Nagsimula na siyang magdrive at may napansin akong parang eggcheese sandwich na macdo. May maliit na ito na kagat. Tapos may nakatakip na coffee sa lalagyan ng inumin.

Doon ko napansin na medyo magulo ang mamasa masa niyang buhok at medyo mali pa ang pagkakabotones ng kanyang checkered polo.

" Do you want to have some music?" Tanong niya at napasilip sa akin tapos binalik ang tingin sa kalsada.

Hindi ako sumagot at nanatiling tinitignan ang kanyang maamong mukha. Siguro nagmamadali siyang pumunta dito kaya hindi siya nakapagbreakfast o kaya naayos ang damit niya. Naguguilty tuloy ako. Kahit hindi ko naman siya sinabihan na gawin ito, the fact na ginawa niya ito para sa akin ay nakakakonsensya.

" What's the problem baby? Hmmm?" Biglang tanong niya at tinigil ang kotse. Napatingin ako sa daan at nakita ko na red light pala.

" Wala naman...." sambit ko at umayos hg upo.

Tahimik niya akong tinignan na para bang inaalam ang iniisip ko.

Nang naggreen na ay nagdrive siya uli.

"C~CEdric..... kain ka muna.." sambit ko sa kanya.

" I'll eat after I drive you to school." Siya.

Napasimangot ako. Kasi naman nakakahassle ako sa kanya. Dapat kumakain siya at hindi nagdadrive para sa akin. Iisipin pa ng mga babae niya... inaalila ko na nga, ginugutom ko pa. Abay napakawalang puso ko naman ata?

Kinuha ko ang eggsandwich na nasa harap at mas binuksan ang bumabalot. Tapos sabay lahad sa may bibig ni Cedric.

"Oh...kumain ka. Baka mabangga tayo dahil pinagdrive kitang gutom." Sambit ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha at sandaling tinignan ako bago binalik ang tingin sa daan.

"AH~~" sambit ko sabay buka ng bibig para e encourage siyang kumain.

Nakita kong lihim siyang ngumiti bago kinagat ang sandwich.

"Sa susunod, huwag kang magdadrive sa umaga kung hindi kapa nagbre-breakfast. Kapag kalam ang sikmura mo, magiging dalawa ang paningin mo at baka ka maaksidente.Ako pa ang sisihin ng mga alagad mo" Sermon ko sa kanya habang siya'y ngumunguya.

Tumango tango pa siya para ipahiwatig na sangayon siya.

" Yes Baby Boss." Sambit niya at ngumiti ng wagas. Kitang kita ang pantay at malacolgate commercial na ngiti.

Ayan na naman ang mga kung ano anong tawag niya sa akin.

" Oh! Kain pa." Sambit ko sabay lahad ulit ng sandwich sa kanyang bibig.

"You can have some if you want." Sambit niya matapos ngumuya.

Bumugal ang kotse at huminto dahil pumula na naman ang roadlight.

"OK lang ako. Nakapagbreakfast na ako. Ikaw ang mas mahalaga ngayon.." sambit ko at nakita kong namungay ang tingin niya habang nakatingin sa akin.

May kakaiba sa kanyang titig sa akin. Walang salita na nagmula sa kanyang bibig pero ramdam ko ang intensidad ng emosyon na nakikita ko sa kanyang mga mata.

"B~BAKIt? M~may nasabi ba akong masama?" Pagtatanong ko sa kanya.

" It has been a long time...I almost forgot the feeling how good it is.. that someone considers me important and cares for me." Sambit niya at ngumiti sa akin.

Napakurap kurap ako dahil sa sinabi niya....alam kong may pinaghuhugutan siya.. na parang isa siyang rejected person.

" thank you baby...you always know how to complete my day with different dosage of you." Dagdag niya at ngumiti sa akin. Tapos ay kinuha niya ang inumin at uminom doon bago simulan ang pagdrive.

Just You and All of MeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα