Kabanata 38

2.2K 42 3
                                    

Kabanata 38: Miss

Vivien was depressed the next day. Kwinento niya sa akin kanina sa classroom ang nangyari sa family dinner nila Yohan at ngayon ay sinusuyo siya ni Yohan habang naglulunch kami.

"Mom likes you, it's just that..." Paliwanag ni Yohan.

Yes, he's with us today. Basty and Megan aren't though. Dino is probably with his girl. Or girls. Whatever.

"No, it's okay." Tampo ni Vivien na hindi man lang tumitingin kay Yohan.

Apparently, Yohan's mom was kind of rude to Vivien last night. She called her "maarte". Hindi niya sinabi ng direkta pero nagparinig ito sa harap ng hapagkainan, which, I think, is more rude. Mabuti na lang ay okay naman ang dad niya sa kanya. Well, it's a natural tendency anyway for a mother to act too protective of her child.

"I will talk to her-"

"No, it's fine babe." Bahagyang nanlaki ang mata ni Vivien. Tipid siyang ngumiti kay Yohan.

Hindi ako nagsalita. Naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Rick na nasa kanan ko kaya nilingon ko siya, halos sabay tumaas ang kilay namin. Parang tinatanong niya kung bakit ang tahimik ko. Kanina rin kasi ay may tinatanong siya pero tatango o di kaya ay iiling lang ako.

Hindi na ako umimik at pinakinggan na lang ang kung anong pagtatalo nila Vivien at Yohan sa harapan ko.

My phone vibrated. Nang nakita ang pangalan ng tumatawag ay tumuwid ako sa pagkaupo. Daddy's calling.

"Excuse me." Sabi ko bago pindutim ang answer. "Hello?"

"I was supposed to text you but I'm driving. Papunta na ako sa school niyo." Bungad ni daddy.

Nanlaki ang mata ko at natigil sa pag-uusap si Vivien at Yohan para panoorin ako. Rick is watching me too.

I know dad will need to go to school to settle my papers in school and talk to them about my transfer but I wasn't aware that that day would be today!

"Macy?"

"Okay po. I'm having lunch."

"Okay. I'll be right there in ten." He ended the call afterwards.

Lumunok ako habang tinago ang phone ko. Rick turned his eyes to my phone and back to my face as if asking who just called.

"Daddy." Simple kong sabi.

He'll be here in ten minutes? Anong sasabihin kong dahilan kila Vivien kung bakit siya narito? Damn. Kung sasabihin ko naman ngayon din sa harapan nila Yohan ay alam kong makakarating iyon kay Basty! Basty being aware that I will leave is the last thing I want to happen right now!

"Of course, Yohan. She's your mother." Rinig ko kay Vivien. Hindi ko na masunod ang pinag-uusapan nila but it's obviously because of Yohan's family.

"That is why I will talk to her. Mabait si mama. She's just hard to please."

"No kidding." Sarkastikong utas ni Vivien.

Napunta ang pinag-uusapan sa kung ano ang kukunin naming kurso sa college two years from now. Graduating na kami next next year, well, only them. I will still need one semester before graduating. Binanggit kasi ni Yohan na isang lawyer ang kanyang nanay kaya siya ganoon, he said she is a woman with class, elegance and principles.  His mom is asking him to take law in her alma mater, Ateneo de Manila Law School. In which, I learned, coincidentally, Rick is being asked of as well. Only that his father is making him study in UP College of Law instead.

"Well, I don't know what program I'll take." Kibit balikat ni Vivien at sumipsip sa straw mula sa karton ng juice.

Medyo tumawa si Yohan at hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ni Vivien. He must be thinking that she's just kidding.

Playful Melodies (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें