D A P A T

4 0 0
                                    

Ano nga ba ang dapat?

Ang dapat sundin, 

Ang dapat pakinggan, 

Ang dapat gawin,

Ang dapat pagisipan.

Ano nga ba ang dapat?

Kung ang sabi nila dapat sundin ang nararamdaman, 

Ngunit ito ay may kasamang listahan na dapat mong pahalagahan at kailangan mong pakinggan para malayo ka sa kamalian.

Pero akala ko ba susundin ko lang ang aking nararamdaman, bakit may tama, may mali at may masasaktan?

Hindi ko maintindihan kung ilang bagay ba ang dapat kong sundin, ilang bagay ba ang dapat kong gawin?

Dapat ko parin bang sundin ang aking nararamdaman? Dahil sa dami ng 'yong nakikitang kamaliam, naiisip kong baka huwag na lang.

Pero sino ka nga ba para sabihin na mali ang nararamdaman ko? Na mali ang desisyon ko at huwag ko dapat gawin 'to?

Sa dinami-dami ng ng DAPAT na inilista mo, wala na akong pakialam kung mali ako. Ang alam ko lang na dapat kong gawin ay mag-isip ng iba't ibang paraan na siya'y mahalin.

'Di bale nang tama,

'Di bale nang mali,

'Di bale nang may masasaktan.


~ 1.27.27

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jan 29, 2017 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

DAPAT (A spoken poetry)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz