Chapter 12

8 2 0
                                    

Chapter 12




Decision.






"Xena," I called her. She looked at me and raised her brows. 


"Paano kung... Hindi tumigil si Gio?"


"Then you shouldn't stop, too... Flowers won't bloom if you don't water them, Autumn." She winked at me at pumasok na sa room.


Bakit ba hindi ko na lang i give up? Hayaan ko na lang na malaman nila yung totoong ako? Baka gaya ni Zaki, matanggap din nila ako... Maaari ngang mawala yung mga humahanga saakin, yung kasikatan ko sa school, pero mananatili pa rin naman si Zaki, eh... May kaibigan pa rin naman ako.


Ginawa ko lang naman ang lahat ng 'to, dahil takot akong mawala sila Gwen. Takot ako na baka 'pag nalaman nila na niloloko ko sila tungkol sa estado ng buhay ko, isipin nilang pinipilit ko ang sarili kong bumagay sa kanila at magbago ang tingin nila saakin.


Pero mukhang sa lagay ng pagkakaibigan namin ngayon, kahit anong gawin ko, malabo ko na yatang maisalba. Kaya ano pang saysay ng pagiging aso ko kay Xena? Wala na.


Tatapusin ko na ang kalokohang 'to.


"Narra!" Nabalik ako sa reyalidad sa tawag na iyon ni Zaki saakin. Nauna kasi sya saakin ng pag pasok sa classroom.


"Bakit ka pa nandyan? Ayos ka lang?" She asked. Mas nag aalala pa sya saakin, eh mukhang sya nga itong stress na stress. Ganito pala pag teacher's pet. Magulo ang hanggang leeg nyang buhok at hindi pa pantay ang salamin.


Tumango ako sa tanong nya kanina habang natatawa. Inirapan nya ako at pumaywang pa sa harapan ko.


"Nag aalala lang naman ako sayo dahil parang pasan mo ang buong mundo habang nakatulala rito kanina! Tapos tatawanan mo lang ako? Hindi mo ba alam kung gaano na ako ka stress—"


"Kaya nga ako natatawa kasi ang haggard mo na! Mas naaawa ka pa saakin, eh ikaw nga itong kawawa! Yan! Perks of being matalino HAHAHAHAHAHA!" Lumakad na ako papasok sa room at sumunod naman sya.


"Pero ano nga?! May problema ka ba?" I looked back at her. She's combing her hair using her fingers. Ako ang nahihirapan sa kanya. Huminto ako sa paglalakad at tinanggal ang hair tie na nakatali sa buhok ko. Inabot ko iyon sa kanya.


"Ano 'yan? Baka may kuto ka, ah?" She said but still accepted it. Umirap ako.


"Nagmamagandang loob na nga ako sayo, paano ba naman kasi mas mukha ka pang misis kaysa kay ma'am Amelia—"


"Autumn Narra! H'wag mong iniiba ang usapan! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina!" Mariin nyang wika habang pinupusod nya ang buhok.


"Wala, mayroon na akong sagot sa problema ko—"


"Ayan ka nanaman! Hindi ka nag oopen up kaya hindi ko alam kung paano ka matutulungan," she cut me off. I tried fixing her bangs with my fingers pero umiilag sya.


"Ikaw din naman, eh. Malihim ka rin. Pero... Hindi na kita pipiliting sabihin 'yon. Sabi mo ‘it's a secret for a reason’, 'di ba?" I genuinely smiled.


"Ms. Del Mundo, Ms. Escuadra? Mag uumpisa na tayo, bakit nasa labas pa rin kayo?" Si Ma'am Amelia. Wala ng nagawa si Zaki at sabay na kaming pumasok na dalawa.


Exam week is over and everything is going smoothly in the past few weeks. Dalawang linggo na rin simula ng huli kong punta sa talyer.


Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, eh. Ako itong gustong iwasan at tigilan na sya pero hindi naman ako mapakali sa kaiisip kung ano na kayang ginagawa nya.


Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Mar 30, 2023 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

When Autumn FallsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt