"Payong kaibigan lang Ange, piliin mo yung taong nariyan at sigurado sa iyo. Yung mahal ka talaga kung sino ka at nagpapahalaga sa iyo. Kasi sa huli, ikaw at ikaw pa rin ang madedesisyon at kailangang may piliin ka sa kanilang dalawa."

Iyon na ang huling narinig ko sa kanila dahil hindi na ako umimik. Marahil tama nga sila, kailangan ko nang magdesisyon at mamili sa kanila habang wala pang masyadong nasasaktan.

Pagkatapos nila akong ayusan, pinasuot na nila sa akin yung kulay puting dress na binili nila at black heels bago inihirap sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa salamin, ako pa ba ang nakikita ko? O ibang tao na? Ibinigay rin nila sa akin yung grey pouch na kumumpleto sa ayos ko. Mukha akong elegante at nakapagpadagdag pa roon yung waterfall braid na ginawa nila.

"Ayan, okay ka na Ange. Ewan ko lang kung hindi pa lalong ma-in love si Justin sa iyo," sabi ni Rizza na ikinalungkot ko.

"Kung may fall in love, posible kayang ma-fall out love si Justin sa akin?" tanong ko sa kanila.

Ganoon ko kagustong huwag siyang saktan, kahit alam kong masasaktan din ako kapag nangyari iyon. Sobrang bait kasi ni Justin at hindi niya deserve masaktan dahil lang sa akin.

Biglang tinapik ni Helena yung noo ko, na ikinagulat ko. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakataas yung kilay niya habang nakatingin ng masama sa akin.

"Problema mo?" tanong niya. Okay, naiinis na siya sa akin. Gan'yan signature pose niya kapag naiinis e. "Be thankful and contented Ange. Cherish everything you have right now because when it's already gone, you'll definitely regret it. By then you'll know his worth and you'll end up saying; Sayang, pinakawalan ko pa. Ang tanga ko."

Pagkatapos magsalita ni Helena, nag-walk out siya pero magbibihis lang siguro. Dala-dala niya kasi yung dress niya at hindi naman siya magagalit sa akin. Nagkukunwari lang para ma-guilty ako at matauhan. Tiningnan ko si Rizza.

"May point siya. Pero katulad nga ng sinabi namin sa iyo kanina, ikaw pa rin ang magdedesisyon."

Pagkatapos naming mag-ayos lahat, bumaba na kami. Si Mama na ang nagprisintang maghatid sa amin dahil pupunta siyang Ortigas at madadaanan naman niya ang Trinoma. Kapag kasi si Justin pa ang sumundo sa amin, hassle pa. Baka ma-stress siya nang wala sa oras sa mismong birthday niya.

Habang bumabyahe hindi pa rin ako pinapansin nila Helena at Rizza. Kinokonsensya talaga nila ako. Buti na lang kinakausap ako ni Mama.

"Ange, hindi kita masusundo mamaya ha. Mag-commute na lang kayo. Mag-ingat kayo at huwag na kayong masyadong magpapagabi. Delikado panahon ngayon. Mga eight, umuwi na kayo," sabi ni mama at tumango naman ako.

Pagkarating namin sa Trinoma, nagpaalam na kami kay mama at dumiretso na sa YakiMix. Hanggang doon ay hindi pa rin ako pinapansin nila Helena at Rizza.

"Nag-away kayo?" tanong ni Adrian na nakakahalata na rin.

"Hindi, kinokonsensya lang nila ako," sabi ko naman.

Tumingin sila sa amin at tinawag nila si Adrian. Grabe, ganoon ba sila kadesidido na lamunin ako ng konsensya ko? Pero alam ko namang kabutihan lang naming dalawa ni Justin ang iniisip nila.

Pagpasok namin ay sinalubong kami ni Justin at hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya. Napansin kong itinaas niya ng kaunti ang buhok niya na laging nakababa kapag pumapasok. Nakasuot siya ng puting polo, na nakatupi ang sleeves hanggang sa pulsuhan niya, grey pants at vans na kulay black.

"Nasaan si Ange?" tanong niya kila Adrian.

"Yung pinakamagandang babaeng nakikita mong nakatitig sa iyo," sabi ni Rizza tapos naghagikgikan naman yung tatlo. Samantalang ako nama'y biglang natauhan na masyado na pala akong nakatitig sa kanya. Yumuko ako nang bahagya dahil naramdaman kong namumula ako. Pero nakikita ko pa rin naman siya. Walanjo talaga itong mga ito. Lumapit siya sa akin at halos mapunit na yung mukha niya dahil sa sobrang lapad ng ngiti niya.

"Hindi ko naman akalain na paghahandaan mo ng sobra ito," tanong niya habang nakangiti at titig na titig sa akin. Bakit mas lalong uminit? Sira ba air conditioner nila?

"Pasalamat ka nga, nag-effort ako. Ang sakit kayang magpakulot at nakakaiyak kayang magpalagay ng eyeliner at mascara." Natawa na lang siya sa sinabi ko.

Hindi niya kasi maiintindihan iyon. Palibhasa sa kanya effortless nang magpaguwapo. Pero sa akin? Todong tiis ganda ang kailangan kong gawin para magmukha akong tao.

"Worth it naman pero hindi mo naman na kailangan. Sino bang may sabi na mag-ayos ka?" tanong niya.

"Kung hindi ako nag-ayos, nagmukha akong yagit. Ayaw ka naman naming ipahiya."

Bigla niyang pinisil yung pisngi ko bago tumawa. Tiningnan ko siya nang masama bago ko hinaplos yung pisngi ko. Ang sakit kaya.

"Wala akong pakialam sa hitsura mo. Pero, inaamin ko, sobrang ganda mo ngayon at ikaw ang pinakamaganda dito," sabi niya bago itinaas yung braso niya. Ano bang balak gawin sa akin ni Justin? Gawin akong kamatis? "Tara na, mukhang naiinip na yung pamilya ko."

Tumango ako at ipinalibot yung kamay ko sa braso niya. Habang naglalakad, nararamdaman ko ang mabilis na pintig ng puso ko na marahil ay dahil sa pagpapakilig ni Justin sa akin at kaba dahil makikita ko si #11. Yumuko rin ako habang naglalakad dahil napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao at hindi ako sanay sa atensyon na ibinibigay nila sa amin.

"Ma, Dad, ito na nga po pala si Ange."

Inangat ko ang ulo ko para makita ko sila dahil alam kong nakakabastos kapag nakayuko lang ako. Ayaw ko namang ipahiya si Justin. Inimbita niya kami rito kaya kailangan naming umayos.

"Good evening po," nauutal kong sabi habang pinipilit na ngumiti.

Tumayo sila at ngumiti sa akin. Agad ding lumapit sa akin yung mama niya para makipag-beso-beso na halatang na-excite sa presensya ko.

"You look wonderful iha." Bigla akong nahiya sa sinabi ng mama niya pero nagpasalamat na rin ako.

"Magaling talaga pumili anak natin," sabi ng papa ni Justin na ikinatawa na lang namin.

Tiningnan ko yung paligid para hanapin si #11 pero maski anino niya, hindi ko mahanap. Gusto ko mang hilingin na sana wala siya, alam kong wala naman ako sa tamang lugar.

"Nasaan po pala si Kuya?" tanong ni Justin.

"Nandito, na-miss mo na ako agad?"

Bigla akong nabato sa kinatatayuan ko nang marinig kong magsalita yung kuya ni Justin. Huminga muna ako nang malalim at tumingin kila Rizza bago harapin yung taong matagal ko nang tinataguan at pilit na kinakalimutan. Pagkalingon ko, literal na tumalon yung puso ko at naramdaman ko ring nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

/———/

Author's Note: OMG! Si #11 kaya iyon? *O* Ano kaya sunod na mangyayari? Abangan sa mga susunod na kabanata. (Ang lame kong manghikayat. Pagpasensyahan niyo na po ako. Hahaha) Anyway, thank you po sa mga nagbabasa sa love story nina Budang at #11.

If you have any opinions about #11, don't hesitate to comment. Hahaha. Hindi po ako nangangagat. Hahaha. Or if you want to post something about this story on other SNS (Social Networking Sites) just include the hashtags: #NumberElevenOnWattpad or #BudangXNumberEleven para makita ko po agad. (Hindi na ako umaasang magte-trending ito, gusto ko lang po makita ang opinions niyo. Hahaha) Thanks :) Lovelots :*

PS: Kung nababagalan po kayo sa updates, try to read my other stories na complete na or yung mga one-shots ko. Thanks :)

#11حيث تعيش القصص. اكتشف الآن