Tumaas ang kilay ko nang mapahagikgik siya sa huling pagbati niya kay Reid. Aba, si Lota hindi pa rin nawawala ang hagikgik tuwing si Reid ang nagagawi rito, ah?

Napanguso siya nang tumingin sa aming kamay. Reid smiled at her and greeted back.

"Good afternoon, Lota." pormal niyang pagbati.

Napaubo si Lota roon at nagtakip ng bibig bago gulat na sumulyap sa akin papalit sa amin ni Reidjan at sa aming kamay na magkahawak.

"Kayo ulit, Miss? Akala ko iyong..." nagbaba siya ng tingin at piniling huwag na lang ituloy ang sinabi.

Ngumiwi ako. "Nasaan sila?"

Umawang ang kanyang labi sa mangha na kinakausap ko siya ng maayos ngayon, suminghap siya at muling sinulyapan si Reid.

"Nasa dining area, po. Kumakain at nag-uusap." deklara niya sa mangha pa ring tono.

"Nariyan sila Ate at Daddy?"

"Si Sir ay nasa opisina sa itaas, si Miss Ahleira ay nasa kanyang silid at namamahinga."

Tumango na lamang ako at tumungo kami sa dining area, nadinig ko agad ang tawanan nila Kienzo roon. Mukhang nag-uusap sila tungkol sa maari naming mapuntahan.

Huminto ako sa tapat ng engrandeng hagdanan bago sa dining area, I looked at Reidjan and smiled.

"Kay Daddy muna tayo?" I asked.

Gusto kong ipakilala na talaga siya ngayon kay Daddy iyong official at walang halong pag-arte sa kanyang harapan. And I want to make him feel how important he is to me.

Pinakilala niya ako sa kanyang pamilya agad nang walang alinlangan. I better do the same, hindi lang dahil pinakilala niya ako kundi dahil gusto ko lang talaga at excited ako.

He nodded and smirked, suminghap ako nang iangat niya ako sa pangkasal na pagbuhat at siya mismo ang pumanik buhat ako.

"Landi nito!" ungot ko habang nakakapit sa kanyang leeg.

He smiled and kissed my cheek.

"You're tired, mas lalo kang mapapagod umakyat dito."

Natawa na lang ako. I sniffed on his chest, sa panggigil ko ay kinagat ko siya roon at tumawa. He groaned softly and chuckled.

"What are you? Cannibal?" he teased. "I'm willing to be your food."

Humalakhak ako, maingat na ibinaba niya ako sa tapat ng pintuan ng opisina ni Daddy. Tumingkayad pa ako para dampian siya ng halik sa labi.

"Para hindi ka kabahan." tawa ko.

Kumunot ang noo niya. "Sino naman ang nagsabing kinakabahan ako?"

Umawang ang labi ko.

"Hindi ba?"

He hugged me from the back and kissed my shoulder.

"Of course, not. Why would I?"

Umirap ako sa kayabangan. Tumawa siya at muli akong inikot paharap sa kanya para magawaran ng halik ang aking labi.

Bumilis ang paghinga ko, sinakop ng kanyang braso ang aking baywang at inangat ako ng bahagya para lalong pumantay sa kanyang taas at mahalikan ako.

Damn this man, mukhang naaadik na sa halik! Pang good luck kiss ko lang naman iyong kanina, dinagdagan pa talaga ngayon.

Nadinig ko ang tunog ng door handle sa aking likuran, napahinto agad ako sa paghalik dahil sa kabang makita kami. He laughed hoarsely and opened the door handle, siya pala iyon.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Where stories live. Discover now