Umupo ako sa isang bench, grabe nakatatlong ikot palang ako pero hinihingal na kaagad ako! Bihira lang kasi akong mag exercise eh.. Pinanood ko nalang yung ibang nag-eexercise habang nagsasound trip ako, mejo lumilitaw na rin yung araw at ang ganda niya tignan.

Napapitlag ako ng biglang may umupo sa tabi ko! Nanlaki ang mata ko!

“She-Shane?!!” – sigaw ko saka hinila ko ang earphone sa tenga ko! Diretso lang ang tingin niya sa mga nag eexercise! Shet, aging aga may gwapo sa tabi ko! Nakajacket din siya! Hindi lang yon pareho kaming kulay puti ang jacket! Soulmate?!!

Tumingin siya saakin! ASDFGHJKL!! Mahihimatay na ba ako?!

“Pagod ka na kaagad? Tatlong ikot palang yon.” – tanong niya.

“Si-sinundan mo ako??” – nauutal na tanong ko! ETO NA BA YUNG SINASABI NIYANG NEXT TIME ULIT?

Dahan dahan niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko, napalunok ako dahil naamoy ko yung mabango niyang hininga.. Napapikit ako ng pitikin niya ang noo ko! Saka siya lumayo!Napahawak ako sa noo ko! Hindi naman ganun kasakit yung pagpitik niya.

“Hindi kita sinundan. Nakita ko lang kahapon ‘tong park nung hinatid ka namin ng driver ko, kaya naisipan kong dito mag jogging ngayon.” – seryosong sabi niya, tama ba ‘tong naririnig ko?! Ang haba ng sinabi niya ha!

Ngumuso ako, kunyare pa siya.. Ayaw pa niyang aminin na sinundan niya ako! Hindi naman ako magagalit eh! Kikiligin pa nga ako!

“Tara.” – sabi niya saka tumayo, tumingala ako para tignan siya!

“Ha? Sa-saan?”

“Kakain.” – sabi niya saka tumalikod na.

Mag..magde-date kami?!

Tumayo na ako at sinundan siya! Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa simpleng sinabi niya, yay! Magdedate kami. OO assuming ako bakit ba?

Crush Kita Konti LangWhere stories live. Discover now