CHAPTER 10: I FELL INLOVE ONCE part2

4 0 0
                                    

CHAPTER 10: I FELL INLOVE ONCE part2

-Shambe's POV-

Bigla ko nalang naalala ang lahat..

*FLASHBACK*

One year ago..

Hindi sya ganoon kagwapo pero malakas ang dating. Hindi ko naman sya gusto noong una pero masarap at masaya syang kasama.

Kasama ko sya ngayon sa school, sinamahan nya ako mag-enroll. First time ko na may kasamang guy para mag-enroll at kumain sa labas na kaming dalawa lang.

"Shambe", si Thirdy, katatapos lang namin kumain.

"Bakit?"

"Hindi ko alam kung paano sasabihin to pero... Shambe, gusto kita."

Nabigla ako sa sinabi nya. Gusto agad? Three days palang kaming magkakilala tapos ngayon ko lnag sya nakasama na kaming dalawa lang.

"Alam kong nabigla ka.. Kahit ako nabigla rin eh. Wala pa sana ako balak sabihin 'to sayo pero na-love at first sight ako sayo eh."

Tao ba sya? Hindi ko alam ang irereact ko. Bigla nalang nanlamig ang kamay ko at nangatog ang tuhod ko. First time na may nagconfess 

sakin ng ganito.

"Shambe, pwede ba kita ligawan?"

*END OF FLASHBACK*

"Nakwento ko na naman sayo kung ano ang ending namin diba?", sabi ko kay Charlie.

Pareho kaming natahimik. Buti nalang may karamay ako sa ganitong pagkakataon.

"Pwede ba kitang yakapin?"

Yun ang lalo kong ikinagulat..

Ang totoo, mabigat na rin ang nararamdaman ko dahil sa nakaraan. Niyakap nya ko.. Ganun din ako.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Malungkot pero may saya akong naramdaman.

Pareho na kaming naiyak. Oo, umiiyak sya. Kahit naman noong una kaming mag-open up sa isa't-isa about sa past namin, umiyak din sya.

Halos ilang minuto rin kaming magkayakap. Hindi ko alam pero bigla ko nalang naisip na sya si Thirdy. Si Thirdy ang yakap ko ngayon 

kaya lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

"I love you."

-Charlie's POV-

"I love you." Nagulat ako sa narinig ko. Pero parang si Celine ang narinig ko. Yung boses nya a laging sinasabi ang mga salitang yun dati.

Lalo akong naiyak. Namiss ko ng sobra si Celine. Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Gusto ko syang tignan ng matagal pero dahil sa luha ko, 

malabo ang paningin ko.

"Mas mahal kita. Mahal na mahal." Celine, mahal na mahal kita.

Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. I'm about to kiss her when I heard her say..

"Thirdy." Bigla akong nagising sa katotohanan.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Sep 25, 2013 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

"A Thousand Promises"Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz