"You're already way up there but your feet are still on the ground. I admire your humility," sinserong sabi niya.


"Salamat," maikling sagot nito.

Alam naman niya kung gaano kahalaga sa lalaki ang pangarap nitong magpalipad ng eroplano. Pangarap na nito iyon simula't sapul. Naalala niya noong ipinakita nito sa kanya ang pinakamagandang takipsilim na nakita niya sa tanang buhay niya.


"Tell me, gaano ka-satisfying ang magpalipad ng eroplano?" tanong niya.


"The best feeling. Parang ikaw lang habang nagtatahi at nagdedesinyo ng mga damit," nakangiting sagot nito. Nakita niya kung gaano nagningning ang mga mata nito sa sinabi.


"I am happy you finally reached your dreams. Wala akong ibang hinihiling sa 'yo kundi matupad ang lahat nang magpapasaya sa 'yo."


Bigla itong sumeryoso.
"Hindi ka galit? Iniwan kita para tuparin ang pangarap na sinasabi mo."

Ngumiti siya. "If that's what it takes to fulfill your dream, I don't care. Nagpapasalamat nga ako't ginawa mo 'yon dahil kung hindi, hindi ka magiging matagumpay na piloto at hindi ako magiging sikat na fashion designer."


"Yeah, but I hurt you..."


"Pain is a part of growing up. That pain made me stronger and better."


Tumitig ito sa kanyang mga mata bago ngumiti.
Nang matapos itong kumain ay niyaya siya nitong sumayaw. Inilagay nito ang mga kamay niya sa mga balikat nito. Ito naman ay ipinulupot ang mga kamay sa baywang niya. Sabay silang sumayaw sa mabagal na musika.

Walang nagbubukas ng usapan sa kanilang dalawa at nanatiling magkahinang lamang ang kanilang mga mata. Nakangiti siya ngunit ito'y seryosong nakatitig sa kanyang mukha. Sa isang saglit ay pakiramdam niya'y sila lamang dalawa ang tao  sa lugar na iyon.


"Why do you look at me like that?" panunudyo niya rito.

"Like what?"

"Like I'm the most beautiful woman on Earth."

Nagbaba ito ng tingin sa kanyang mga labi. "That's exactly the point."


Napahagikhik siya.
"That's bad."

Hinaplos nito ang kanyang mukha. "What's bad in admiring your stunning beauty?"

Natawa siya. Hindi naman ito lasing pero parang wala sa sarili.
"That's bad 'cause you will end up falling in love with me," paalala niya.


"I'm willing to take the risk..."


Lumakas ang pintig ng puso niya sa sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? Handa itong mag-take ng risk na mainlove sa kanya? Ibig sabihin ay may pag-asa siyang mahalin nito! Unti-unti nitong ibinaba ang mukha sa kanya saka sinakop ang kanyang mga labi. Gumanti siya nang masuyong halik at ipinulupot ang mga braso sa leeg nito.


"Sophia..." bulong nito sa tenga niya bago iyon masuyong hinalikan.


Napapaikit siya sa kilabot na kumalat sa katawan niya.
"I love you, Conrado..."


The Runaway Groom (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz