TPS 41: can't sleep

Zacznij od początku
                                    

"You have no day on whatever decision I made, buhay ko to, kakambal lang kita." Diin siya dito. He should learn to stand on his ground. Kahit naman magkapatid, may sarili siyang desisyon sa buhay niya, malaki na siya, mga magulang niya nga narespeto yun, ito pa kaya na kapatid niya lang. Tumalikod na si Ran dito, mag-aaway lamang talaga sila.

"Dahil kay Yuan nagkaganyan ka?" may panunuya sa bawat salita nito," halatang patay na patay ka sa kanya, ganyan mo siya kamahal? "Nilingon niya ito muli.

"Kung patay na patay ako sa kanya, that's my problem not your's." napakuyom ito ng kamao, pinaunlakan niya ang matatalim nitong titig.

"Are you two fighting, again?" boses iyon ng kanilang ama, sabay silang napalingon sa ipad na hawak ni Ron, nakita nila doon ang mukha ng kanilang ama,seryoso ito, sabay silang tumingin kay Ron na nagkibit balikat lang.

"Dad insisted to talk to the both of you. Hindi ako makapag excuse to get your attention that's why I let him see himself what are you two doing." Paliwanag nito, doon na nag-umpisa ang mahabang sermon ng kanilang daddy sapamamagitan ng Skype.

......

"Naiinis ka na ba sa akin?" imbes na hello ang pambungad sa kanya ni Yuan ito ang sinabi nito sa kabilang linya.  Hindi na nga rin sya nito hinintay na maghello, alam na alam talaga nito na siya lamang ang humahawak ng kanyang cellphone.

"What do you mean?" naghahanda na siya sa kanyang pagtulog, matagal kasi silang kinausap ng parents nila, nalulungot nga lamang daw ito dahil tulog na si Rojan. Ran told them where they went. Hindi naman nagalit ang parents nila di gaya ng o.a. niyang kapatid.

"Kasama na kita maghapon, tapos tinatawagan pa kita sa gabi, di ka ba naiinis?" napangiti siya sa pag-aalala nito. Okay lamang dahil hindi naman nito nakikita."See ayaw mong sumagot kasi naiinis ka,"

"Not really,"

"Ha?"

"What are you doing?" kahit naririnig niya na ang kaluskos, mukhang nakahinga na ito sa kama, katulad niya.

"Here in my room, nakahiga, thinking of you, ay mali, kausap pala kita, pero kahit kausap kita, iniisip pa rin kita eh, patay na patay talaga ako sa'yo, ikaw hindi pa ba?" nanunuksong sabi nito, hindi niya maiwasan ang sinabi sa kanya ni Ren kanina. She answered back at him, kaya nga masyado itong nainis. Pinili nya na lamang tumawa sa kalokohan ng kausap.

"Anong ibig sabihin ng tawa mo? Ang sarap pakinggan, can I put that in words?" napakagat labi siya sa sinabi nito, isang pang dahilan kung bakit nawiwili siya na kausap ito dahil sa likas na malambing ito. Hindi yung nagpapanggap o nagpapa good shot lang.

Pabiling biling naman si Yuan sa kanyang kama bihira talagang tumawa si Ran kaya naman milagro na maituturing kapag napatawa niya ito, madalas kasi tipid na ngiti lamang ang binibigay nito sa kanya.

"Okey try then," hamon ni Ran dito, ano na naman kayang kalokohan ang papasok sa isip nito.

"Hmm, yung kausap ko na sobrang gwapo na malapit na malapit ko ng magustuhan?" gustong sabihin ni Ran na mali ito, dahil hindi lang malapit  sa gutso ang nararamdaman niya para dito. Hindi lang yun, at hindi lamang hanggang doon. Pinili niya pa rin na tumawa, Renwas right, hindi siya ganito dati. Hindi siya mababawa kagaya ngayon. Nagbago nga siya kaya lang gusto niya ang pagbabago na nararamdaman, gusto niya ang kakaibang sigla ng kanyang puso, gusto nya ang mga ngiti sa kanyang labi, gusto niya ang pagkalimot niya sa kanyang karamdaman. She feels normal when she's with him, inaalagaan din siya nito, ilang beses na rin syang nagigising na ito ang nakabantay, unlike before, hindi na ito nagpapanic.

"Kung kaharap lang kita nahalikan lang kita dahil pinagtatawanan mo ako." Paraparaan nito." nabigla ako kanina kaya may utang ako sa'yo."

"What debt?"

"Kiss. You kissed me, dapat ako lang ang nang-aagaw ng halik," mapanuksong sabi nito, mabilis naman siyang napamulahan sa kaniyang ginawa kanina.

"Did I stepped on your ego?" tumikhim pa ito sa kabilang linya.

"Hindi naman....ang bilis kasi, pwede magkaroon ng dalawang request?" hindi na siya hinintay sumagot nito," First, sa susunod, kung magnanakaw ka ng halik, pakitagalan naman, kahit 5 minutes? Kasi kung kailan ko naramdaman ang labi mo doon agad nawala, pakitagalan naman ulit next time please?"

"Crazy." Binatukan niya na sana ito kung kaharap niya lang,

"And second, pwede bang tayo na, girlfriend na kita, boyfriend mo ako, tayo na, pwede ba?" napakagat labi siya sa request nito, kung tutuusin matagal na nga naman na itong nanliligaw.

Mula bata pa lamang sila, napahawak sya sa kanyang puso, napakalakas ng tibok nito, ibig kumawala. Nakakabaliw ang kanyang nararamdaman, ngumingiti din siya na parang sira...tutal matagal narin naman itong naghintay.

"K," sa simple niyang sagot na iyon, nakarinig siya ng kalabog sa kabilang linya, na parang nahulog at pag-aray mula kay Yuan. "Hey you okay?" napaupo tuloy siya dito...Umiinda pa rin kasi ito sa kabilang linya.

"Ta-tayo na?" di makapaniwalang tanong nito, baliw talaga, ibinigay niya na nga ang sagot na gusto pero ayaw pang paniwalaan.

"You don't like it?"

"Hindi!" biglang sigaw nito,"Pupunta ako dyan!" mabilis niya itong pinigilan, it's late and his asshole brother won't like it.

"Wag na,"

"But I want to see you," napangiti siya sa maktol nito, isip bata rin talaga.

"Just sleep, good night," paalam nya.Pinipilit ni Yuan na pupuntahan siya talaga, pero gusto niya nang magpahinga ito, pagod din itong katulad nya.

"I love you girlfriend finally," malambing na sabi nito, sa wakas nga naman nagbunga din ang lahat ng tiya nito.

"I know," hindi niya pa yun kayang sagutin, pero alam niyang naiintindiha nito. kuntento na muna ito sa kanilang estado.

"Good night, dream of me."

"I'll try," natatawa nyang sagot, kahit sa panaginip gusto talaga siyang bulabugin nito.

"Damn paano ako makakatulog nito?"narinig niyang pahabol nito bago niya binaba ang phone, pinatong niya iyon sa kanyang side table.

I can't sleep too.

Mukhang ngayon, poproblemahin niya na kung paano dalawin ng antok.









The Princess's  Stalker (completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz