Tinitigan siya ni Nile sa mata. "Isang taon ako sa Baguio. Wala akong natipuhang babae. Sinusubukan ko pa dito sa UP baka sakaling maibaling ko pa sa iba ito. Ikaw ba?" baling nito sa kanya. "Mukhang naka-get over ka na kay Kwok ah."

Tinapunan naman niya ang kaibigan ng matalim na tingin. "'Wag mong pinapasa sa'kin ang usapan," pag-iwas niya. Sa tagal ng pinagsamahan nila ni Nile, batid nitong hindi magsasalita si Mason tungkol sa mga bagay na ayaw niyang pag-usapan.

Kaya naman itinuloy ni Nile ang pagsasalita. "Pero to be honest with you, nung dinalaw ko si Charlie nung may sakit siya, hindi na simpleng pagkatuwa sa kanya ang naramdaman ko."

"Alam mong galit sa'yo sina Kuya," paalala niya rito.

Tumango naman si Nile. "Kaya nga hindi ko siya ulit lalapitan. Hindi ako magpaparamdam. Mas malaki rin ang chance na magbago ang tingin ng mga Kuya niyo sa'kin kapag napatunayan ko ang sarili ko diba? I don't think matutuwa silang malaman na irreg ako kahit pa sa UP na ako nag-aaral."

"'Wag mo muna siyang guluhin, pare. Hayaan mo munang mag-aral siya," pakiusap niya rito.

Bahagyang ngumiti lamang ang matalik niyang kaibigan at muling nanumbalik ang pangamba ni Mason. Maaaring ngayon ay magagawa pa niyang pigilan si Nile na lapitan ang bunso nila. Pero paano kung tuluyan nang nagdalaga si Charlotte at mas lalong lumago ang nararamdaman ng binata? Ano ang gagawin ni Mason? Ng kanilang mga Kuya? Ni Charlie?

Naiintindihan naman niyang hindi kasalanan ng kaibigan nang magkagusto si Charlie rito noong high school. At hindi rin kasalanan ni Nile na naghiwa ang bunso ng sibuyas para lamang maiyak nang malamang may kasintahan pala ang binata. Sa katunayan, para kay Mason ay mas mainam nang ganoon ang nangyari noon. Paano na lamang kung walang kasintahan noon si Nile at noon pa lamang ay nahumaling na ito sa bunso?

Sa kabila ng mga napag-usapan nila ng matalik na kaibigan, hindi muna ibinahagi ni Mason ang nga nalaman sa kanyang mga kuya. Batid niyang kapag nalaman ng mga ito na abot-kamay na muli ni Nile si Charlie, tiyak na maghihigpit ang mga ito sa pagbabantay sa bunso. Lalo pa't hindi rin nila alam kung may gusto pa rin ba ang bunsosa binata. O kung wala na ay babalik ba ulit ag paghanga nito sa oras na magtagpong muli ang dalawa.

Mabuti na lamang at tapat na kaibigan si Nile at may isang salita ito. Subalit hindi maikaila ni Mason na kahit sinabi pang hindi nito lalapitan si Charlie, may pag-asa pa ring magkita ang dalawa nang hindi sinasadya. Malaki man ang Maynila, subalit kapag nakialam na ang tadhana, wala rin siyang magagawa.

Naghiwalay sila nang landas dahil may iba pang aasikasuhin si Nile samantalang napaunlakan naman ni Mase ang pangungulit ni Dexter na mag-ensayo para sa nalalapit na inter-college intramurals. Nasa bungad na siya ng locker room nang may marinig na usapan.

"Talaga?" Interesadong tanong ng isang tinig na batid niyang pag-aari ni Dexter.

"Oo pare. Sobrang hot. She speaks fluent English din. Pero sobrang pakipot," sagot ng di-kilalang tinig.

"Or...she just really hates your guts," tugon ng isa pa.

"I'm just confident," sagot ng nauna.

Hindi yata alintana ng mga ito ang pagpasok ni Mason sa locker room upang magpalit ng damit na pang-basketball. Itinuloy pa ng mga ito ang usapan. Kahit wala siyang balak na makinig sa palitan ng mga ito, umaalingawngaw ang mga boses ng ma lalaki.

"Confidence is different from being a douche, dude. Been there, done that."

"May pinanghuhugutan ka ba, Sai?" natatawang tanong ni Dexter.

From A DistanceWhere stories live. Discover now