Chapter 23: Valentines

Začít od začátku
                                    

"May kaunti ba?"

"Ha?"

"Pag-asa.." Aniya na nakayuko

"Ha? Saan?"

"Tch,"

"Saan ba?"

"May pag-asa ba 'ko sa'yo? Kasi kung wala.. Edi let go.."

"Tch"

"Ano? Meron?"

"Ronnie.."

"MERON?" aniya

















"Libing to rtu, wag mo muna akong ligawan dito please? Baka multuhin ka ni Jon,"


"Babawi ako.." Aniya na nagpainit sa mga pisngi ko.

"Oo na. Halika na,"

"Halikan na agad? E wala pa ngang tayo,"

Nanlaki ang mata ko sa Sinabi nya. Baliw.

"Sira-ulo!"

"Hahahahaha! Joke lang.."

"Let's go,"

"Ano? S*x go? Wala pa nga sabing tayo,"

Tangina netong lalaking to. Palakpakan nga!

"Sira-ulo ka ba? Bingi mo ha? Nakakairita ka. Kala mo kung sinong napaka-inosente may tinataglay rin palang ganyang ugali.." Ani ko bago ako dumiretso sa mga nakaupong mga makikipag libing.

Nagsimula ng magsalita yung pari Sabay ng pagtabi sa akin ni Ronnie habang nakatingin sa akin. Di ba sya marunong mahiya Kay Jon? Hmp!







"Pst," aniya

Tinapunan ko lang sya ng tingin.

"Galit ka?" Aniya pero tinignan ko lang ulit siya.

"Galit ka nga," aniya Sabay yuko.

"Drama," ani ko.

"Sorry," aniya na nakayuko pa rin.

"Mamaya na pwede? Di pa Tapos yung pari oh," ani ko.

"Okay," aniya







Pagkatapos magsalita ng pari, unti-unti ng binaba yung kabaong nya kasabay ng pagtulo ng mga luha ng mga tao.


Goodbye Jon...



Isa-isa silang nagbigay ng mensahe pero tumanggi ako. Mas mabuti ng sa aming dalawa na lang..




Mabilis na natapos ang libing ng tahimik ako. Gusto Kong sumabay kila Kristel pero mukhang magdedate pa sila ni cj. Sinubukan ko din kila Mccoy, pero kasama niya si maris tsk. Kila mommy at daddy naman, didiretso pa sila ng orphanage. Magpapakain na naman sila tsk. Iniz!



"Sakin ka na lang sumabay.." Ani Ronnie mula sa likod ko.

Tinapunan ko lang siya ng tingin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto pero tinignan ko muna siya.

"Sakay na," utos niya

"Tch," ani ko sabay irap sa kanya.

"Sorry na.." Aniya pagkasakay ko sa kotse.

"Ang Arte mo. Kalalaking tao eh,"

"Nagsosorry lang naman eh," aniya sabay pout. Tch! Bagay.

"Wag ka ngang ngunguso. Di kaya bagay. Ang sagwa tignan sayo,"

"Grabe naman to! Nag-pout lang eh,"

"Ihatid mo na 'ko sa bahay," ani ko at sinimulan na niyang magmaneho.

"Iiyak ka pa ba Kay Jon?" Aniya

"Ubos na luha ko,"

"Mumultuhin ka nun," pananakot pa niya saken. Duh! Sya kaya mumultuhin nun.

"Tapos?" Ani ko.

"Starbucks tayo hehe.." Aniya.

"Ayoko. Nagda-diet ako. Ayoko ng kape. Diet ako sa pera," ani ko na ikinatawa niya.

"Tsk. Libre kita,"

"Ayoko,"

"Nanliligaw ako sue eh! Lagi na lang kumokontra to," ani r2 sabay pout again. Tch.


Hinayaan ko na lang siyang mag-drive hanggang sa nakarating kami sa mall.


"Happy Valentines Day...." Ani Ronnie sabay abot sa akin ng regalo niya. Hindi siya flower. Hindi siya teddy bear o chocolate.

"Ano to?"

"Yung mga lalaking mahal na mahal mo rin,"

"One direction? Ano to? Album?" Ani ko na bakas pa rin ang saya sa mukha.

"Tignan mo.." Aniya na nakangisi.

Agad Kong binuksan ang regalo niya sa akin at di nga 'ko nagkamali.

Made in the A.M. album....♥

[Sorry directioner si author eh 😝 okay continue reading..💕]

"Thank you.." Ani ko na Hindi mawala yung ngiti sa mukha.

"Always welcome.. Happy Valentines Day.." Aniya

"Happy Valentines," ani ko.





Sa sobrang busy ko sa pag-iyak nakalimutan ko ng valentines ngayon...




To be continued....

_________________________________________________________









Hi Guys! Happy Valentines day! Bitter ka na naman? Tsk! Hahahahahaha. Wag bes! Kain ka nalang sa bahay nyo hehez. Tapos ayun na! Wag ka ng bitter, gutom ka lang eh. Happy Valentines day agaiiin! :* Hi sa mga single na magaganda na katulad ko. WAHAHAHAHAHAHAHA CHAROT.

-phiaxphi@

Challenges [Suenie] O N G O I N G Kde žijí příběhy. Začni objevovat