Chapter 1

22.6K 209 3
                                    



Aaron Levi's POV


   "Hooooy tibo! gawan mo nga ako ng assignment! Blisan mo't malapit nang dumating si ma'am!" sigaw ko dun sa nerd kong seatmate pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom namin. Tinginan ang mga classmates ko sakin pero nanatili silang tahimik. Gustuhin man nilang umangal sa ginagawa ko sa seatmate kong tibo, hindi nila magawa-gawa dahil ako ang makakalaban nila.



Agad namang tinanggap ng tibong seatmate ko ang hinagis kong notebook ko sakanya at agad itong sinagutan. Ni minsan, hindi pa yan umangal sa mga pinagawa ko sakanya. Hindi naman ako bully, medyo siga lang para di mapagtripan ng mga schoolmates kong lokoloko. Aba! Mahirap na. 




Umupo na ako sa tabi ni nerd. Syempre dahil seatmates kami. Tsaka ko isinalpak yung headset ko sa magkabilang tainga ko at nakinig ng music. May 35 minutes pa kasi bago dumating yung prof namin kaya makakatulog pa ako.



-



"Uuuuuuhm. Uuuuuuuuuuh. Uuuuuuuugh" 



"Mr.Javier! Having wet dreams in the middle of my class?!" literal na nahulog ako sa inuupuan ko ng marinig ko ang nakakatakot na boses ni ma'am Agon. Putcha, napahaba yata yung tulog ko. 



Rinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko kaya pinandilatan ko sila ng mga mapupungay kong mata pero hindi sila natinag. Kaya napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan.



"Wag kasing nagpapanood ng mga porn, dude!" rinig kong kantsaw sakin ng isa sa mga kaklase kong lalake. Hindi ko nalang ito pinansin. Pero humanda sakin yung lalaking yun mamayang uwian.



"Sorrry po ma'am. Di na po mauulit" Sabi ko kay ma'am. Hindi namana din sya nagsalita at bumalik na sa kanyang pagtuturo. 



putchaaa! panaghinip lang ba yun? oo totoong nangyari yun?! Pakiramdam ko kasi may humaplos-haplos sa mga binti ko habang natutulog ako kaya ako napaungol ng ganun. The f! Tsaka parang sa pananghinip ko, si nerd yung humaplos sakin! Putragis naman ooh! Pero impossible naman yun eh! Si nerd, inosente. Kita ko yun sa mukha nya at kilos nya kaya di nya yun magagawa.




Napansin kong bumalik na ang atensyon ng lahat ng mga kaklase ko kay ma'am. Mabuti naman at di na ako pinagtatawanan ng mga classmates ko. Nakakahiya yun!



Itunuon ko na ulit yung atensyon ko sa leksyon namin. Mahirap na baka mabagsak pa ako.




Pero nagulat at nanigas ako sa kinauupuan ko ng maramdaman ko ang isang kamay na gumapang sa may mga binti ko. 

The Superb Maniac Nerd (SPG)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant