Partner

78 4 4
                                    


"Listen up every one!"

Napatigil kami sa ginagawa naming kwentuhan ni Winter at sabay na tumingin sa kararating lang na si Ms. Giselle.

"Girls at the back?" pag question ni Ma'am Giselle sa mga kaklase naming nag-iingay parin. Napasulyap ako sandali sa likod kung saan nakaupo yung maiingay.

It's her group again.

"Sorry Ma'am." Paghingi ng paumanhin ng friend nyang si Karina.

Umayos na ulit ako sa pag-upo para makinig sa kung ano mang sasabihin ni Ma'am.

"As you all know ang final project na gagawin nyo sa subject ko ay bussiness proposal." huminto saglit si Ma'am at tinignan kung may magrereklamo ba. Nang wala naman syang nakuhang ganun ay muli syang nagpatuloy. "I've decided na gawin nalang by pair ang project and ipi-present nyo sya sa harap ng panel. Formal po ang magiging presentation nyo. Nakausap ko na ang iba nyong subject teacher and they're willing to be part naman. Sinasabi ko ito ng maaga sainyo so that you can have plenty of time to prepare."

A series of groan echoed the room. Hindi ko naman masisi yung iba. May PR din kasing naka-abang samin by the end of this semester tapos may dadagdag pa.

"Ma'am." napatingin kami sa nagtaas ng kamay na si Naomi. "Kami po ba ang pipili ng partner namin or...?"

"Ako ang magpi-pair sainyo." nakangiting sabi ni Ma'am Gi. Mas lalo naman kaming napasimangot sa sinabi nya. I looked at my side kung saan naka-upo si Winter. My bestfriend.

"Beshy." nanlulumo na sambit ni Winter. Hinawakan ko ang kanang braso nya at nakikisimpatyang ngumiti sa kanya.

"Dsurb." sabi ko pa.

Agad nya akong pinalo. "Bwiset ka."

"Babanggitin ko na ang mga magkakapares." napalingon na ulit ako sa harap. Hawak na ni Ma'am Gi yung class record nya.

"Chaewon Hao and Minju Kim, Winter Rodrigo and Karina Garcia......





... Soleil Sarmiento and Dawn Ortiz."

Mabilis ang ginawa kong pagtayo nang marinig ko ang pangalan naming dalawa.

"Yes, Soleil?" tanong ni Ma'am. Hindi ako makasagot. Pero ang totoo nyan gusto kong magsisigaw.

Bakit sa dinami-dami ng tao...out of all people bakit si Dawn pa?!!

"Miss Sarmiento? May problema ba?"

"Malaki po." wala sa wisyong naisagot ko. "I mean...wala po!" mabilis kong bawi. Napalakas pa yung pag-upo ko. Nagtawanan tuloy ang lahat.

"Dsurb." bulong ni Winter sa tabi ko. Sinipa ko yung paa nya sa ilalim ng mesa.

"Ouch!" mahinang daing nya.

Mabilis akong tumingin sa likod. Salubong ang dalawang kilay na pinagmasdan ko ang kapares ko na mukhang wala namang pake sa mundo.

Naramdaman nya yata ang pagtitig ko sa kanya dahil inalis nya ang tingin sa may bintana at nakataas ang Isang kilay na tinignan ako.

'What?' she mouthed.

Umiwas ako ng tingin at umayos nalang ng upo.

Nakakainis naman.

          ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sigh after sigh after another sigh.

Malapit na sigurong magunaw ang mundo. O kaya naman ay na envade na ng mga extra terestrial ang earth at handa na silang dalhin kami sa Mars.

Bakit naman kasi kailangan yung tamad at pasaway pang yun ang naging kapartner ko? Pasimple kong binalingan ng tingin ang pwesto kong nasaan sya. It's been three days pero di ko man lang sya maka-usap patungkol dun sa final project. Palagi naman kasi yang wala sa ilan naming class tapos tuwing lunch time at uwian naman hindi mo na agad sya makita. Kapag nagtry naman ako ng conversation patungkol dun lagi syang mage-excuse. Kesyo, wag daw muna. Next time nalang. Naiistress na ako sa totoo lang. Ayaw na ayaw ko pa naman yung ipagpapaliban lagi ang isang gawain dahil lang sa hindi pa naman ito kailangan. Para kasi sa'kin as much a possible gusto ko yung natatapos ko agad. Yung wala na akong aalalahanin.

"Sol, kung nakakamatay ang tingin kanina pa nakabulagta si Dawn. Problema mo?" usisa ni Winter. Nakasimangot na humarap ako sa kanya.

"Yung tungkol sa final project kasi," simula ko. Tinignan ko ulit ng masama si Dawn. Nakatalikod ito sa'min. Busy sa pakikipagtawanan sa mga friends nya. May gamay pa talaga syang magsaya.

Nakasimangot na humarap ako kay Winter. "Feeling ko, hindi ko talaga sya magagawa." malungkot na saad ko.

"Lapitan mo na kaya ngayon si Dawn. Tutal vacant natin. Nang di ka na mamroblema."

"As if kaya ko pa." i scoffed. "Tsaka di ba pwedeng sya naman yung lumapit. I approached her already
."

"Alam mo beshy, ang liit liit ng problema mo pero pinapalaki mo dahil dyan sa kaartehan mo."

"Kaartehan?! Sa tingin mo magawa ko pang mag-inarte sa ganitong situation?" inis na sabi ko.

"Oh kalma, ang puso." sabi nya sabay hawak sa balikat ko. "Ikaw naman kasi pinapataas mo yang pride mo. Alam mo frenny diskarte lang kasi yan. Look at me, okay na agad yung problem ko with my partner." nakangiting sabi nya matapos saglit na sulyapan ang kaibigan ni Dawn.

"Iba naman kasi yung sayo eh. Mabilis lang naman talaga kausap si Rina." sabi ko.

She gasped. Yung dramatic pa.

"Anong madali?! Alam mo bang muntik na kaming umabot sa sabunutan bago sya pumayag. You see this?!" bahagya syang tumalikod tapos iniangat nya yung buhok nya. Napansin kong parang may maliit na scratch sa batok nya. "Yung kapreng yun hinablot ang buhok ko. Mabuti nalang at athlete ako."

Kumunot ang noo ko. Pinagsasabi nito? Anong athlete?

She rolled her eyes. "Athlete sa away." sabi nya. "Kung hindi baka nakalbo na ako ng kapreng yun."

"Nagkapisikalan nga kayo eh. Ano nalang kaya kami kapag kinausap ko ulit si Dawn?" nagaalalang tanong ko.

"Eh di kapag hinablot nya buhok mo labanan mo."

Sinamaan ko sya ng tingin. Siguro hindi lang partner kailangan Kong palitan. Pati yata kaibigan.

          ~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Dawn?"

Huminto sya sa ginagawa at bahagyang isinara ang locker nya. Walang interes na tinignan nya ako.

"Yung tungkol sa final project," pagsisimula ko. "Pwede na ba natin yung pag-usapan?"

Napakamot sya ng ulo. "Soleil, alam mo masyado pa namang maaga. Ang dami pa namang ibang time para pag-usapan natin yan. Hindi naman si--"

"Kailan natin sya pag-uusapan? Kapag malapit na yung deadline?" mataray na tanong ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagka-irita ko sa kanya. "Hindi ko kasi ugali ang magprocastinate. Tsaka kung ikaw maraming time ako kasi wala. Pair tayong nilagay sa project kaya sana naman makipag-cooperate ka."

"Sandali lang naman Soleil. Project lang yan ba't sobrang seryoso mo naman?" mas lalo lang uminit ang ulo ko sa sinabi nya.

"Project lang? Okay pasensya na ha, project lang pala sya. Nakakahiya naman na naistorbo kita sa "project" na yan." galit na sabi ko tapos tumalikod na ako at naglakad palabas ng room.

Umalis na ako sa harap nya kasi baka umiyak ako sa sobrang inis.

I hate her!

Hindi na dapat ako nag-aksaya ng oras para lang kausapin sya. Fine. Kung ayaw nyang gawin yung project I'll do it myself. Kaya ko naman. Mas better na mag-isa nalang ako.

Nakakairita talaga sya!

        ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thoughts abt this fic?? 💬

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YellowWhere stories live. Discover now