CHAPTER 1 : ATENEO AND UP STUDENTS

1 0 0
                                    

10:00 pm

Gabi na, tinatawagan na ako ni mama sa cellphone ko

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Gabi na, tinatawagan na ako ni mama sa cellphone ko. Ayoko pang sagutin dahil mas masaya ako dito sa bar sa Bgc. I am with my friend from Ateneo. Oh, I am Nicole. You can call me "Nicole" and don't ever call me with my first name, because I hate that f-cking name. As we go back, here I am, enjoying myself after that goddamn exam that broke my brain.

"Nicks!", my friend called me. "I thought you will not come here." She said. "I will enjoy my time here, ok?", I replied to her. She just rolled her eyes on me and pointed something near the entrance of the bar. Sabi nya, "university talaga ng mga pogi ang UP." Napatingin ako sa direction ng tinuturo nya. I noticed this boy na matangkad, mestizo, gwapo, maganda pumorma, at may suot na mamahaling relo. Kasama sya sa group of boys na lumapit sa amin ng kaibigan ko. "Hello there, both of you are so beautiful. Would you mind if makijoin kami sa table nyo?", sabi ni Andrew, sikat na basketball player ng UP. "Yes, of course.", sabi naman ng friend ko na may dugong kalandian. Hinila ako ng friend ko papunta sa table na pinareserve namin sa bar, kasama ang group of boys na nakausap namin. Pinaupo ako ng friend ko sa gitna at himala, nakatabi ko ang lalaki na una kong napansin kanina. In fairness, ang bango nya, ha. Sobrang tahinik nya at feeling ko ay awkward talaga ang sitwasyon lalo na't naka suot pa ako ng revealing dress. Lahat ng kasama namin ay nada dance floor at sumasayaw, umiinom, nagmomomol, at mga gawain na ginagawa talaga sa bar. Pinili na lamang ng katabi kong lalaki na sirain ang katahimikan na nasa pagitan namin.
"Ako nga pala si JOSHUA KENDRICK SALVAREZ, UP student, 23 years old, law student sa UP." Pinakilala nya ang sarili nya sakin habang may hawak sya na baso ng alak sa kaliwang kamay, nakatitig sya saakin nang malalim, nakasandal sa kinauupuan nya, medyo nakabukaka ang mga binti na mas nagpasexy sa look nya. Napatulala ako sa lalim ng titig nya. Bigla ko naman inalis sa isip ko ang pagiging tulala at pinakilala ko rin ang sarili ko. "MARIA NICOLE MARQUEZ, 22 years old, ATENEO student, BS psychology student sa ATENEO." Pinakilala ko ang sarili ko kung paano nya pinakilala ang sarili nya. Habang pinapakilala ko ang sarili ko sakanya, tinitignan nya ako sa mga mata ko na parang nagugustuhan nya ako o kaya naman ay gusto na nya ako. "Sa ateneo ka pla pumapasok", tanong mya habang nakatitig saking mga mata. "Oo, sosyal kasi doon at siguradong may future ako.", sagot ko sakanya habang nakatingin sa malayo. "Gusto mo pumunta sa VIP room para marinig kita nang mabuti?", pasigaw nyang tanong saken. Pumayag naman ako at nagpunta na nga kami sa VIP room kung saan ay 'di masyadong maingay. "Artista ka, noh?", tanong niya sa akin. Nagsuplada mode na ako ngayon, "Oo, bakit? Gagawan mo ako ng scandal, noh?", tanong ko sakanya habang nakataas ang aking kanang kilay. "Chill ka lang dyan, wala naman akong gagawin na masama sa iyo eh.", sabi niya sa akin na medyo natatawa pa. "Alam mo ba nung nakita kita, nawala yung inis ko sa mga tropa ko.", sabi nita habang nakatingin kung saan. Idinugtong niya, "nakakawala kasi ng galit yung muka mo eh.", sabi niya na may konting tawa sa dulo. "Sa ganda ko naman, sino ba ang hindi aamo sa mukang ito?", sinabi ko habang hinahaplos ang gilid ng muka ko. Napansin ko lamang na nakatitig nlng siya sa akin na parang gusto na niya ako iuwi sa kanila. Nagkatitigan kami nang ilang oras pa, hanggang sa tumunog ang telepono ko. Nakita ko na si Daddy na pala ang tumatawag sa akin. Bigla na lamang ako umalis sa bar na walang paalam dahil sa kaba sa aming dibdib. Napansin ko na tinatawag ni Joshua habang hinahabol ako paalis sa bar at papunta sa sasakyan ko. Bago ako sumakay sa sasakyan, pasigaw kong sinabi sa kanya na, "hingin mo nalang yung number ko sa friend na kasama ko kanina!". Pasigaw naman nyang sinabi sa akin na, "itetext nalang kita sa susunod!". Ngumiti naman ako at sumakay na kotse para umuwi na. Ambilis lang ng pangyayari, ngunit yun ang unang experience ko na totoo pala ang sinasabi ng mga tao about sa "love at first sight."

Itetext kaya ni Joshua si Nicole?

LOVE AND FAMEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن