"What the..." Biglang napatayo si Rio sa pagkabigla. May nagsaboy kasi sa kanya ng tubig.

Naningkit ang mga mata niya at hinanap kung sinuman ang nanggulat sa kanya hanggang sa mapadako ang tingin niya sa gilid ng pool kung saan nakangisi si Dana.

Nagtama ang paningin nila at napahilamos na naman siya sa mukha ng sabuyan siya nito ulit ng tubig. "Ikaw! Gusto mo ng laro ha!"

Agad siyang lumusong sa tubig at pinagkikiliti si Dana.

"Hahaha! Hahaha! Tama na, Kuya. Tama na! Hahaha!" Sigaw ni Dana habang sinusubukang makawala sa pagkakayakap ni Rio. Patuloy lang siya nitong kinikiliti hanggang sa nagkaharap na sila at napasandal sa gilid ng pool.

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Rio. Sumeryoso ito at tumitig sa mga mata ni Dana bago bumaba ang mga titig nito sa labi ng dalaga.

Huli na para makapagreact si Alana. Nasakop na ng bibig ng binata ang mga labi niya. Kinukuryente ang buong pagkatao niya sa pamamagitan ng banayad nitong paghalik sa nakatikom niyang mga labi.

Hindi malaman ni Alana ang dapat niyang gawin. She can't think. She's stiffened. Ipinikit na lamang niya ang mga mata at ninamnam ang bawat hagod ng dila at labi ni Rio sa kanyang nakaawang ng bibig. Wala yata itong balak na pigilan ang paggalugad ng dila ng binata na ngayon ay nakapasok na sa bibig niya at hinahanap ang kalaro nito.

Sarap na sarap si Rio sa pagdama sa malambot na labi ni Dana at sa pagtikim sa matamis nitong laway. Napapapikit na rin siya na wari'y ninanamnam ang idinudulot nitong kiliti sa puso niya.

"She isn't responding, Rio. Stop!" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rio sa realisasyong iyon.

Napalayo siya ng konti kay Dana at kapwa nila hinahabol ang hininga nila.

"I-i'm sorry, Dana. I don't know what gotten into me." Napasabunot sa buhok si Rio habang humihingi ng tawad at nakatitig sa wala pa ring kagalaw-galaw na dalaga.

"You stole my first kiss." Mahinang bulong ni Alana sa sarili na halos siya na lang ang nakakarinig.

"What?" Tanong ni Rio na nagpabalik ng tuluyan sa gunita ni Alana sa kasalukuyan.

Feeling niya kasi inilipad siya ng mga halik ni Rio patungo sa langit palabas sa ibang daigdig at dimensyon.

"Ah, ha? Ang sabi ko hindi ka masarap humalik, Kuya. Lasang kape." Natatawang ani Alana sabay saboy ng tubig kay Rio.

Ayaw niya ang nararamdamang pagkalito sa mga sandaling ito. Hindi na niya alam kung ano ang sinasabi ng isip at puso niya. Lutang ang pakiramdam niya.

Narinig niyang tumawa ang binata at binack-hug siya na lalong ikinanginig ng kalamnan niya.

"Why so sweet, Ralph? Tama na please. I can't breath anymore. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko." Naisa-isip ni Alana.

"You are the most imperfect girl i've meet, Dana. But you make me smile the way that no other girl does. Don't let me feel this way. Don't make this feeling grow bigger, Dana. Don't let me think that you'll become imperfectly perfect for me. Mababaliw ako." Bulong nito sa kanya bago ito umakyat mula sa pool.

Naiwang nakatanga si Alana sa tubig at napasandal sa gilid ng pool.

"Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Is he..." Napalunok siya.

"Is he...falling in love with me?" Nanlaki ang mga mata ni Alana sa isiping iyon. "But how? I mean, i'm doing everything I can just for him to unlike me, for him not to give his attention to me. Pero bakit ganoon? Sa pinagsasabi niya, parang pinapahiwatig niya sa akin na nahuhulog na ang loob niya sa akin despite of me, making myself funny and unlikable to his taste. Ipinaparamdam niya sa akin na tama ang mga mali kong ginagawa. Urgh! Naguguluhan ako. Pinagtitripan niya ba ako?"

"Dana! Akyat ka na dito. Magbreakfast na tayo. We'll have a lot of activities to do today. Pupunta pa tayo sa underground river." Untag nito sa kanya.

Huminga muna ng malalim si Alana bago umakyat sa kinaroroonan ni Rio.

Kumain sila ng tahimik at panaka-nakang nagsusulyapan. Sobrang awkwardness ang mafefeel sa paligid sa mga sandaling ito. Parang mas malakas pa yata ang tibok ng puso nila kaysa sa malakas na paghampas ng alon mula sa may dalampasigan hindi kalayuan mula sa kinaroroonan nila.

"I'm sorry for doing that earlier. Sana hindi ka magalit sa 'kin." Pagbubukas ng usapan ni Rio.

"Okay lang 'yon, Kuya. Iyon nga lang hindi siya masarap. Lasang kape po talaga. Sa susunod po kapag gusto n'yo akong halikan uminom po muna kayo ng pineapple juice. Gusto ko kasi 'yong ganoong lasa." Nakangiting hirit ni Alana.

"Hahaha! Silly. I'll never do that again, Dana." nakita ni Rio na parang nagbago ang expression ng mukha ni Dana, nalungkot ito. Parang bigla rin siyang nalungkot dahil dito. "I mean, not unless may permiso galing sa'yo." Nakangiting bawi niya.

"Palabiro ka rin pala, Kuya. Huwag na po sanang masundan iyon. PA n'yo po ako at ayokong matsismis kayo ng dahil sa akin. Sana mahanap mo na ang 'pirpikt' girl mo, Kuya. Gusto ko po kayong makitang masaya. Iyon po bang kahit ichichismis po kayo ng media, iyong maganda naman. Iyong 'pasitib' ba. Iyong masisiyahan kayo sa maririnig at hindi kayo mababadtrip."

Nakatitig lang si Rio sa kanya habang nagsasalita siya. Naconscious tuloy bigla si Alana.

"Their eyes really look the same. Pero hindi talaga pwedeng maging si Alana si Dana. They have different personalities. Ibang iba. Magkabaliktad. Pero bakit parang pareho na ang pagtibok ng puso ko para sa kanila? Haist! Siguro naaalala ko lang talaga si Alana sa mga mata niyang iyon."

"Hoy! Kuya! Lumilipad utak mo. Saan ka ba naroroon ngayon? Heaven o Hell?" Untag nito sa kanya.

"Tss! I just want to say thank you, Dana. Salamat kasi hindi ka nagalit sa ginawa ko kanina at sorry na rin dahil doon. And thank you for wishing me happiness. I needed that. Lalo na ngayong alam ko na i'm ready to settle down and have a family of my own." Seryosong sagot niya rito.

"Tss! Naging seryoso bigla. Ano ba 'yang kinakain mo ha? Pahingi naman n'yan. Gutom na ako eh." Pag iiba ni Alana sa usapan. Naiilang na kasi siya sa kaseryosohan ni Rio. Para bang pinaparinggan nito ang puso niya.

"Eh kanina ka pa niyayang magbreakfast nawili ka naman kakalangoy doon. May bacon d'yan, eggs, hotdogs kape saka juice. Pili ka nalang. Kung may gusto kang kainin magsabi ka lang, ako ang bahala."

"Naks. Ang bait ni Kuya ah. Nakascore lang eh. Kung may hihingin ba ako, Kuya, papahalik lang ako sa'yo ibibigay mo na kaagad?"

"Uuh!" Naibuga ni Rio ang iniinom na kape sa tanong ni Dana. Kamuntikan na siyang masamid sa sinabi nito.

"Okay ka lang, Kuya?" Nakangising tanong nito sa kanya.

"Tss! Mukha ba akong okay, Dana? Dahan-dahan naman sa pagtatanong."

Natawa lang ito at ipinatong sa kinauupuan ang isang paa at nilantakan ang pagkain.

"Dana!" Sigaw ni Rio habang nanlalaki ang mga mata. Naaaninag na niya ang tinatago ng swimsuit nito. Napabaling nalang siya ng tingin sa ibang direksyon.

"Oh?" Sagot lang nito habang patuloy na sumusubo ng pagkain gamit ang mga kamay.

"Ibaba mo nga 'yong paa mo, Dana. Nakakailang eh. Bakit ka nagkakamay? May kutsara naman at tinidor ah."

Hindi manlang siya nito pinakinggan at patuloy lang sa pagkakamay at sa pabalahurang pagkakaupo.

"Hay!" Hinilot ni Rio ang sintido na wari'y sobrang disappointed sa nakikita kay Dana. "Hindi ka talaga pwedeng maging perfect girl para sakin, Dana. Hindi ka magiging kagaya ni Alana kahit na kailan."

Imperfectly Perfectحيث تعيش القصص. اكتشف الآن