BATAYAN sa PAGPILI ng Mananalo

6.4K 10 27
                                    

BATAYAN sa PAGPILI ng Mananalo

SA ROUND 1:

1. Sa April 20 ipopost ang lahat ng tulang ipapasa ng mga kalahok.

2. Ang tulang ilalaban ay:

                 - okay lang kung may malayang taludturan o may sukat,

                 - malayang makapipili sa alinmang uri ng tugma tulad ng a,a,a,a / a,b, a, b / a,b,b,a at a,a b,b

                 - okay lang kung ilang saknong.

3. Sa lahat ng tulang naipasa, pipili ng 30 tula na sasabak para sa ROUND 2, at mula dito ay pipiliin ang TOP 15 para sa ROUND 3.  Mula naman sa top 15 magmumula ang TOP 5 (ROUND 4) na dadaan sa mas masusing  pagpili ng tatanghaling kampiyon.

           A/N: Maaaring isali ang tula na naipost na sa wattpad. Sa Sa ROUND 2 hanggang ROUND 4 na muling gagawa ng panibagong tula ang kalahok mula sa tema o paksang ibibigay ng mga hurado.

 

4. Ang pagpili ng sasabak sa susunod na round ay nakadepende sa dami ng nakuhang votes at reads. Pagsasamahin ang nakuhang reads and votes. Pati na rin sa napili ng mga hurado.

5. Ang mga tula ng mga magwawagi sa patimpalak na ito ay mapapabilang sa gagawin kong libro na "Pinakamagagandang Tula sa Wattpad".

6. Ang ilalabang tula ay i-message lang sa akin at hihintayin natin ang April 20 para simulan na ang laban.

7. Ang mga mechanics para sa Round 2 - Round 4 ay malalaman sa pagtatapos ng ROUND 1.

 8. Maaari mo pa ring ipost sa sarili mong account ang ipinasa mong tula at hindi pa naisasalibro.

 

9. GENRE: pag-ibig (pagkabigo, pagsuko, paghanga etc. basta about love) kalikasan, pamilya, Pilipinas, pangara,p kalungkutan,/kasayahan, Kasaysayan, Wika, Gobyerno ng Pilipinas.

10. Ako at ang huradong kasama ko  ay huhusga sa mga ipinasang tula. 50% wattpad result at 50% mula sa amin. Ito ang rubric o criteria.

Mensahe----------------------------------------- 40%

Kooperasyon ng mga SALITA ------------- 30%

Wastong gamit ng mga bantas----------- 20%

Impact sa mga mambabasa ------------- 10%

Salamat! Nawa'y paunlakan mo ang aking paanyaya.

A/N: Ang mga mechanics na ito ay maaaring mabago at madagdagan kung hinihingi ng pagkakataon,  depende na rin sa bilang ng mga lalahok.

 *Pasensya sa mga pagbabago. Para po iyon sa mas ikagaganda ng patimpalak. Salamat sa pag-unawa.

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Where stories live. Discover now