Tumikhim ako at ngumiti. Maaga pa naman. Tsaka, maganda ring makagala ako dito bago kami umuwi.

"Puwede naman.."

"Yes!" Napasuntok ito sa ere at sumaludo kay lola. "Makakaasa ka lola! Daldalhin ko lang siya foodcourt."

Magkasabay kaming lumalakad ni Lando. Nadaanan namin ang mga baloons na hugis puso at mga cartoon characters.

"Gusto mo niyan?" Tanong ni Lando sa akin. Bigla kong naalala si kuya. Iyan lagi ang tanong niya kapag may gusto akong bilhin.

"Wag na!" Tanggi ko kay Lando pero umiling ito at nilapitan ang mga balloons na hawak ng nagtitinda.

"Pabili po manong ang pinakamalaking hugis puso po.."

Napahalakhak ako sa ka pilyuhan nito. Binigay nito sa akin agad.

"Ang ganda!"

Tinuro nito ang mga nagtitindi ng mga kwek kwek, fried isaw, toge at mga fishballs. "Doon tayo.."

"Treat mo?"

"Oo naman!"

Masayang kasama si Lando. Nagabihan na kami sa plaza at naaliw sa parada. Meron ring fireworks display at mamaya may banda na naman.

"Ang saya.." turan ko habang bitbit ang mga pinamili sa akin ni Lando.

"Noon ko pa gustong yayain ka. Kaso, masyadong istrikto ang kuya mo. Naiintindihan ko naman kasi, nag iisang babae ka at maganda." Pinisil nito ang aking pisngi.

Humalakhak ako. Puwedeng pahinging number mo?"

Tanong nito. Tumango ako at binigay ang aking numero. Bago kopa naibigay napasadahan na nang aking mata ang iilang tawag mula kay kuya.

Kinabahan ako bigla.

Hinatid ako ni Lando hanggang sa aming bahay. "Salamat sa paghatid!"

Nasa loob pa siya ng traysikel at nakangiti sa akin. "Walang anuman! Itetext kita!"

Ngumiti ako at tumango dito.

Umingay ang kinakalawang na gate ni lola ng buksan ko ito. Kinakabahan at namamawis ang aking palad sa kaba.

Alam ko kasing hindi ito gusto ni kuya. Pero gusto ko naman maging masaya. Nasa sala sila lola at ate Anna nang pumasok ako.

Umihip ang mabagsik na hangin at kumidlat pa. Mabilis akong pumasok sa loob. Mukhang uulan pa yata.

Isa isang tiningnan ni lola ang aking mga dala.

"Magandang gabi lola ,ate.."

"Wow, nakikipag date kana Ara ah.."Tukso ni ate sa akin. Maputla parin ito pero naging masiyahin na. Pinatay ni lola ang tv ng kumidlat ulit.

"S-Si kuya..lola?"

"Umalis iyon kaninang hapon. Hindi nga rin kumain iyon.."

"Saan daw siya pupunta?"

"Hindi rin yon nagpaalam Ara e. Mukhang uulan pa naman.." May pag-alala sa tono ng boses ni ate.

Kahit nasa kuwarto na at nakabihis hindi ko maiwasan ang mag-alala. Nakahiga na si ate Anna at mukhang inaantok na.

Bumangon ako at tiningnan ang langit na nagbubuhos ng ulan. Kahit umuulan ay may buwan. Tumayo ako at huminga ng malalim. Kinuha ko ang payong.

Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa lamig at basa narin ng ulan ang katawan. Hindi sapat ang payong na aking dala sa bagsik ng hangin. Medyo nagigiba na ito.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum