Sumandal ako sa counter habang binubuksan niya yung isa sa mga cupboard sa dulo at parang may hinahanap na kung ano doon.




Kinuwento ko sakaniya yung naging usapan namin ni Jackie kanina at kaunting rehash ng una naming pagkikita.


Nung opening ng classes.


Biglang parang nagrewind din yung isip ko.


Naalala ko pa kung anong suot niya nun.

Yung kulay.

Yung ayos ng buhok niya.

Yung pa-flip niya ng slight bago niya ako nabangga at nagliparan lahat ng librong hawak ko.

Kung paano siyang nagsorry tapos tinulungan akong magpulot isa isa ng mga libro na nabasa pa yung iba kasi winter nun at may snow sa pavements.




"Libre na lang kita ng hot chocolate. Dun oh sa may booth ng sorority na sasalihan ko."

Nakangiti niyang offer na hindi ko naman tinanggihan.


Libre eh.


Naka-tig dalawang hot choco kami habang naglalakad around campus at namimili ng sasalihang mga club.

Dun kami nagsimulang naging magkaibigan.

Idagdag mo pa na magkasama kami sa bahay nung freshman year.

Housemates kami bago for 1 year bago siya lumipat sa dorm dahil nagkaproblema ang family niya sa finances.


Sinamahan ko siya nun na maghanap ng scholarship para lang makapag-tuloy ng pag-aaral tapos sinamahan ko rin siyang magwork sa isang coffee shop na malapit sa campus.


Huminto lang ako this year dahil masyado na akong madaming subjects na pinapasukan at halos wala na akong oras sa ibang bagay.



Walang oras sa ibang bagay pero hindi kay Jackie.



Hindi ko pinapansin nung una dahil wala akong masyadong oras para isipin.


Pero nitong huling mga araw eh napapatanong na rin ako sa sarili ko lalo na nung isang beses na nakita ko siyang may kasabay na iba habang papasok ng classroom.


Hindi ko maipaliwanag yung naramdaman ko nung mga oras na yun.


Naiinis ako dahil masaya siya at iba yung dahilan ng saya na yun.


Hindi ako.


Mejo nagtampo ako.

Nope. Nagselos talaga ako nun kaya hindi ko siya kinausap ng isang buong araw.

Pero nung kaharap ko na siya....


Wala na. Natapos na lahat ng inis ko. Isang ngiti lang niya saakin nawala na kaagad yung inis na nararamdaman ko buong araw.



Isang "Namiss kita" lang niya eh tapos na kaagad yung pag-iinarte ko.



"Hindi ko alam kung bakit nung una pero nung mga oras na yun. Dun ko narealize, brad. Dun ko..."

Sabi ko habang pinapanood si Vhong na nagsheshake ng cocktail sa shaker. Yung hinahanap niya kanina sa cupboard, alak pala at ngayon ay naka-second batch na kami agad ng Martini.



"Na gusto ko siya."

Sabi ko sabay buntong hininga. Agad kong inabot yung baso ng Martini pagkasalin pa lang ni Vhong.



PlaylistDove le storie prendono vita. Scoprilo ora