ang aga pa po kasi. 6:30am pa lang.

si Kai, nakaShirt ko pa rin. at naka mini shorts.

un ung suot nya kahapon na pangilalim sa palda nya.

gets? kung hindi. hayaan nyo na.

" Kai. embrace me. "

oh? anong iniisip nyo?

nasa motor kasi kami.

para hindi sya mahulog. un un!

niyakap nga nya ako.

bumulong sya.

" Kean. natatakot ako. baka magalit si mama. "

sa boses nyang un, nakokonsensya ako.

kung bakit naman kasi dinala ko pa sya sa condo ko.

ewan. pero nasasaktan ako ngayon.

naninikip ung dibdib ko.

" sasamahan kita. "

un na lang ung nasabi ko.

ako na ang bahalang magpaliwanag sa mama nya.

ayaw kong magalit ang mama nya sa kanya.

ang engot ko kasi. kinonsinte ko pa tong engot na to.

---

Kairi's POV

nandito na kami. sa tapat ng gate namin.

magdodoorbell na ako. yan na ..

di ko kaya. nanginginig ung mga kamay ko.

magdodoorbell na uli. yan ..

* ding dong. ding dong *

si Kean ung pumindot.

inunahan nya ako.

may nagbukas na ng pinto ng bahay ..

hinawakan ni Kean ung kamay ko.

" ako na ang bahala. wag kang matakot. "

nabigla ako ..

hindi dahil sa hinawakan nya ung kamay ko.

dahil sa * dugdug * ng puso ko.

kinakabahan na ako.

si mama at si papa ang lumabas.

" anak. ikaw na ba yan? ang ganda mo na. "

agad na lumapit si papa. pinisil pisil ung pisngi ko.

limang taon na syang di umuuwi dito.

nandun sya sa abroad palagi.

namiss ko sya.

pumasok na kami ng bahay.

hinatak ako ni papa sa bahay ..

kaya nahatak ko rin si kean.

holding hands right? XD

" anak. sino nanaman yang bago mong boylet? "

hala. napansin na nila si Kean.

binitawan ko na ung kamay nya.

baka makita pa nina mama.

anong sasabihin ko. ano ha? :|

"  friend nya po ako. sorry po kagabi ha? di po sya nakauwi kasi may handaan samin. overnight party. sorry po. "

hayy. i'm safe. salamat Kean.

salamat talaga. :">

" salamat iho. kahapon kasi, sinurprise ako ng lokong to at biglang umuwi. tapos may pinuntahan kami. nagdate kami at ngayon lang din kami nakauwi. buti nga at nakupkop mo yang anak ko. "

wow. nagdate? baka naghoneymoon.

buti nalang good mood sila ngayon.

hay! buti nalang dumating si papa.

* what day is it and what month .. *

" excuse po. "

lumabas si Kean ng bahay.

tumunog ung cellphone nya.

may tumatawag ata.

pero ..

pero ..

pero ..

anu ung kantang tumunog?

You and Me! tanda nyo pa un?

kung tanda nyo pa. GOOD.

ung di tanda. BELAT! :P

nagkwentuhan kami nina papa.

kinukwento nila ung surprise.

ganyan. hayy! ang sweet nila.

tapos bumalik na si Kean.

" Kai. we need to hurry. kailangan daw nating pumunta dun. magagalit na si kabayo. "

---

tanan! nakapagayos na ako ng sarili.

nakauniform na ako at ayos na ung gamit ko.

ibang uniform at bag ung gamit ko ngayon.

naiwan ko kina Kean ung bag ko at uniform.

nagmamadali kasi kami ni Kean.

si Kean? bumalik sa Condo nya.

magaayos din ng sarili un.

babalikan nalang daw nya ako.

para sabay kami pumasok.

para sabay na kami mapapagalitan ni kabayo.

haha! ^^ ganda ng plano namin ano?

* ding dong *

yan na! si Kean na yan.

paglabas ko ng pinto ..

hinatak ako ni ..

Marck?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

surprise! Marck is Back! He is totally back! :) YEY! VOTE>COMMENT>FAN! <3 abangan nyo ang part two mamaya siguro? haha! di ako sure ha?

Fall Back Into my LifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя