☺ Chapter 23 ☺

Zacznij od początku
                                    

"Hahaha, ayun oh!" Sabi ni Wendy sabay turo doon kay Brent kung saan ay kausap ito ni Kyle, parang tinuturo rito ang dapat gawin niya maya-maya lang. Hahahaha, kinikilig na ako! Kyahhh...

"Di ba pwedeng may hinihintay lang?" Mahina kong tugon na naging dahilan upang manglaki ang aming mga mata. OMG, n-nasabi ko ba talaga iyon? Huhuhu, no way! Baka asarin lang ako nitong loka-lokang babaeng ito! T^T

"WHAT?! Hinihintay mo ang yak---" Hindi ko na pinatapos pang mag-salita itong si Wendy dahil tinakpan ko kaagad ang kanyang bibig na naging dahilan upang mapatahimik siya. Tiningnan ko kaagad ang direksyon nila Brent mula rito at laking pasasalamat ko nalamang dahil hindi sila napalingon rito saamin. Binalik ko ang aking tingin kay Wendy tsaka siya tinapunan ng isang matatalim na ngiti. 

Kahit nakatakip pa man ang kamay ko sa bibig niya ay ramdam ko rito ang dahan-dahan niyang pag ngiti. Siguro kaya ko nalaman iyon, dahil na rin doon sa mata niya? Biglang sumingkit eh. Yung pang-ngiting mata talaga????

"Shh." Sabi ko dito sa babaeng ito. Ibinalibag niya naman kaagad ang aking kamay upang maging malaya muli ang bibig niya. 

"Really? Hahaha, ano kayang itsura mo kapag niyakap ka na ni Brent? OMG, baka mamaya niyan mangamatis ka sa kilig!" Sabi ng loka-lokang babae sabay palo sa aking braso na naging dahilan naman upang mapa-pout ako.

Huhuhu, oo nga noh? Paano nga ba kung mangamatis ako tapos makita nila iyon? Baka nga makita pa sa camera eh. Edi malalaman na nila na crush ko si Brent? Tapos malalaman na rin ni Brent? Kaya lalayuan niya ako?! NO WAY! Kailangan kong pigilan ang sarili ko! Hindi ko kayang mawala si Brent saakin >3>

"Oo nga ano? Edi mahahalata nila yun?" Tanong ko ng mahina kay Wendy sabay turo ng aking pointing finger sa baba ko na tila ba nag-iisip ng super lalim.

"Edi pigilan mo!" Pasigaw ngunit mahinang tugon saakin ni Wendy. Agad kong inalis ang aking pointing finger sa baba ko saka ko siya tiningnan ng diretso sa kanyang mata.

"Paano naman aber?! Kung ang pagmamahal nga hindi napipigilan ang kilig pa kaya?!" Tugon ko dito na naging dahilan upang mapahagalpak siya ng tawa, pero mahina lang iyon. Alam ko naman na pinapahina niya lang iyon dahil alam ko sa sarili kong malakas siya tumawa! Alam ko iyon kasi classmate ko siya =___=

Agad naman akong nag cross arms sabay taas ng isa kong kilay na tila ba isa akong donya. Grabe maka pag chin-up eh.

"Ano namang nakakatawa?" Tanong ko sakanya pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-tawa. Napakamot kaagad ako sa ulo ko sabay padyak na tila ba batang naagawan ng candy. Nakaka-asar naman kasi, hindi ba siya titigil sa pagtawa? NAKAKA-ASAR! 

"Fine, fine! Grabe ka kasi makapag-salita! Parang na iwan na ng boyfriend! Diyos ko! Hugot kung hugot!" Saad ni Wendy. Siguro dahil na rin sa nakita niyang nag hy-hysterical na ako kaya siya nag salitang muli? But it's better kesa naman tawa lang siya ng tawa =_=

Agad naman akong tumigil sa pag hy-hysterical ko saka ko siya tiningnan na pinapahid na ang luha sa gilid ng mata niya gawa na rin ng sobra sa pagtawa. Napakunot kaagad ang noo ko dahil doon sa sagot niya saakin lately. 

Anong hugot ang pinag-sasasabi nito? Haler, hindi naman ako humuhugot ah?! Naku, baka isa na ito sa baliw sa amin?! Siguro may sakit rin itong si Brent? Sakit ng pagkabaliw at nahawaan niya si Wendy noon?! Oh diba? Ang talino talaga ng miss universe na ako! ^____________^

Later on ay napag-desisyunan na rin namin na lumabas na at ipagpatuloy na ang aming taping. Syempre ako naman itong kilig na kilig... Dahil naiisip ko na ang yakapan portion namin ni Brent mamaya! Hoy, walang sakit si Brent kaya pwede niya akong yakapin! Hahaha, charot lang yung sinabi ko sainyo kanina. ^____________^

***

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay ni Brent... sa may pinto habang ang isa kong kamay ay nakasandal doon sa pader. Kunyari hinihingal ako pero hindi naman. Ay siya nga pala, hindi ko pa nasabi nag-start na kami ng taping. And this is it! YAKAPAN PORTION NA THIS!

*Ding Dong Ding Dong* 

Hinintay ko lamang ang pag bukas ng pinto gaya ng nakasulat doon sa script. Oopps, mamaya ko nalang sasabihin sainyo ang detalye or should i say, hindi ko na sasabihin? Bakit? Inaacting na rin naman namin kaya malalaman niyo na iyon! =_= Papahirapan niyo pa ang miss universe eh :3

Agad namang bumukas ang pintuan at doon sumalubong saakin si Bre-- Allan na naka half naked na. Agad naman akong napalunok ng sarili kong laway dahil na rin doon sa nakita ko. OMG, a-ang hot niya... may abs rin siya. Shemay...

"What are you doing here?" Tanong saakin ni Brent/Allan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Cold ang pananalita niya at medyo may pag ka hot doon kaya mas lalong dumagundong ang puso kong kulay red. "^" 

"A-ahh, n-na abutan kasi ako n-ng ulan. C-can i come?" Tanong ko, pero wala doon halong acting! Totoong nag stutter talaga ako. Syempre, sino ba naman ang hindi ma s-stutter kung kabadong-kabado ka? Lumunok muli ako ng laway ko para pang-pawala kaba kahit papaano. 

"Ok." Yun lang ang sinabi niya saakin atsaka na siya pumasok sa loob ng bahay. 

Agad namang nalipat ang tingin ko sa manila paper upang malaman ang next step na gagawin ko and there i saw na kailangan ko palang sumunod sakanya. Agad na akong sumunod doon sa living room kung saan siya pupunta. Pero agad naman akong nagsalita base doon sa nakalagay sa manila paper.

"W-wala ba kayong pam-painit d-diyan? A-ang lamig kasi. Na-nakabukas kasi yung aircon."

Sabi ko dito. Hahaha, wala eh. Masyadong maselan ang role ko. Hahaha, pero totoo naman eh. Ang lamig kaya! Basa ako tapos yung aircon nila nakabukas! Aba, sino ba naman ang hindi malalamigan doon?? Hindi naman ako penguin =_=

Agad niya naman akong nilingon tsaka siya lumapit sa direksyon ko habang nakataas ang isang kilay. Napa-atras kaagad ako ng isang hakbang pero agad ko iyong pinigilan dahil wala iyon sa script. Parang totoo, parang totoo ang lahat. Parang walang halong script ang ginagawa namin ngayon.

Agad niya akong yinakap na naging dahilan upang manglaki ang aking mga mata. Naramdaman ko ang katawan niyang nakadikit saakin at doon ako nakaramdam ng init. Nakaramdam naman ako kaagad ng butterflies sa stomach ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Nararamdaman o naririnig niya kaya iyon? Yung puso ko? 

"Ayan, mainit na." Sabi niya  at hinigpitan pa ang yakap saakin. Napakagat kaagad ako sa lower lips ko upang pigilan ang kilig at pamumula ng mukha. Pero agad akong napa-padyak ng isang beses. Shemay, nakakakilig!!! T^T, baka atakihin na ako sa puso nito! 

"And.... CUT!" Sigaw ni Wendy na naging dahilan upang siya'y  humiwalay na saakin . Aish, bitin! BITIN na BITIN! Nakakabitin ang mga yakap niya! Gusto ko pa, gusto ko pa... Pero sino nga ba ako para utusan siya na yakapin niya pa ako? Si Alexis lang ako. Isang miss univers--- Aish, ano ba namang kahibangan itong pinag-gagagawa ko?! Stop it alexis!

"Nice Job, guys!!!" Saad ni Wendy tsaka sila nag-appiran lahat. Ah siya nga pala, si Candice nandun sa guess room natutulog na ata.

"Hahaha, galing mo Alexis! REALISTIC!" Sabi saakin ni Wendy habang nakangiti nang tuluyan na siyang nakalapit sa puwesto ko. Inirapan ko nalang siya tsaka na umapir.

"Alam mo, magpalit ka na ng damit mo, Alexis. Baka magkasakit ka pa niyan." Saad ulit ni Wendy na agad ko namang tinanguan. Pumunta na ako sa rest room, bit bit ang paper bag ko na may lamang damit. Buti nalang pala dalawang pares ang nakuha ko ano?! Naku, ang talino talino talaga ng Miss Universe na ako!

Habang naglalakad ako papuntang rest room ay sumagi nanaman sa aking utak ang imahe niya. Shemay, lumayas ka sa utak ko masamang ispiritu! Baka hindi na ako nito makatulog! T^T

MR. ANTIPATIKO (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz