PAGSAPIT ng gabi ay nagpahanda ng dinner si Asher Jade. It's a yatch dinner date ang pinahanda niya. Kaya agad silang dinala ng bangka sa yatch na nakahanda para sa dinner date nila.

Nang makasampa sila sa yatch ay agad nakita ni Christine ang isa pang yatch malapit lang sa kanila. Pero may kalakihan lang ito sa yatch na kinalululanan nila ng nobyo.

"Bakit dito tayo and then all of them is there?" Tanong nito kay Asher Jade. "Dahil gusto kung masolo ang girlfriend ko habang nandito tayo." Sagot niya dito.

"I41010AJC."

Basa ni Christine sa nakasulat sa yatch. "What that mean?" Curious itong malaman kung ano ang ibig sabihin nun.

"That mean....I41010 is me for Ten-Ten. AJC is Asher Jade and Christine." Kakamot-kamot nitong sagot. "You mean, sayo itong yatch?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

"Um. Yeah! Matagal na itong iniregalo sa akin ni tito Kurt. Bata pa lang tayo noon. Then noong first year high school tayo ay pinapalitan ko ang pangalan." Sagot nito sabay yakap niya kay Christine. "Kaya mula ngayon ay pag-aari muna rin ito." Dagdag pa nito.

"Thank you." Mabilis itong dinampian ni Christine ng halik sa labi. Pero agad din namang hinapit ng binata sa baywang sabay siil niya dito ng halik. "I love you, baby." Malambing nitong aniya sa nobya na napangiti.

"I love you too."

SAMANTALA dahil sinumpong ng kapilyohan ang anak ni Kurt ay paniguradong hindi makakaligtas sa kanya ang taong gusto niyang pagtripan. At gaya ng sinabi niya sa mga kasama ay nakahanda na ang lahat ng plano niya.

"Hey! Guys, pwede bang magtago muna kayong lahat. Pumasok kayo sa loob. At please gusto kung walang ingay akong maririnig." Utos niya sa mga ito. Naguguluhan man ang mga ito ay sumunod parin sila.

Agad na pumwesto ito sa isang couch sa loob ng yatch. Nakaupo ito patalikod sa pintuan habang nanonood ng TV. Ilang minuto lang ang hinintay niya ng bumukas ang pinto.

"Hi!" Tila kabadong bati ng bagong dating. "Close the door." Utos niya dito sa boses ni Asher Jade. Agad naman tumalima ang bagong dating.

Maya't maya lang ay pinatay nito ang TV at humarap sa bagong dating. "S-sino ka?" Gulat na tanong nito ng makita niya ang taong akala niya ay si Asher Jade.

"Who I am?" Tatango-tango nitong aniya dito. "Magpinsan kami ni Asher Jade." Paliwanag nito.

"What you want for my cousin?" Sa tuno nito ay kahit sino ay masisindak sa takot. Kahit may kahinaan lang ito ngunit mabagsik. "B-bakit mo tinatanong?" Kinakabahang tanong naman ng kaharap nito.

"Dahil gusto kung malaman," seryoso nitong sagot. "And you know what? You should tell me right now what you want for him exactly. Dahil sa maling hakbang mo lang ay makikita ka nila kinabukasang lulutang-lutang sa dagat ng walang buhay. At madali lang para sa akin linisin ang gagawin kung krimen kung sakali. Dahil malinis akong magtrabaho." Pananakot niya sa kaharap. Agad naman niyang nakita ang takot sa mukha nito.

"Because I like him." Nakayukong anang babae. Natawa naman ito ng pagak. "Really. Pero hindi ka naman niya gusto. You can see meron na siyang girlfriend ngayon." Saad pa nito sa kanya.

"Pero maghihiwalay din sila." Giit naman ng babae. "At nasisiguro mo namang maghihiwalay sila? At sa tingin mo kung maghihiwalay sila kung sakali ay magiging boyfriend mo ang pinsan ko. Nha. I'm telling you, magugustuhan ka lang ng pinsan ko kung pumuti na ang uwak at nakakalipad na ang pagong." Anito sa kausap.

"Pero bibigyan kita ngayon ng chance. Your self or my cousin?" Naguguluhan naman ito kung anong klasing pagpipilian ang meron siya. "Hindi kita maintindihan." Anito.

The Beast Prince(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ