Chapter 14- Request

Start from the beginning
                                    

Dinala namin ni Glaiza sa labas 'yong mga plato namin. May mga lamesa kasi sa may beach front kung saan doon nakapwesto ang mga nanonood. Pagkatapos mag-speech ni Sir Christopher ay nag-perform 'yong A List Band-isa rin sila sa mga regular performer sa Club DC.

Bumalik 'yong masigla kong aura nang matapos mag-perform 'yong A List Band. The Velvet Band na siguro 'yong kasunod. Nakakabinging hiyawan ang narinig nang nagsimula ng ayusin nina Cyril at Drake 'yong mga instrument nila sa may stage.

Halos isang araw ko ng hindi nakikita si Kieran. Mabuti na lang at mag-pe-perform din sila ngayon.

Inaya ako ni Glaiza na kumuha ng dessert sa may dining hall. Pawang cocktail drinks, beer, alak at pulutan kasi ang sine-serve rito sa may beach front.

Hindi na ako tumanggi kahit na kanina pa ako nasasabik na makita si Kieran. Mango Graham at Buko Pandan ang kinuha namin ni Glaiza sa loob. Habang naglalakad kami pabalik sa beach front ay pumailanlang sa paligid ng resort ang nakakatindig balahibo na boses ni Kieran.

So lately, been wondering
Who will be there to take my place?
When I'm gone, you'll need love
To light the shadows on your face

Ang husky ng boses niya na sobrang bumagay roon sa kanta.

If a great wave shall fall
And fall upon us all
Then between the sand and stone
Could you make it on your own?

If I could, then I would
I'll go wherever you will go
Way up high or down low
I'll go wherever you will go

Panay tilian at hiyawan ang maririnig mo sa mga manonood. Sadyang nakakahanga kasi ang rendition na Kieran sa kantang iyon ng bandang "The Calling."

Pirming nakatutok lang ang mga mata ko sa mala-Adonis na bokalista ng The Velvet Band. He looked so cocky on his black t-shirt and dark blue denim pants.

Hindi ko na nagawang kainin 'yong mga kinuha naming dessert.

"Scarlet, 'yong buko pandan mo, oh! Tunaw na!" Pagpansin ni Glaiza sa plato ko.

Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa panonood sa performance ng The Velvet Band. In fairness din kay Cyril ang galing niya sa drums.

"Ay sus, walang kakurap-kurap. Di bale ng hindi kumain. Busog na busog pa rin ang mga mata!" Natatawang biro ni Glaiza sa akin. Saglit akong lumihis ng tanaw upang matingnan ang kaibigan ko.

"Nabusog na naman ako sa dinner natin kanina. Desert na lang naman 'to," tugon ko sa kanya sabay turo sa plato ko. Natawa na lang din siya sa sinabi ko.

Pagkatapos ng unang kanta ng The Velvet Band ay susubo na sana ako ng Mango Graham. Mabilis kong binaba ang hawak kong tinidor nang magsalita si Kieran mula sa stage.

"Guys, did you enjoy our perfomance?"

Sabay-sabay sa pagsigaw ng "yes" ang mga nanonood.

"Alright. This next song was requested to me by a friend. I hope she's listening right now." Pagkasabi niya noon ay umakto pa si Kieran na tila may hinahanap ang mga mata. Ang isang palad niya ipinatong niya sa ibabaw ng mga kilay.

"Our next song is Thinking Out Loud by Ed Sheeran!"

Nagpalakpakan ang mga nanonood nang tumugtog na ang intro ng kanta. Samantalang ako ay tahimik lang habang abot langit ang mga ngiti. I'm one hundred percent sure na sa akin dine-dedicate ni Kieran 'yong kanta!

***

Pakiramdam ko ay kotang-kota na ako pagdating kay Kieran sa outing na ito! Happy crush lang naman 'to pero hindi ko talaga mapigilan na sobrang kiligin sa tuwing may mga sweet gestures siya na ginagawa para sa akin.

I couldn't believe na natandaan pa ni Kieran 'yong nakwento ko sa kanya kagabi na favorite ko ang mga kanta ni Ed Sheeran!

Habang nagtutupi ako ng mga damit ay napapangiti pa rin ako ng mag-isa. Alas dose ng tanghali bukas ang check out namin sa resort kaya nagsisimula na akong mag-ayos ng mga gamit.

Hanggang sa pagkain ng tanghalian ay sobrang good mood ako. Tanaw ko mula sa pwesto namin ni Glaiza sina Kieran at mga bandmates niya. Abala sila ngayon sa pagkain ng lunch.

Bandang ala una nang nagsimula na kaming sumakay ng bus. Pagkaupo ko sa pwesto ko ay nag-browse ako sa aking cellphone.

Kieran: Hi, nasa bus na kayo?

My heart was galloping faster like a horse on a racetrack. I cast a deep sigh as I calm myself. Kung mahina lang siguro ang self-control ko ay kanina pa ako napatili dito sa loob ng bus.

Napasulyap ako sa katabi kong si Glaiza. Abala rin siya ngayon sa pag-chat-chat sa Messenger. Kaagad akong nagtipa ng reply.

Oo nasa bus na kami. Kayo ba?

Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ulit ng text message galing sa kanya.

Yup. Hinihintay na lang na dumating 'yong iba.

Ilang minuto na 'yong lumipas ay hindi ko pa rin nagagawang mag-reply sa kanya.

Hindi ba ako masyadong obvious kung mag-thank you pa ako sa kanya sa pag-dedicate ng kanta para sa akin?

Mag-thank you ba ulit ako sa paghatid niya sa akin no'ng Friday? Mag-thank you ba ako ulit dahil pinahiram niya ako ng jacket no'ng gininaw ako?

I was drowned in my deep thoughts when I got distracted by the message alert tone of my phone.

Kieran: Free ka ba sa Sabado? Aayain sana kita na sumama sa gig namin sa Batangas




Meant To BeWhere stories live. Discover now