"Pupunta here si Katey? Nice." napalingon lang sila kay Felix nang magsalita ito.

Dahil naman sa sinabi ni Felix ay natawa si Dhianne. Gusto kasi ng kuya niyang si Felix ang kaibigan niyang si Katey.

"Ikaw kuya, ah." pang-aasar naman ni Dhianne na ikinangiti lang ni Felix. Nag piece sign pa ito sa kaniya na natatawang ikinailing niya.

Kahit ang magulang nila ay hindi napigilang matawa dahil sa itsura ni Felix. Halata naman kasi talagang gusto nito si Katey. Hindi nila alam kung paano at bakit.

Basta nagulat na lang sila nang sabihin ni Felix sa kanila na gusto niya si Katey. Alam na rin ata 'yon ni Katey dahil sinabi ni Felix sa kanila na umamin siya dito.

Tapos no'n ay hindi na nila alam kung anong ganap ng dalawa. Wala din naman kasing nababanggit o nakwekwento si Katey tungkol sa kanilang dalawa ni Felix kay Dhianne.

Hindi rin naman nagtatanong si Dhianne dahil nasa isip niyang baka magalit ito sa kaniya kapag nagtanong siya at para respeto na rin.

Sinubukan niya ring magtanong sa kuya Felix niya kaso wala rin naman siyang nakukuhang sagot dahil ayaw rin nitong magsalita.

Kahit na curious siya ay nanahimik na lang siya. Naghihintay na lang siya na 'yung dalawa na mismo ang magsabi sa kaniya kung anong ganap sa kanilang dalawa.

Wala namang kaso kay Dhianne o sa pamilya nila kung magkaroon ng relasyon ang dalawa. Magkaedad lang din naman kasi ang dalawa at mabuting bata naman si Katey kaya wala silang problema doon.

Matutuwa pa nga si Dhianne kung magkaroon ng relasyon ang kuya at kaibigan niya. Siya ang number one fan ng dalawa.

Maya-maya nga lang ay narinig na nila ang boses nila Josephine. Nangunguna na ang boses ng dalawang babae na parehas maingay.

Napaayos pa ng tayo si Felix dahil sa narinig. Habang si Vaxton ay siya na ang nagpasya na pumunta sa pintuan para pagbuksan ang tatlo.

"Dhianne cutie!"

"Lou!"

Magkasabay na sigaw ni Josephine at Katey nang makita siya. Napangiti naman si Dhianne sa dalawa. Para kasing mga bata ang dalawa nang tumakbo ang mga ito palapit sa kaniya.

Huminto lang no'ng nasa tabi niya na ang mga ito. Nakaawang pa ang labi ni Katey nang titigan nito ang mukha niya. Hindi tuloy naiwasan ni Dhianne ang mailang.

Lou nga pala ang tawag ni Katey sa kaniya para naman daw iba. Siya lang daw pwede tumawag no'n at hinayaan na lang ito ni Dhianne.

"Wow! Napakaganda mo, ghorl!" tili ni Katey at hinawakan siya sa kamay.

Gusto pa nga nitong panggigilan ang mukha ni Dhianne kaso bawal kaya nagpigil talaga siya sa balak niyang gawin.

Marahan na lang na hinaplos ni Katey ang mukha ni Dhianne. Hindi siya makapaniwalang iba na ang makikita niyang mukha.

Hindi siya sanay na ganitong mukha ni Dhianne ang makikita na niya araw-araw. Nasanay siya sa dati nitong mukha, na mukha ni Suzainne.

"Maganda naman talaga siya. Ikaw lang naman ang pangit diyan." agad na pang-aasar ni Josephine kay Katey.

Nilingon naman ni Katey si Josephine at sinamaan ng tingin. Ang mga kasama nila sa kwarto ay natawa lang sa kanilang dalawa.

"Hala, magbabardagulan na naman sila." natatawang bulong ni Dhianne.

Sanay naman na siya sa dalawa dahil ganiyan talaga ang dalawa kapag magkasama.

"Wow, ha! Nahiya naman ako sayong gaga ka!" sabi naman ni Katey kay Josephine at tinarayan ito.

Their Long Lost Sister Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz