I'm Married ♡: Chapter 77

Start from the beginning
                                    

Napa-ngiti nalang si Alisa, “So ang next naman namin ay ang nakakuha ng pinaka-treasure. Mr. Sy.” Tawag na nito sa akin. Tumayo ako. Shemay. Kinakabahan ako. Di rin kasi ako prepared. Tss. Bahala na nga! Kung ano na nga lang ang lumabas sa bibig ko!

Tumingin akong muli sa papel na may nakasulat na ‘Time Machine’.

“Going back or going fast forward to the future.”

Time Machine: “Eto yung gusto mong magkaroon ka kapag gusto mong balikan ang nakaraan o kaya ang makita ang future mo.”

Tumigin ako kay Alisa. She’s smiling at me. Listen carefully Alisa. This is the words I can’t say to you.

“Para sa akin… I want to use the time machine to go back to the past. Bakit? Let me tell you my---- No, our story. Back when, there was a girl who’s secretly inlove with me. But I was too busy getting my ex back.”

Napatingin naman ako kay Ianne. Her eyes like telling me ‘Ilabas mo ang lahat Ivan.’

Pumikit ako at huminga ng malalim, “Pero sila na ulit ng bestfriend ko. Sobrang mahal nila ang isa’t isa. Wala na akong maisip na paraan para bawiin sya. Kaya kahit trip ng kapatid nya sinakyan ko. And his planned is broke her heart. Kaya kahit alam kong hindi ko sya mahal, shinota ko sya. I was too dumb to not even knowing that I’m already falling for her already. And the time comes she heard everything. The planned, everything. She found out. She burst into tears and run out and got into accident.”

Austin’s POV

Fvck Ivan. Hindi mo naman kailangang ikwento pa ang nakaraan. Tatayo na sana ako para patigilin si Ivan pero pinigilan ako ni Vince, “Let him Austin. Matagal ng kinikimkim ni Ivan sa loob nya. Let him burst everything he wants to say.”

“She’s been in a comatose for more than 1 year and more than months. Napaka-daming araw at mga okasyon na lumipas. Wala akong ibang gawin kundi ang basahin ang diary nya. Dumaan ang birthdays, Christmas, new year, at ang pinaka-ayoko sa lahat, ang Graduation. Kung hindi dahil sa akin, eh di sana naka-graduate kami ng sabay. Parehas sana kaming tumanggap ng diploma.”

Pinunasan nya ang luha nya. Napatingin ako kay Alisa. Mukhang iniisip nya ang mga pinagsasabi ni Ivan. Hindi pwede to. Tatayo na sana ako para puntahan si Alisa pero pinigilan na naman ako ni Vince. Umiling ito.

“All memories about us… Had been erased to her memory. It was called, amnesia. I wasn’t expecting this. Alam ko pag-gising nya, papatawadin nya pa din ako. Pero, mali ako.”

“Ang gay ko na yata. Hehe.” Tumawa naman si Ivan at pinunasan ang luha nya.

Kyaaa! Ivan ituloy mo yung kwento!!!”

“Oo nga! Pabitin ka! Kainis!”

“Waa! Anong sunod na nangyari sa inyo?”

“Nakaka-curious kung anong pangngalan nung girl? Sino sya Papa Ivan? ^o^”

“Guys tahimik!”

Nasaway tuloy sila ng isa sa head teachers.

“And the story goes on. Haha! Basta! And if I able to used that time machine, I’m going back to the past, make things right, and I would show/give her importance and I’m surely love her like she used to love me---more than that.”

Nagpalakpakan naman ang lahat. Tila ako lang yata ang hindi pumalakpak. Bakit kailangan nya pang ikwento? Hindi ba nya naisip na baka isipin ni Alisa ang mga sinabi nya? Baka bumalik ang pag-skait ng ulo ni Alisa.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now