"Mujer! Sayawan mo kami!" Utos ng isang gwardiya-sibil sa isang babae na ngayon ay naiilang sa presensya ng mga tao.

"Pipi ka ba? Magsalita ka!" Sigaw pa ng isang gwardiya-sibil.

Ayon sa kaanyuan ng dalaga ay nakasuot ito ng pangkaraniwang baro at saya ngunit hindi mapagkakailang marikit ito at kapag naayusan ay parang nabibilang na rin sa alta sociedad.

Bigla na lamang hinawakan ng gwardiya-sibil ang braso nito upang mag pumiglas ang dalaga.

Nakita iyon ni Kalayaan at patakbong lumapit sa gawi ng dalaga, "Ano po ba ang kasalanan  niya?" Magalang na tanong niya sa kanila.

"Ang babaeng ito ay isang mujer libre!" Tugon ng gwardiya sibil.

"Ngunit paano kayo nakakasiguro na isa siyang mujer libre?" Sa tanong ni Kalayaan ay natigilan ang mga gwardiya.

Lumapit sa kaniya ang isa sa mga gwardiya sibil, balbas sarado ito at may kalakihan ang pangangatawan. "Dahil sa kasuotan niya, ang mga ganiyang babae ay patapon na ang buhay!"

Napakunot-noo si Kalayaan, "Siya ay babae pa rin at ginagalang. Wala ba kayong babaeng anak? O kapatid?" Nakikita na niya ang dalaga na humihikbi nang palihim.

"At sino ka para itanong mo sa amin ang ganiyan?!"

"At sino kayo para hindi galangin ang babae? Hindi ba't ang inyo na gawain ay mag protekta ng mga naaapi? Bakit ngayon ay tila kayo na ang nananakit?!" Protesta pa ng binata sa kanila.

Nawala sa pasensya ang isa sa mga gwardiya sibil at tinutukan siya ng mataas na baril, "Ang iyong pangingialam, ginoo ay siyang magbibigay sa iyo ng kapahamakan!"

Matalim lang ang titig ni Kalayaan sa kanila, napapansin niya na rin ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid at narararamdaman niya ang pangangamba ng mga ito. Ngumisi na lamang siya at mabilis pa sa kidlat na hinila niya ang baril at sinugod ang tatlong gwardiya-sibil na tila isang mabangis na hayop. Bumaliktad pa sa ere ang isa nang buhatin niya ito at pinatalsik sa hangin na parang isang papel lamang sa kaniya ang katawan ng balbas sarado.

Ni isa ay walang lakas ng loob para paputukan ng baril ang binata dahil hindi pangkaraniwan ang lakas nito. Hinayaan na lamang nila ang kanilang katawan na bumagsak sa lupa dahil tila nabalian na sila ng mga buto.

Nang matapos ay inalalayan ni Kalayaan ang dalaga, "Ano'ng iyo na pangalan?" Napansin niyang hindi ito nagsalita.

"Talagang hindi po siya nagsasalita," Saad ng isang batang lalaki na nagbebenta ng kandila. "May hinahanap po siya, kanina ay may ibinigay siya sa akin na isang pirasong papel na may nakasulat na tulungan siyang ibalik sa gubat, dahil naroroon daw ang kaniyang kaibigan. Wala pong may lakas nang loob na suungin ang kagubatan dahil may mga galang hayop na mababangis,"

Napatango si Kalayaan, "Bueno, ako na ang bahala sa kaniya, munting ginoo. Salamat sa iyo na impormasyon,"

Napatango na rin ang bata at patakbong umalis.

"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Hindi rin ako masamang tao," At dahan dahan na pinalakad ang dalaga.

"Anong nangyari? Anong---" Natigil si Adrian nang makita ang dalaga na kasama ni Kalayaan, "May nagsabi sa akin na isa sa mga empleyado ng panciteria na nadawit ka raw sa kaguluhan?"

Ngumisi lamang si Kalayaan, "Ginawa ko lamang ang aking nais upang hindi masaktan ang binibining ito,"

Napatango-tango si Adrian at ngumisi, "Ipagpaalam na natin ito sa alperez nang sa gayon ay mawalan ng trabaho ang mga gwardiya sibil na siyang nanakit sa kaniya,"

Inalalayan naman ni Aina ang dalaga papasok sa panciteria upang pakainin ito ng pananghalian.

"IPAPATALSIK ko na ang mga gwardiya-sibil na iyon. Pasensya na talaga sa inyo ginoong Sarmiento. Ito pa talaga ang mararanasan ng iyong pamangkin na galing sa Europa," Saad ni Alperez Pablito Gomez.

Via Dolorosaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن