Panimula

748 29 14
                                    

PANGULONG Macario Sákay y Leon -isa sa mga beteranong Katipunerong sumuway sa utos na manumpa ng katapatan sa ilalim ng Imperylismong Estados Unidos, at hindi nag-alinlangan na ituloy ang laban kasama ang ilang magsasaka, manggagawa, intelektwal, mga mamamayang inapi't ilang Katipunero...na dati, laban sa Kolonyalismong Espanya, at ngayon nama'y laban sa Imperyalistang Estados Unidos.

Muli niyang binuhay ang Katipunan (na orihinal na itinatag ni Presidente Supremo Andres Bonifacio y de Castro) at tinawag na Republika ng Katagalugan noong taong 1902.

Minarapat niya na makipaglaban at makipagsapalaran sa loob ng ilang taon laban sa mga Imperyalista kahit na ang kapalit nito'y ang pagturing sa kanya ng mga ito bilang tulisan.

Hanggang sa kahuli-hulihang sandali ay kinabanaagan ang bayaning ito na labis na pagmamahal sa bayan kahit na ito'y nagtutulay na para sa kanyang KAMATAYAN.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Dec 08, 2020 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Macario SákayOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz