siya makakaalis sa posisyon na iyon. Naririnig din niya ang tawag ng kaibigan.

“Sisssy..” sigaw ni Jessie at napahinto rin sa nakitang kaharap ng kaibigan. Hindi siya maaaring magkamali kung sino iyon.

“Rianna..” wika ng baritonong boses. Nagtataka ito kung bakit naroon ang dalaga.

Hindi niya alam kung paano ang reaksyon na gagawin. Nararamdaman niya tila may mga paru-paro sa kanyang sikmura. Hindi rin siya makatingin sa mga matang umiisig sa kanya ngayon.

“Ano ang ginagawa mo dito?” tanong nito at hinawakan ang bisig ni Riaana. Hinila at pinaupo sa isang lamesa naroon. Nakabuntot naman sa kanila si Jessie.

“Ano ang ginagawa mo dito?” ulit na tanong nito.

Walang salitang lumabas sa bibig ng dalaga. Nakatungo lamang ito sa kaharap. Pakiramdam niya ay gusto niyang lamunin siya ng lupa sa oras na iyon.

“Answer me, Rianna. Hindi ko alam kung bakit ka naparito. Ano ang kailangan mo?” sabi nito.

Napakagat-labi siya. Hindi niya alam kung paano magsisimula sa sasabihin. Tila nilalamig siya sa sandaling iyon.

Subalit bigla nagsalita si Jessie.

“Buntis siya, Marco. Ikaw ang ama ng dinadala niya.” atubiling wika ng kanyang bestfriend. Narinig ito ng mga taong naroon. Napatingin tuloy ito sa gawi nila.

Napatingin bigla si Rianna kay Jessie.

“Totoo ba iyon, Rianna?” tanong ni Marco na parang kaswal lang ang narinig mula kay Jessie.

Bumuntong hinga muna si Rianna at nagsalita.

“Oo.” mahinang tugon niya.

“Halika. Doon tayo sa opisina mag-uusap. At Jessie, dito ka na lang muna.”

Tumango naman si Jessie.

Dinala si Rianna sa opisina ng restaurant. Hindi niya alam kung bakit siya doon dinala. Pinaupo siya sa sofa at sinirado mabuti ang pinto. Umupo ito sa tabi niya. Pakiramdam niya ay galit ito sa kanya. Subalit kailangan niya kumapit sa patalim.

“Kailan mo pa nalaman na buntis ka, Rianna?” tanong nito.

“Two weeks ago.”

“Alam na ba ito ng mga magulang mo?”

Dahil Mahal na Mahal kita :">Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ