Wala akong makita kundi mga puno. Bumaba si Drigo kabayo nya at lumapit sa akin. Binuhat nya ako pababa tulad ng ginawa nyang pagsakay din sa akin sa kabayo.

      “Kaya ko umakyat at bumaba ng kabayo Pinuno kahit nakatali ang mga kamay ko.”

      Hindi sya sumagot, nakasumbrero din sya at basa na ang katawan. Tinitigan nya lang ang mukha ko.

      Inis padin ako sa kanya, I'm sure na iyong pagdikit-dikit nya sa akin kanina ay plano nya para makuha ang titulo. Sigurado ako. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit dikit pa din sya ng dikit sa akin kahit na, nasa kanya na ang kasulatan? Bakit ayaw nya kami pakawalan gayong nangako naman ako na hindi namin aagawin sa kanya ang ang titulo.

     “Pakawalan mo na kami Pinuno. Pinapangako ko na hindi kami gagawa ng kahit ano hakbang para makuha ang titulo sayo. Kailangan namin makarating ni Erick sa Talampas Nayon, maunahan ang grupo ni Hipolito, malalagay sila sa panganib. Kailangan namin sila mabalaan.”

     Iyan ang kanina ko pa iniisip. Sa Talampas Nayon dederetso si Hipolito, sigurado ako. Laging handa ang mga Haghari pero mas mapapanatag ako kung naandon ako.

      Umihip ang ang hangin, nanuot iyon sa balat ko na bahagya nagpanginig sa akin.

     Nakita iyon ni Drigo. “Sinabi ko na Mary Rayette hindi ka mawawala sa paningin ko.”

     “Ano pa ba gusto mo? Nasayo na ang kasulatan, ipinangako ko na din na hindi ako magtatangka agawin iyan. Wala ka ng kailangan sakin. Pakawalan mo na lang kami. Kailangan kami ng mga taga Talampas Nayon, hindi ito papalampasin ni Hipolito at sigurado ako may gagawin sya hindi maganda sa tribo ng Haghari.” galit na sabi ko. Ano pa ba kasi ang gusto nya?

     Nanatili kalmado ang mukha nya, ni hindi sya naapektuhan ng galit ko, di tulad ng mga kasama namin na napahinto sa ginagawa at napatingin sa amin.

     “Hahayaan mo sa akin ang titulo, hindi ka magtatangka na agawin ito. Gusto mo umalis dahil sigurado ka gagawan ng masama ni Hipolito ang mga taga Talampas Nayon. Ako Binibini, gaano ka sigurado hindi ko gagawan ng masama ang tribo pinagtatanggol mo. Bakit ganon kadali sayo ibigay ang kasulatan na ito? Tinaya mo ang kaligtasan mo dito Mary Rayette. Pumasok ka sa balwarte ng kalaban, naging tagasilbi at pumayag ka masaktan para lang makuha ang papel na ito. Kayang-kaya mo ako lababan pero bakit ang bilis ng pagsuko mo? Bakit Mary Rayette?”

      Hindi kumukurap na mabilis ako sumagot. “Dahil alam ko wala ka balak na masama. Hindi dahil sa kayamanan kaya kailangan mo ang titulo, sigurado ako doon. Hindi ka masama tao. Hindi ka mananakit para lang sa kayamanan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Hindi ko alam kung para saan, pero sigurado ako ginagawa mo ito  para sa ikabubuti. Mabilis ako sumuko dahil sigurado ako may plano ka, oo kaya ko labanan ka, pero ayako magkasakitan tayo. Hindi ko kaya.”

     Bakas ang hindi pagpakapaniwala sa mukha nya pagkatapos ko magsalita.

     Why? Iniisip nya ba pag-iisipan ko sya ng masama?

     Totoo naman ang sinabi ko. Alam ko hindi sya ang tipo ng tao na gagawa ng masama para lang sa kayamanan. Hindi sya ganon. May mas malalim pa na dahilan kung bakit nya ginagawa ito. Ano man ang dahilan na iyon, alam iyon ng lahat ng tao nakapalibot sa kanya, maliban sa akin. Kahit ganon may tiwala ako sa kanya.

    Pagkatapos ng pagkabigla nawalan na naman ng emosyon ang mga mata nya.

      “Masyado malaki ang tiwala mo sa akin Mary Rayette.” Hindi ako nagsalita. Mas lumakaas pa ang buhos ng ulan at nanatili lang kami magkaharap at nakatitig sa isat-isa.

Dayoजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें