Elemental Academy

Start from the beginning
                                    

"Na-nagpapahangin lang."pagsisinungaling ko.

"Ang harsh ng hangin ah! Pinaiyak ka talaga?"pilosopo niyang tanong.

"Hi-hindi ako umiiyak ah!"tanggi ko.

Oo na! Ako na ang dakilang sinungaling. Patawad naman. =_=

"Sinungaling! Sabihin mo na. Ba't ka umiiyak huh?"tanong niya ulit.

"Wala 'to. Napuwing lang ako. Sige na, matutulog na ako."sabi ko at agad na nagpunta sa kama ko.

Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nagkaganun? Bahala siya. Ginagawan niya ako ng pabor para di mahulog ng husto sa kanya. Para di siya masaktan, pati na rin ako.

Pumikit na ako hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Ethan's POV...

Anong ibig niyang sabihin dun sa isinumpa siya?

"Ako lang naman ang babaeng walang kwenta. Babaeng dahilan ng lahat ng kamalasan. Babaeng habol ng mga taga-dark world. Babaeng mahina. Babaeng nagpapahamak sa lahat. Babaeng isinumpa ni Genesis."

Di pa rin nawawala sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Audrey.

"Total, hindi mo rin ako maaalala kapag... Wag na lang."

Anong hindi ko maaalala? Hindi naman ako magkaka-amnesia ah! Anong ibig niyang sabihin? Hay! Makatulog na nga!

Kinabukasan...

Audrey's POV...

Grabe! Ang sama ng panaginip ko kagabi. Ang tragic!

Flashback:

Napaniginipan ko na may isang babae na kasayaw ng isang lalaki. Umiiyak yung babae habang nakayakap siya sa lalaki. Biglang umiba ang paligid at nakita ko na mahina na ang lalaki at halos mawalan na ng hininga. Tapos nanghihina na rin ang babae.

"Ethan."mahinang sambit ng babae.

Dun ko pa nalaman na ako pala yung babae at si Ethan naman ang lalaking sugatan at halos wala ng buhay.

Biglang nagliwanag ang babae at nawala lahat ng sugat niya. Nakipaglaban siya ulit, hanggang sa matalo niya ang lalaki na naka-cloak. Nilapitan niya ang lalaki at hinawakan niya ang mga kamay nito.

"Mahal na mahal kita Audrey. Tandaan mo yan."mahinang sambit nito bago siya malagutan ng hininga.

Hindi ko na natapos kasi ginising ako ni Cindy. Nagtaka nga siya kung bakit ako umiiyak, ulit. (?_?)

End of flashback...

Pumasok na ako sa room namin kasabay si Cindy. As usual, wala si Ethan. Hindi pumasok. Masyado ba akong harsh kahapon? Hay! Nasaktan ko yata siya ng sobra. Urgh! Bahala siya. Siya namang nauna noh! Hmmpp!

"Hoy Audrey! Okay ka lang? Bakit tulala ka diyan?"tanong ni Cindy.

"O-okay lang ako."sagot ko at ngumiti.

Hay! Wag ko na ngang isipin yun! Para na akong baliw nito.>:]
Biglang dumating si Ethan kaya...

"Cindy, Cr muna ako huh."sabi ko sabay alis.

Sa Cr...

Teka, ba't ko nga ba siya iniiwasan? Ano bang ginagawa ko? Hayst! Audrey Evangeline Miller, tama na ang kabaliwan okay! Kaya ko 'to. Pinihit ko na ang door knob pero di ko tinuloy ang pagbukas.

Hindi ko kaya!!! Mama, help me! Halos maiyak na ako dito. LORD!!! HELP!!!

Hoo! Inhale, exhale! Lalabas ba ako? O hindi? Nanaig pa rin ang una kong decision. Lumabas na ako ng Cr, at umupo na sa tabi ni Ethan. Bakit ba kasi dito ko naisipang umupo nung una?

Dumating na si Ms. Brittle. Teacher namin sa Elemental Subject. Isang mahabang discussion ang naganap.

Pagkatapos nun...

"Okay class dismissed."sabi ni ma'am kaya agad na nagsialisan ang mga kaklase namin.

"Gusto kitang maka-usap Audrey. Ngayon na. Sa likod ng academy."sabi ni Ethan at umalis na.

Bakit niya ako kakausapin? Sasaktan niya naman ba ako? Ayoko pa naman sa ugali niyang yan. Bumabalik na naman ang takot ko sa kanya.

"Author's note"

Hoo! Ano na kayang mangyayari sa next chapter?!

Ano na naman ang pakay ni Ethan?

Bakit niya kakausapin si Audrey?

Napakaraming tanong noh? Di makahintay sa next chapter.
Hahahahahahahahhahaha!!!
😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂

💖💖💖💖💖....

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now