Mabuti naman at hindi na ako kinulit pa ni Lara pagkatapos non. Bumili ako ng isang libro na naka-sale para sa sarili ko. I rarely spoil myself kahit pa may sobra akong pera dahil hindi ko alam kung kailan biglang aatakihin si Papa at kailangan palagi akong may nakatabing pera para sa emergency.

"Sa Jollibee nalang tayo kumain?" Lara asked and I nodded.

"Ano na nga palang balita doon sa nabangga mong sasakyan? Ayaw ka talagang pagbigyan sa dalawang buwan?" tanong ni Lara after naming maka-order sa Jollibee. Nasa food court kami at medyo marami-rami na ring tao sa mall.

Napabuntong-hininga ako at malungkot na umiling. "Bakit kasi napaka-malas kong tao. Sumabay pa siya sa iniisip ko," sabi ko.

"Dapat kasi nagdahan-dahan ka sa pagmamaneho mo,"

"Natakot kasi ako na ma-late dahil ayaw ni Micko ng hindi ako on-time sa pagdating,"

"Pero anong nangyari? Na-late ka pa rin naman at may dumagdag pa sa problema mo," she said while shaking her head in disappointment. I just rolled my eyes and continued eating.

Kung sabagay, may point naman si Lara. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nagdahan-dahan sa pagmamaneho pero hindi ko naman ginusto iyon...

"Bakit hindi mo nalang kausapin si Micko? Malay mo pumayag siya na ibigay ng advance iyong sahod mo. Mukha namang mas mabait si Micko kaysa sa Jayden na iyon," Lara suggested.

"Hindi ba nakakahiya?"

"Try mo lang makiusap baka pag-bigyan ka niya,"

I sighed.

Paano kung hindi siya pumayag? Baka mapilitan nalang talaga akong pumayag sa isang option na binigay ni Jayden. Pero ang tanong... kakayanin ko ba?

***

Ilang beses kong sinubukang i-text si Micko pero agad ko ring binura iyong text ko sakaniya bago ko pa ito ma-isend. Nahihiya talaga ako kasi baka isipin niya ang kapal naman ng mukha ko porket mabait iyong pakikitungo niya sakin. Baka isipin niya inaabuso ko naman siya masyado.

Hindi na rin kasi ako kinontak ulit ni Micko kahit pa sinabi niyang 'I'll call you later' sakin noong hinatid niya ako last 2 days ago.

Hindi naman ako naghihintay nang tawag niya. Ang sakin lang sana hindi nalang sya nagsabi na tatawagan niya ako kung hindi naman pala niya magagawa...

"Bakit lukot na naman iyang mukha mo Ate?" tanong ni Jella pagpasok niya ng kwarto namin. Tinago ko muna iyong hawak kong cellphone bago siya hinarap.

"Okay lang ako... Tapos na kayong kumain?" tanong ko at agad naman siyang tumango. "Nainom na ba ni Papa iyong mga gamot niya?"

"Oo, Ate... Ako pa mismo nagpainom kay Papa at alam mo naman iyon medyo may pagka-matigas ang ulo," natatawang sagot ni Jella. "Kain ka na Ate. May itinabi kaming ulam para sayo,"

I nodded my head before I went to the kitchen. I was eating my lunch when my phone vibrated.

From: Micko

Hi, :)

I pursed my lips together to stop myself from smiling.

Ewan ko ba.

Alam ko namang trabaho ko lang iyong nangyari saming dalawa pero pagkatapos kasi may mangyari samin, parati ko na siyang naiisip. Alam ko namang parte iyong ng trabaho ko at babayaran niya ako para sa serbisyong binibigay ko pero alam mo iyon? Kahit na alam kong mali, hindi ko maiwasang sumaya kahit papano, dahil ngayon ko lang naramdaman iyong ganitong pakiramdam.

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Место, где живут истории. Откройте их для себя