JHO: Pa, tama naman na. Kanina ka pa naiyak jan e. Magiging okay lang naman ako.

He didn't answer. He just dried his eyes then continued what he was doing. Ehm, if you are wondering why he is like that it's because I'm moving out. Finally, pumayag na siya na mag-enroll ako ulit sa regular school. It's been one year na rin since gumaling ako from that operation so it's about time I enjoy my life naman.

Aba, ilang butas ata ng karayom ang pinilit kong pasukin para mapapayag ang Papa na paaralin ako ulit. May pagka OA kasi yan. Eversince Mama died naging overprotective na siya sa akin. Lalo na nung nagkasakit pa ako. Mahirap man na iwan ko siya, pero feeling ko kasi dito ako sasaya. Matagal ko na kayang hinihiling ito. Lahat na ata ng santo nadasalan ko na. Buti gumana na yung gabi gabi kong pagrorosaryo 😇

*knock.knock*

ALY: Goodmorning po Tatay!

REX: Goodmorning po.

I smiled when I heard my cousin Aly and my bestfriend Rex came in. Ibig sabihin nun, konti nalang I'll get my freedom na. Papa didn't face them though. Tumango lang siya then he went sa kitchen. Probably to wash his face. Halata kasing umiyak siya, nahiya siguro.

ALY: Ano ready ka na ba?

JHO: Kagabi pa ate. Si papa nga lang...

ALY: E normal naman yun. You're his unica hija. Ang tagapagmana ng Hacienda Maraguinot. (Laughs)

Bwisit to, nang-asar pa.

REX: (while laughing) Lahat ba ito, dadalhin mo? Isasakay ko na sa kotse ko.

JHO: yes please, thank you.

I can't help but smile at Rex. Bilib kasi ako jan. Aside from my dad, he is the only guy I trust. We started being friend during kindergarten. He was being bullied by some older kids - totoy na totoy kasi yan dati, bansot pa. Tapos iyakin din - When the other kids left, i approached him and gave him candy, ayun tumigil siya sa kakaiyak and the rest i guess is history. Sobrang naappreciate ko siya lalo na when I got sick. Inisip ko nun na syempre as a regular teenager you would expect him to go out with our friends, do regular boy stuff. Pero hindi, everyday he visited me, sa bahay or sa hospital sa maynila. Walang mintis! Kaya love ko yan e. For me he is always gonna be a brother I never had.

JD: Magiingat ka anak ha. Alyssa kayo na ni Rex ang bahala kay Jhoana ha.

ALY: Oo naman Tay. (Sabay akbay sa tatay ni Jho) Babantayan ko yan lagi. Atsaka sa iisang dorm lang naman kami. Kapag nasa labas naman, nariyan si Rex.

REX: yes tito. Magkaklase po kami sa lahat ng subjects. Ako po ang bahala sa kanya. (Smiles)

JD: O siya sige. Mauna na kayo baka matraffic pa kayo. (To jho) anak ha yung bilin ko.

JHO: Opo papa. Hindi ko po kakaligtaan ang paginom ng gamot ko. Hindi po ako magpupuyat. Uuwi po ako kada ikalawang linggo at hindi po ako magboboyfriend.

My dad just chuckled as I gave him my goodbye hug. I can sense that he's still sad but the the air around him is definitely lighter now.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Sep 16, 2017 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

The Bucketlistजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें