♪♫I bought a ticket to the end of the rainbow. I watch the stars crash in the sea. If I could ask God  just one question. Why I’m to hear the wind mill. Tonight! Someday we’ll know! Why Samson love Delilah? One day I’ll go, dancing on the moon! Someday you’ll know that I was the one for you! Yeah Yeah Yeah Yeah!♪♪

~Someday You’ll Know by: New Radicals

“Wow huh?!Gentleman? Psy ikaw ba yan?” nginisihan ko siya.

“Haha, pede din!” at sumayaw at kanta siya ng Gentleman.

“Hahahaha, ikaw na magaling sumayaw!” huminto naman agad siya at kumamot ng ulo.

“Ikaw talaga! I’m naturally born gentleman!” at nagtaas siya ng dalawang kilay at ngumiti ng parang tanga. Pero cute. Ayyy wait sinabi ko ba talaga sa inyo na cute siya? Sabihin niyong hindi, kasi kung oo kill me now! grrr..

“Ang sabihin mo, You’re naturally born a womanizer! And gentledog! Tse!” inirapan ko siya. Pero hinawakan niya ang siko ko kaya may tila kuryenteng dumaloy sa akin. -.~ Anyaree? Para akong na-ground.

“Sus, hindi ako ganon. Kasalanan ko ba kung masyado akong gwapo?” aba at ang kapal din pala ng mukha nito eh! Pero kanina lang sinabi mong cute siya, kaya aminin mo na, na gwapo siya!Ay peste! pati utak ko na-aaning na!

“Ay ewan ko sa’yo at kung saan mo nakukuha yang yabang mo!” hinampas ko siya ng marahan sa balikat.

“Sus, eh ayan na nga oh! Nananantsing ka! Tsk.” umiling iling pa ito kunware.

“Ekskyusmi ha?! Hiya naman ako sa’yo. Hinampas na tsansing pa ang dating’? Eh kung suntukin kaya kita para sulit man kung sabihin mong tsansing?!” pinandilatan ko siya.

“Ayy, babawasan mo lang ang ka-gwapuhan ko eh!” itinirik ko ulit ang aking mgamata.

“Haynakooo, male-late nanaman ako eh! Bye na nga!” sabi ko at pumasok na siya sa kotse.

“Bye, Drive safely!” sabi ko at ngumiti kapalit ng pag hatid niya. Kung hindi lang baka tinaasan ko lang yan ng kilay.

“Yes Maam!” nag salute siya. Para siyang ASO. Bakit cute? Hindi ahh! Kasi parang ULOL.  -_- epal na utak.

“Ingat!” at naglakad na ako papalayo.

“Bye! I’ll pick you up at 12!” pahabol sa sumigaw ito at idinungaw ang ulo sa bintana. Patalikod naman akong naglakad para harapin siya.

“Okay!” at nag wave ako. Umalis na ang kotse niya.

-----------

Umakyat ako sa top floor dahil nga ako ang secretary ng Big boss namin.

“Good Morning!” nadaanan ko ang mga kasamahan ko sa trabaho!

“Wow teh! Mukhang iba ang aura mo today!” puna ni Kiray at lumapit saakin. Huminto muna ako at sinipat ang relo ko, neh! may 10 minutes pa at di pa naman ako late.

“Oo nga, I never saw that natural smile on your lips and eyes before!” choss ume-English. Si John ang suitor ko na makulit.

“Wala! Ano ba yang pinagsasabi nyo?” natatawa ako sa kanila.

“Hmmm. Siguro dahil nanaman yan sa Prince Charming mo ano!?”  K-kay Prince? Hala? Dahil ba sa kanya? Natural siya lang naman ang kasama mo kanina -_-  at ang maldita kong utak sumingit nanaman. Well sige na i-aadmit ko na, partly because of him.

“H-ha bat niyo naman nasabi?” gash! Na-aabno na ata ako eh!

“Edi siya nga! Tsk. Napanaginipan mo nanaman. Paanong hindi eh malamang na hinahalikan mo pa yung picture niya bago matulog at inilalagay sa ilalim ng unan!”hala! Hindi noh! Dati lang! Aish! -_0

Chasing My Prince Charming!Where stories live. Discover now