Naghanda na ng dinner at sabay sabay kaming umupo sa hapag kasama si Ate Mercy. Nakaugalian na kasing sabay itong kumain sa amin dahil nag iisa lang naman siya.

Umupo si Mama at Papa sa hapag kahit hindi pa nakakapagbihis. Siguro'y ginugutom na o kaya ay ayaw lamang kaming paghintayin pa.

"Kumusta ang school? Busy pa ba kayo?" Mahinahong tanong ni Papa sa amin ni Toffy. Nagkatinginan kami ni Toffy bago ito sumagot.

"Ayos naman, Pa. Tapos na sa mga requirements," si Toffy. Dumako ang tingin ni Papa sa akin habang nakataas ang mga kilay.

"Patapos na kami pa. Kaunting polish na lang po. May outing na kami nila Molly, Kevin at Amber pagkatapos. Siguro next week na."

"That's good to hear," tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Masyadong intimidating si Papa. Hindi ako ganoon kakumportable sa kanya. Minsan nakakatakot siyang lapitan. At madalas, mahirap talagang suwayin. Laging dapat kaming sumunod. Si Mama lang ang nakakabali ng desisyon niya. Great love can do it. Really..

"Saan naman ang outing niyo Empress?" Tanong ni Mama. Si mama ay kabaligtaran ni papa. She's so sweet and tender. I can't ask for more.

"Sa isang resort sa Batangas, Ma," ngumiti ako.

Alam ko namang papayagan nila ako, eh. They are not so strict after all. Hindi naman kami nasasakal. Besides, afford naman namin dahil malaki ang kita nila sa kompanya ni tito Carlos. We are not fully loaded. Kaya lang naming tustusan ang lahat ng pangangailangan namin and can manage to still have an extra. Pero kapag sarili kong lakad ay hindi ako humihingi sa kanila. I have my own money for my own luxuries. And I am proud to say that it is my own money coming from my own labor. Nagpapart time ako sa pagmomodelo kasama si Amber. Siya ang nag introduce sa akin sa mundo ng modeling. My parents know it and they support me.

"Ilang weeks na lang ba ang klase niyo?" Nagpatuloy si Papa sa pagtatanong habang patapos na siya sa pagkain. Napatitig ako sa kanya.

Something is bothering him. Nararamdaman ko iyon. Lagi naman siyang nagtatanong kung kamusta ang pag aaral namin pero... right at that moment, I know something was off. I wondered what is it. Napatingin ako kay Mama na nakikiramdam lamang at nakay Papa ang atensyon, gayon na rin kay Ate Mercy na tahimik lang sa tabi.

"Last week na namin ito, Pa," ani Toffy.

"Good," tumikhim siya at binitiwan na ang mga kubyertos. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Ang Tito Carlos at Tita Agnes niyo ay lilipad patungong Amerika. Kailangan ng agarang treatment ng Tita Agnes niyo para sa breast cancer niya."

Huminto ako sa pagkain para pakinggan ang mga sasabihin ni Papa. Ramdam ko ang kaseryosohan niya habang nagsasalita at aaminin kong may kutob akong hindi maganda. I just can't put a finger on it.

"Alam niyo namang nag iisang anak lang nila si Carl at katatapos pa lang sa kolehiyo noong nakaraang taon. Siya muna ang maiiwan para i-manage ang kompanya rito. Ngayon ay lalo kong kailangang tumulong. Sa akin gustong ipagkatiwala pansamantala ni kuya Carlos ang mga lupain sa probinsya."

Walang umimik. Naningkit ang mga mata ko ngunit hindi ko nagawang magsalita. May nabuo akong hinuha sa gustong mangyari ni Papa ngunit natakot akong kumpirmahin. Because I feel like once I did, the rocks will fall mercilessly down from the top of the mountains.

"We have to go to the province. Matagal na mawawala ang tito at tita niyo. Hindi natin pwedeng pabayaan ang negosyo. Para sa pamilya natin at para na rin kila kuya Carlos. Tayo lang ang inaasahan nila."

Tuluyan kong inihinto ang pagkain at kunot-noong tumingin sa kanya, habang si Toffy ay nanatiling tahimik sa aking tabi. I know he doesn't want to react on something like this because he, and I totally know that it won't matter anyway.

In His Paradise (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя