"Oo. Kaya sabihin mo sa akin kung ano'ng gustong almusal ng mga bata."

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at isiniksik ang mukha sa gilid ng aking leeg.

"We should start preparing then. Maagang nagigising ang mga bata."

Nang sandali rin na 'yon ay bumaba na kami para makapag-ayos. Ang sabi niya ay mahilig daw sa pancakes si Alexene na may strawberry syrup at whipped cream.

Meanwhile, Alexandre eats anything. Pero parang mas mahirap pa ata para sa akin ang magluto nang hindi ko alam kung ano talaga ang gusto niya.

"Terrence, can I ask you something?"

We're both standing beside the kitchen island. I was focusing on putting the chilled strawberry on top of the pancakes. Habang siya, inaayos ang mga sunny side up eggs sa lagayan.

"Fire away."

Pasimple akong huminga nang malalim. "Galit ba sa akin si Clarisse?"

"What?" Natawa siya. "Why would she get mad at you?"

Mula sa pagkakayuko ay tumayo ako at sinulyapan siya. He was staring at the pancakes I made before anchoring his gaze back to me.

"Because I left without saying goodbye?" I asked. "I left you hanging."

"Wala akong makitang dahilan para magalit siya sa'yo. Hindi rin naman siya nagsasalita tungkol sa nangyari. I don't think that's the case for the two of you. Why?"

Kung ganoon ay bakit parang iniiwasan niya ako? Knowing Clarrise and our bond before, we were like two sisters. Ramdam kong may hinanakit siya sa akin dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kapatid niya.

Not because we're close before doesn't mean she would tolerate the mistake I've done to his brother. Maging sa mga bata na rin.

"Wala naman. Baka lang kasi galit siya sa akin. Pero nginitian niya naman ako kahapon kaya baka mali lang ako ng akala." kaagad na bawi ko.

Ayaw kong dumating sa puntong komprontahin niya si Clarisse para lang sa akin. I know how his temper works.

He doesn't look convinced with my answer. Nilaliman ko pa ang pagkakangiti sa kaniya na sinagot niya lang ng buntonghininga.

"Please do tell me if someone in the family says anything bad against you, Priscilla," he commanded. "I won't tolerate that from them."

Umiling ako. "They have the rights-"

"No. If there's someone who has the right to get mad at you, it's only me. Ako lang. Bukod sa akin, wala na."

Matipid akong ngumiti. "Hindi ka naman galit sa akin."

Umangat ang isang kilay niya na mas lalo siyang pinagmukhang suplado.

"Galit ako," pagtatama niya. "Masiyado lang kitang mahal kaya hindi mo maramdaman."

Nag-init ang pisngi ko sa naging sagot niya. I tried to look down and avoid his gaze. Pinigilan ko ang ngumiti dahil ramdam ko ang kiliti sa puso ko dahil doon.

I heard him let out a soft chuckle which made me feel my cheeks burning even more.

Nang matapos sa pag-aayos ng almusal sa dining area ay eksaktong bumaba na ang mga bata kasama ang kasambahay.

Alexandre was already fresh from the bath. Habang si Alexene ay humihikab pa habang hawak ang isang manika. Magulo pa ang buhok niya pero hindi iyon nakakabawas sa gandang mayroon siya.

Napatingin ako kay Terrence na siyang nasa tabi ko. He was looking at the kids with his casual playful expression.

"Good morning! How's sleep?" bungad sa kanila nito.

Sabay na napatingin sa akin ang kambal. I tried to smile at them but they didn't smile back.

Ayos lang iyan, Priscilla.

"Morning, Daddy. I'm still sleepy." sagot ni Alexene.

Inalalayan silang magkapatid na maupo sa silya. They scanned the food that's placed in front of them. Doon pa lang ay matindi na ang kaba ko. Tila isang lawin si Alexandre dahil sa mga mata nitong masiyadong matalim.

"That's fine. You can just sleep later in the afternoon. For now, eat your breakfast because it's your Mommy who prepared that." sagot ni Terrence.

Kitang kita kung paanong ngumiwi si Alexene. Sinikap ko ang baliwalain iyon at pinaasa ang sarili na magugustuhan nila ang mga inihanda ko.

"I hope you'll like it." tipid na sabi ko.

Imbes na sagutin ay nanatili lang na nagmamasid ang magkapatid na para bang sinusuri pa nila ang mga pagkaing naroon. It's like they were trying to check if it contains any poison.

"No thank you for your Momma?" Terrence's tone was laced with sarcasm.

Si Alexandre ang unang nag-angat ng tingin sa akin.

"Thanks."

Dinig na dinig ang buntonghininga ni Alexene bago ako tiningnan. Na kung hindi kay Terrence ay siguradong hindi niya gagawin ang kung ano mang dapat.

"Thank you." she said without any smiles.

"You're welcome. Kain na kayo."

Lumapit ako kay Alexene para sana lagyan siya ng pancake sa plato nang iusod niya ang plato palayo sa akin.

"Yaya Rosenda, please put some pancake on my plate." aniya habang nakaiwas ang mga mata sa akin.

Nagkatinginan kami ni Terrence. His jaw was clenching and eyes started to turn darker. Umiling ako, ipinaparating na ayos lang sa akin 'yon.

It takes time, Priscilla. It takes time.

Hinayaan ko si Manang Rosenda ang mag-asikaso sa mga bata. Kung ipipilit ko pang ako ang gumawa ng mga dapat pafa sa kanila ay baka mawalan lang sila ng gana.

Terrence and I sat down and shared the table with the twins. Inasikaso ko muna siya bago ako huminto para pagmasdan ang mga bata.

"Oh gosh. The pancakes tastes bad. Ang pait!" reklamo ni Alexene.

Kumalabog ang puso ko sa tinuran niya. Napatingin ako kay Terrence bago sabay na binalingan si Alexene. Marahan niyang iniluwa ang kinakain sa plato habang nakangiwi

"I'm sorry, Alexene. Medyo sunog ata ang nakuha mo. Papalitan ko na lang-"

"No, I don't like it anymore. Ikaw na lang po ang kumain niyan-"

"Alexene, stop talking to your mother that way!" sita ni Terrence.

Palihim kong hinawakan ang hita ni Terrence sa ilalim ng mesa para pakalmahin ito.

Lumabi si Alexene at halatang hindi magtatagal ay babagsak na ang luha.

"Alexene!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa entrada ng dining area nang marinig ang boses na 'yon.

A tall and slender woman was walking towards us. Maputi siya, mahaba ang kulay brown na buhok at kulot ang bandang dulo. Kulang ang salitang maganda para ilarawan siya. The kind of beauty she has was addicting. Tipong masarap pagmasdan at hindi nakakasawa.

Lumingon si Alexene s likod niya. Her eyes widened and a smile instantly grew on her lips. Tumalon siya ss upuan niya at sinalubong ang magandang babae.

"Tita Shannen!"

Epilogue and Special chapters are exclusive for VIPs on Patreon, Spaces, and Facebook Group.

Completed on VIP Spaces and Patreon. To those who want to avail the membership, kindly message Warranj Novels on Facebook.

Facebook page: Warranj Novels

Facebook: Anj Monasterio

Order books on Facebook: Warranj Suarez Monasterio

Facebook Group: Warranj Stories

Patreon: warranj

Twitter: WarranjWP

Instagram: warranjwp

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα