Let The Eagle Fly 2

Depuis le début
                                    

Amy - " tayo lang ba ? hindi ba natin isasama ang mga estudyante ng Academy ? dagdag na lakas din sila sa depensa ... "

Maddie - " Malabo yang sinasabi mo .. sa tingin ko hindi sila papayag , pag katapos ng nasaksihan nila siguradong babalutan na sila ng takot .. "

Bea - " pero walang mawawala diba kung susubukan natin "

napatingin naman silang lahat kay Bea dahil sa bilang pag salita nito . napayuko naman si Bea dahil sa nakita nya yung mga mata ni gretch . hindi nya ito kayang tignan dahil sa twing titignan nya ito ., para syang kinakain .

dahil hindi na muling umimik si bea , pare pareho na silang nag sitayuan para puntahan ang nahuli nila Mr. Valdez para alamin kung nasan ang kuta ng kadiliman . medyo napakamot naman ng ulo si Bea dahil sa inasta nya " ikaw kasi eh ! " sisi na lang nya sa isip nya at sumunod na lang sa likod ni Amy .

Maddie - " ayos lang yan .. mapapatawad ka din nila "

ngumiti na lang si Bea bilang tugon , hindi naman nya iniisip na mapapatawad pa sya ng dati nyang mga kagrupo . ang importante makabawi sya sa mga ginawa nyang kasalanan sa mga ito . " alyssa .. kailangan ko ang tulong mo . " sa isip nya






------------------

Ian - " Myco i-hack mo nga ang system ng buong Academy , gusto kong mag iwan ng mensahe sa mga natitirang estudyante .. "

utos nito sa tauhan nya , isa din si myco na may kakayahan sa pag kalikot ng program . hindi ito alam ng Phoenix dahil na din sa pag tatago nito sa totoong katauhan . tumango naman si Myco bilang pag sunod at nilabas nya ang loptop nya .

tumayo naman si ian mula sa trono saka nya nilapitan si Ino , napansin nyang patapos na si Ino sa ritual para mabuhay ang kanyang Mahal .

Ian - " ito na ang hinihintay nating plano aking guro ... "

Manuel - " sa wakas .. matutupad na din ang matagal nating plano "

dalawa ang kaluluwang sumanib sa katawan ni Ian kaya nakakausap nya ito . pareho silang tumawa ng nakakatakot kaya naman nakitawa na din ang mga alagad nila .

Ian - " mag hahari na ang kadiliman sa sanlibutan hahahah ! "

-----------






kasalukuyang nag lalakad na sila mr. Valdez papunta kung saan nila kinulong ang bihag nila . kasunod lang nya ang iba pero napatigil sila pare pareho dahil may nag bukas ng malaking screen sa mismong academy . nagulat naman si Mrs. Gonzales dahil sa pag kakaalam nya matagal na itong sira pero ngayun may bumukas .

??? - " makinig kayong lahat ! "

tukoy nito sa mga taong nanduon lang din mismo sa academy . ginala naman ni gretch ang paningin nya dahil hindi lang sa screen nakikita ang tao kundi sa bawat sulok ng Academy . yung mga computer's sa room kusa ding nag bukas . yung mga television sa bawat dorm nag bukas din ng kusa . iisang imahe lang ang nakita nila at si

Mrs. Gonzales - " Ian ... "

Ian/Manuel - " limang araw mula ngayun mababalot na ng kadiliman ang bawat sulok ng mundo hahahah ! "

SUGO(alyden)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant