01 - Interview with the Vampires

4.4K 62 16
                                    

►Author's Note◄

Dedicated po ito sa aking bespren, soulmate, and wife na inspiration ko sa lahat ng ginagawa kong pagsulat. Love you, Bespren ♥

- Mike

________________________________________________________

01

INTERVIEW WITH THE VAMPIRES

►JAKE'S POV◄

Today is my big day, sabi ko sa sarili ko.

Umaga noon. Inaayos ko ang necktie ko habang nakatingin ako sa salamin. Nandun ako sa bagong condo unit ko sa Cityland Megaplaza sa Ortigas Center. I'm getting ready for my big day.

Sa loob-loob ko, today I'm gonna nail that contract with Excellence Foods. 

Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Okey na ang ayos ng buhok ko. Perfect ang combination ng suot ko. Red shirt and maroon tie. Black coat and black pants. Lahat sila, expensive ang brand. Dapat lang, because I'm Jacob Ephraim Salvador, and I'm the best man of my company.

I look good.

Tiningnan ko ang relo ko. Thirty minutes bago ang appointment ko. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ako ng condo. Mula sa twenty-first floor, sumakay ako ng elevator hanggang sa parking space ng wheels ko sa third floor. Isa siyang Honda CRV, latest model, dark green color, fully detailed.

Mula sa condo, nagmaneho ako hanggang sa office ng Excellence Foods na nasa Raffles Building sa Ortigas Center din. Wala pang fifteen minutes, nandoon na ako. Dumiretso ako sa elevator at naghintay. Habang naghihintay, inilabas ko ang iphone ko at tiningnan ang mga notes ko doon.

Excellence Foods. Ninth floor. Nine a.m. sharp.

Right on time, sabi ko sa sarili ko.

Bumukas ang pinto ng elevator. Papasok na ako nang biglang may isang nagmamadaling babae na bumangga sa akin at inunahan ako.

Napakunot-noo ako. Bastos naman nito, naisip ko. Sumakay ako at tinitigan ko siya nang masama.

Ni hindi man lang nag-sorry ang bastos.

Naisip ko, kung hindi lang babae ito, sinapak ko na ito e.

Calm down Jake, sabi ko na lang sa sarili ko. Huwag mong sirain ang big day mo dahil lang sa isang babaeng bastos.

Umiwas na lang ako ng tingin.

►JADE'S POV◄

Mr. and Ms. Complicated (Complete)Место, где живут истории. Откройте их для себя