"Pinahirapan mo pa. Kung jack en poy nalang kasi."

Sabi ni Jackie na siyang huling naglagay ng kamao sa ibabaw ng table. Nagtinginan sila at ngangitian pa bago nagsimulang maglaro.







Jackie's POV

Tinitigan ko yung lalakeng nakaupo sa dulo ng bar bago ako napakamot sa ulo. Paano ko siya kakausapin? Anong sasabihin ko? Eh pano kung di pala Pinoy?


"Tsk! Bakit ba kasi bato ang naisip ko in this world of papel."

Inis na sabi ko sa sarili ko habang tinatahak ang tila biglang naging malayong distansya niya mula sa table namin. Lumingon ulit ako sa mga kaibigan ko na sabay sabay lang sumensya saakin ng 'go'. I rolled my eyes at them bago ako lumapit na ng tuluyan sa lalakeng yun.







Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya at kaagad akong sinalubong ng mabango niyang amoy. He smelled like citrus and flowers and morning dew and....









"What can I do for you?"

Nagulat ako sa biglang pag sasalita niya at dun ko lang narealize na ang lapit ko na pala sakaniya at inaamoy ko na siya. Dali dali akong umayos ng upo at hiyang hiya akong umiling nalang bago kunwari ay hinahanap yung bartender na alam ko namang naghatid ng beer sa isang table.






"Sorry. I didn't -- ahmm. Pinoy ka ba?"

Ang hirap naman nito. Nilingon ko siya. Nakatingin na pala siya saakin at mukhang hindi siya masayahing tao. Pero, ang gwapo. Para akong namamagnet sa mga mata niyang kakaiba yung kulay.


Iridescent.





Parang kaunting galaw ko lang eh nagiiba ng shade yung mata niya. Napamaang ako. Pinanood ko siyang abutin yung baso sa harap niya, he swirled the amber liquid inside bago uminom at binaba sa counter yung baso. May suot siyang isang silver na ring na malaki. Parang sa mga sinaunang movies na may crest sa ibabaw.








"I am everything. Pilipino ako kung Pilipino ka. Irish ako kung Irish amg kausap ko."

Sabi niya. Napalunok ako dahil ang sexy ng boses. Parang artista. Idagdag mo pa yung mysterious demeanor niya. Napatango nalang ako. Wala na akong ibang masabi at magawa kundi titigan nalang siya sa maganda niyang mukha.







"Wag mo akong titigan."

Sabi niya bago ako nilingon at tinitigan sa mga mata. Iba nanaman ang kulay ng mata niya, mejo mas dark. Napadako sa mga labi niya yung paningin ko. Napalunok ako, parang bigla akong nauhaw. I tried my best to tear my eyes away from those lips. Saktong balik naman ng bartender kaya tinawag ko siya agad.






"Uhm, can I have--"




"Give her Gin and tonic, Mac. On me."

Sabat nung lalake sa tabi ko na agad namang ginawa ng bartender. Nilingon ko siya at narealize na hindi ko pa pala nakuha ang pakay ko. Nilingon ko ng pasimple yung mga kaibigan ko at mukhang nageenjoy na din sila dahil may dalawang Irish guys na nakikishare sa table namin. Napailing nalang ako.







"Sorry, I'm Jackie, by the way."

Baling ko sa katabi ko na nahuli ko naman nakatitig nanaman saakin. He didn't even flinch nung nahuli ko siya na parang walan naman siyang pakialam o hindi siya nahiya manlang. Tumango siya at inabot ang kamay niya saakin, kinamayan ko yun.








Pag dikit palang ng balat niya sa balat ko ay agad akong nakaramdam ng tingling sensation. Para akong nakuryente kaya agad akong napabitaw sa gulat. I heard him chuckle kaya napalingon ako sakaniya. Sana di ko nalang ginawa.









PlaylistDove le storie prendono vita. Scoprilo ora