4

67 1 0
                                    

Aladin: Anak ako ni Sultan Ali Adab na nagmula pa sa Persiya. Marahil ika'y nagtataka kung bakit kita sinagip sa isang mabangis na leon dahil ako'y isang Moro na kalaban ninyong mga Kristiyano.

~~

Aladin[]: Hindi ko sukat akalain na ako'y magagawang paslangin ng aking ama.

Aladin: Ama, itigil na natin ito. Itigil na natin ang pakikipaglaban sa mga Kristiyano! Mamuhay na lamang tayo ng payapa at malayo sa mga kaguluhan!

Ali Adab: Aladin, anak. Hindi mo naiintindihan. Sila ay masasama at karapat-dapat lang na sila ay puksain.

Aladin: Ngunit ama, marami na ang lumaban sa mga Kristiyano ngunit tuluyan lang sila nagagapi tulad ni Heneral Osmalik at Emir.

Ali Adab: Ikaw ba ay umaanib na sa mga kalaban, Aladin? Sila na ba ang kinikilala mong kakampi?!

Aladin: Hindi naman, ama. Ngunit--

Ali Adab: Mga kawal! Ikulong ang binatang nasa harap ko at pugutan ng ulo ngayon din!

Kawal 1: Ngunit, Sultan. Si Aladin ay iyong nag iisang anak.

Ali Adab: Mahirap bang intindihin ang aking isinilaysay?! Ikulong siya! Wala akong pake kung anak ko man iyan o hindi. Malinaw na siya'y umaayon na sa kalaban!

Aladin: Hindi naman sa ganoon, Ama! Anak niyo po ako! Bitawan niyo ako!

Ali Adab: Ikulong na iyan at pugutan ng ulo pagka-sapit ng alas nuebe ng gabi!

Kawal 1: Masusunod ho, Sultan Ali Adab.

[]: Ako ay ikinulong na noon nang mabalitaan kong nabatid ni Flerida, ang aking labis na minamahal, na ako'y pupugutan ng ulo kaya siya'y pumunta sa aming palasyo at nagmakaawa.

Flerida: Parang awa niyo na ho, Sultan! Pakawalan niyo na ang aking mahal na Aladin! Siya ay iyong anak!

Ali Adab: Nais mo bang siya'y aking palayain? Maari. Sige.

Flerida: Maraming Sal-

Ali Adab: Sa isang kondisyon, makipag-isang dibdib ka saakin.

Flerida: Ngunit, si Ala-

Ali Adab: Makikipag-isang dibdib ka saakin o makitang walang ulo ang iyong tanging minamahal na si Aladin?

Flerida: Pumapayag na ako. Basta 't palayain mo si Aladin.

[]: Guminhawa ang pakiramdam ko nang palayain ako ng mga kawal ngunit bumalik ang aking lungkot at hinagpis noong malaman kong ang dahilan non ay ang pagpayag ni Flerida na magkipag-isang dibdib kay Ama. Sinubukan kong makiusap kay Heneral Abu Bakr na siyang nagbantay kay Flerida.

Aladin: Heneral Abu Bakr, pakiusap! pakawalan mo na ang aking iniirog, intindihin mo kami!

Abu Bakr: Hindi maaari! Nakatakda ng ikasal ang dalaga sa Sultan!

Aladin: Ako pa rin ang inyong prinsipe kung kaya't sundin mo ako!

Abu Bakr: Yun ang inaakala mo! Wala kaming prinsipe na taksil at kumakampi sa mga kalaban!

Aladin: Hindi iyan to-

Abu Bakr: Mga kawal! tawagin ang Sultan at sabihing nanggugulo ang kanyang anak na taksil!

[]: Magmula ng nagsumbong si heneral Abu Bakr kay Ama ay hindi na ako muling pinatapak pa sa Persiya. Naisipan ko ring magpalayo-layo at hayaan na lang si Flerida kay Ama. Batid kong gusto siya ni Ama kaya nagparaya na lamang ako. Mas higit pa rin ang pagmamahal ko sa aking Ama. Dito naman ako napadpad sa kagubatan.

~~

Florante: Hindi ko akalain na parehas lang pala tayo ng napagdaanan. Nawalay tayo sa ating iniibig.

Aladin: Marahil tuluyan ng ikinasal ang aking ama kay Flerida. Masakit man ngunit kailangan ko itong tiisin.

Florante: At marahil rin na ikinasal na si Laura kay Konde Adolfo na labis ang kasakiman!

~~

Lolo Lading: Makalipas ang anim na taong paninirahan ng dalawa sa kagubatan ay may nakatagpo na rin sa kanila.

Flerida: Aladin? Ikaw ba iyan, mahal ko?! Aladin! Aladin, ikaw nga! (nag-hug sila aw sanaol)

Aladin: Flerida! Nagpapasalamat ako't kami'y iyong nahanap! Paano ka nakatakas?

Flerida: Nakatulog si Heneral Abu Bakr, kaya ako'y tumakas na agad bago pa ang aming kasal ng iyong Ama! Anim na taon rin akong nagtiis para hanapin ka, irog ko. Mabuti na lamang at nandito ka na sa harap ko!

Aladin: Salamat, Flerida, mahal ko! Labis ang kaligayahang aking nararamdaman! Siya nga pala, ito si Florante. Isang heneral na nagmula pa sa Albanya. Siya rin ay nawalay sakanyang iniibig at nagpakasal sa iba. Dito ko siya nakilala sa kagubatan na nakagapos sa isang puno.

Flerida: Ikinagagalak kong makilala kita, Heneral. O siya, siya, siya. Humayo na tayo.

Aladin: At saan tayo paparito?

Flerida: Huwag kang mag-alala, Aladin sapagkat mayroon na akong nahanap na munting bahay na ating titirhan. Malayo ito sa mga tao.

[]: Nanirahan ang tatlo sa tirahan na iyon. Dumating ang araw na nagkaroon ng lubhang karamdaman si Florante. Kaunting araw na lamang ang nalalabi para sakanya.

Florante: Aladin, Flerida, pumarito kayo at may hihilingin ako.

Aladin: Ano iyon, kaibigan?

Florante: Dahil nalalabi na lang ang oras ko ay kailangan kong kayo ang gumawa neto, pakiusap.

Flerida: Para saiyo, sige.

Florante: Nais kong maulit muli ang pagiibigan namin ni Laura. Batid kong mahal niya pa rin ako gaya ng sabi ng dalawa kong tapat na tagapagsilbing sina Felicia at Miranda.

Aladin: Ano ba ang nais mong ipabatid, florante?

Florante: Sa tulong ninyo, at nina Felica at miranda. Ang iyong magiging apo sa tuhod ay siyang uulit ng nakaraan. Maglalagay siya ng kaligayahan sa puso ng lahat.

[]: Pagkatapos noon ay tuluyan ng sumakabilang buhay ang magiting na si Florante na hanggang sa kamatayan ay iniisip pa rin ang tangi niyang minamahal na si Laura.

Florante at Lauraحيث تعيش القصص. اكتشف الآن