Ngumuso ako.

"I'm sorry, Noah. I'm just really busy."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Kung hindi mo ako iniiwasan, then prove it to me, Coreen. Come with me." Mariin niyang sinabi.

Wala akong nagawa. Hinigit niya ako papasok sa sasakyan niya at dinala niya ako sa kanilang bahay. Aniya'y may practice daw sila ngayon at pagkatapos ay ililibre niya ako.

"Damn, I miss you." Aniya nang nagkaroon ng traffic at tinitigan niya ako.

Uminit ang pisngi ko tsaka hinampas ko ang braso niya.

"Wa'g mo nga akong biruin."

"Bakit? Di mo ba ako namimiss?" Seryoso ang kanyang mukha.

"Syempre, miss din."

Ilang sandali ay nagtawanan kaming dalawa. Pakiramdam ko wala talaga akong ibang maramdaman sa kanya kundi ang friendship. Iyon na lang. Siguro ay naubos na ni Rozen ang pagmamahal ko. 

"Sorry." Binasag ko ang katahimikan namin nang papalapit na kami sa bahay nila.

"Bakit?"

"Iniwasan kita." Pag amin ko.

"Alam ko. Bakit?"

Ngumisi ako sa sagot niya.

"Kasi natatakot kang mag selos si Rozen?"

"Hindi no." Sumulyap ako sa kanya. "Ayaw ko lang na mas lalo tayong magkabuhol. I love Rozen. At ayokong pag masyado na tayong close ay masaktan pa kita."

Suminghap siya, "Madali naman akong kausap, Coreen. Years ago, nang sinabi mo saking na fall out ka na sakin at si Rozen na ang mahal mo, agad kong tinanggap iyon kahit masakit. Alam kong kasalanan ko kasi hinayaan ko kayong dalawa. Napatawad ko na ang sarili ko. Ngayong nakikita kong wala siyang pakealam sayo, hindi ko kayang hayaan kang ganyan."

"Noah, hindi ko rin kayang nandyan ka tuwing umiiyak ako at sumasaya lang ako pagkasama ko siya. Hindi ko kaya yun, Noah. I'm not like Rozen. Hindi ko kayang manggamit ng tao gaya ng ginawa niya noon satin."

"Hindi mo naman ako ginagamit, Coreen. I'm being a friend here." Ngumiti siya pero may lungkot akong nakikita sa kanyang mga mata.

Pinipiga na naman ang puso ko. Ilang beses ko na kayang pinagdasal na sana si Noah na lang ulit?

Nang pinasok niya na ang sasakyan niya sa kanilang bahay at nipark niya doon...

"Nga pala. This coming weekend, ikakasal ang kapatid ni Liam." Medyo kumunot ang noo ni Noah sa sinabi niyang iyon.

"Talaga? Whoa!"

"Kakanta kami sa kasal. Beach wedding. Tsaka sinabi ko sa kanyang sasama ka." Ngumisi siya.

"What?" Hinampas ko ang braso niya.

"Oo. At ni book niya na tayo sa hotel. Isang room lang tayong dalawa-"

Mas lalo kong hinampas ang braso niya.

Tumawa na lang si Noah.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz