May naipatayong bahay na rin naman kami ni Storm para sa magiging pamilya namin but Mom won't let us leave. Gusto niyang narito lang kami. Ang trio naman ay nag-aaral pa, ganoon din ang quadro.

"You're here na pala, Raze," Storm said.

Busy ito sa pagtingin ng kan'yang sarili sa maliit na salamin.

"Yeah, Mom called me kasi."

"Naku, Kuya Thunder, kung alam mo lang kung gaano nag-aalala si Mom sa iyo kanina. Kulang na lang ay magpatawag ng pulis dahil nga hindi ka pa rin umuuwi kahit tumila na ang ulan. Buti ay napigilan pa siya ni Dad," natatawang saad ni Uno habang nakikipagkulitan kay Air. Parang mga bata.

"Yeah. Don't make Mom worried na kasi, Kuya Thunder. Kung saan-saan ka kasi pumupunta," sabi naman ni Tres kaya napakamot na lang ako sa aking noo.

Umupo na lang ako sa tabi ni Storm at inakbayan siya. Hindi naman ito umangal kaya ayos lang. I look at Storm.

"Who's Iver?"

Biglang namula ang pisnge ni Storm nang sabihin ko ang pangalan ng lalaking iyon. Noong isang araw kasi ay pumunta ako sa kan'yang kuwarto upang tignan kung tulog na siya. I was about to leave when she murmured someone's name. Lumapit ako sa kan'ya and then I heard her chanting Iver's name.

"He's no one, Raze," sagot niya at umiwas sa akin ng tingin. That made me smirk. Is my twin sister in love?

Mukhang may nagugustuhan na ang kakambal ko. I won't let that guy na basta na lang maligawan ang kakambal ko kung sakali. Kailangan niya munang dumaan sa akin, kay Dad at sa mga kapatid namin. Poor guy.

Storm is our princess. She's out precious kaya iniingatan namin.

"Make sure he's no one, Jaze. Hindi ako papayag na magboyfriend ka kaagad kahit na magka-edad lang tayo."

"Tsk. Shut up nga, Raze. Ikaw nga hinaharass mo si Levana, nagreklamo ba ako?" Mataray niyang tanong kaya napatawa na lang ako.

"Iba ang sa amin ni Hera sa inyo no'ng Iver na 'yon. Alalahanin mo, Jaze, siyam kaming susubok d'yan sa lalaking nagugustuhan mo. Tsk, poor Iver."

"Hmp!" Sabi na lang niya.

"Dad, do you know how to twerk?" Earth suddenly asked.

Napatigil naman si Dad sa paghalik ng balikat ni Mom. Lahat kami at napalingon kay Earth dahil sa tanong niya. I wonder kung marunong ngang sumayaw si Dad.

"Yes, Dad? Can you twerk?" Aqua asked at binitawan ang librong kanina lang ay binabasa. Oh, the bookworm is also interested.

Lahat kami ay napatingin na kay Dad na hindi makapagsalita. 

"Of course Daddy knows how to twerk. Daddy knows everything kaya," pagmamalaki ni Air at lumingon kay Dad na tulala lang while Mom was trying not to laugh.

"Oh? you really do, Dad?" Tanong naman ni Terrain at lumingon din kay Dad.

"Of course, Daddy knows that," Uno said and smirk.

Pang-asar niya siguro kay Dad na tulala lang. Sa aming lahat ay si Uno ang pinakamagaling mang-asar, halata naman.

"Yes, nagtutwerk kaya si Daddy sa harapan ni Mommy," sabi naman ni Dos.

"Yeah, yeah! I saw him last night, he was topless at nagtwerk siya in front of Mom," parang batang saad ni Tres.

Because of what Tres said, Mom slapped Dad's leg.

"Hoy, 'yang mga tanong ninyo, ayusin n'yo nga!" Sigaw ni Storm.

"I wonder."

"I wonder din," biglang saad ni Storm at pare-pareho na kaming nakatitig kay Dad.

"Love, magtwerk kana para matigil na 'tong mga anak mo," Mom said at namumula ang kan'yang pisnge.

"But, love—"

"Vhiel Adriel Ferrer!" Sigaw ni Mommy.

"Sabi ko nga magtutwerk na," Dad said at tumayo.

He put both of his hand on his knee at nagsimulang magtwerk. All of us laugh at Dad. He's funny but I admire Dad. Lahat ng sasabihin namin o gusto namin ay ginagawa niya. He will give us everything just like he promise on their wedding day.

Pagkatapos magtwerk ni Dad ay bumalik na kami sa kani-kaniyang mga kuwarto but I want to talk to him first.

"Dad, can I talk to you?"

"Yeah, sure. Love, mauna kana sa kuwarto natin. I'll be there, kakausapin ko lang itong panganay natin at baka may problema," malambing na saad ni Dad kaya tumango si Mom.

Naiwan kaming dalawa sa salas. Sumeryoso ang aking mukha nang kaming dalawa na lang ni Dad.

"What is it, son?" Daddy asked. Sumandal ako sa bangko at inisip ang magandang mukha ni Levana.

"What should I do, Dad?"

"Ano bang sinasabi mo, Thunder?"

"You know, I like this girl since day one. Umabot pa ng halos ilang taon para lang magpapansin ako sa kan'ya. I want to court her, Dad. But I don't know why."

"At sino naman ang babaeng nakabihag sa mala-yelo mong puso, anak?"

"It's my secretary po, Levana Hera Nyx Imperial."

"Woah! That girl? Mabait ang batang iyon kaya hindi na ako masyadong nagulat nang malaman ko iyan."

"What should I do? I want her to be mine. I want her only for myself po."

"Buntisin mo katulad ng ginawa ko sa Mommy mo. Sunggaban mo kaagad."

"Daddy, isusumbong kita kay Mommy."

"Joke lang, 'to naman."

Pareho kaming napatawa. Dad is afraid with Mom. Ander de saya si Vhiel Adriel Ferrer n'yo.

"Ano nga, Dad? She's not like the other girls na basta na lang bubuka sa harapan ko para lang makuha ako. She's different po kaya nga nagustuhan ko siya. She's not a typical girl. She's unique."

"Yeah, naiintindihan kita, Thunder. Hindi ako nanligaw sa Mommy mo kaya ito lang ang maipapayo ko sa iyo. Do what your heart says. Go with the flow. You don't have to buy her flowers or chocolate. Kapag bulaklak ay baka malanta lang at kapag chocolate naman ay baka sumakit ang ngipin niya. Sundin mo lang kung ano ang sa tingin mo ay tamang gawin. Darating ang panahon na magbibigay daan din siya papasok sa puso niya at doon mo siya sunggaban."

"Thanks, Dad. Tama ka, hindi dapat ako magmadali sa mga ganitong bagay. Alam ko rin naman na hindi basta-bastang babae si Hera ko kaya hindi siya madadala sa mga bulaklak at chocolate."

"Oh, well. Sana ay nakatulong ako sa iyo. Alam mo naman, wala rin akong alam sa panliligaw dahil nga parang pinikot ko lang ang Mommy mo rati."

Natawa na lang ako dahil sa sinabi ni Dad. Hanggang ngayon ay hanga pa rin ako sa relasyong mayroon silang dalawa. Akala ni Mommy ay nirape siya ni Daddy. Ang hindi niya alam, siya ang gumawa ng paraan upang may mangyari sa kanilang dalawa ni Daddy. Talaga naman.

*****

Hanse_Pen

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Where stories live. Discover now