"Dapat lang, dahil kung naulit yun. Malilintikan ka kila mama la, bahala ka. Sige na pumasok ka na. Iloveyou."



"I love you more, Jiějiě." Matamlay na wika nito at naglakad na.



Hindi pa man nakakalayo si Keizel, ay agad ko na itong tinawag.



"Mei!"   (Younger sister)


Agad naman napalingon ang aking nakababatang kapatid sa aking gawi.



"Bakit po Jiějiě?" Walang ganang tanong nito.



Hindi ako nagsalita at agad kong linapitan ang aking nakababatang kapatid .




"Mag-ingat ka, sunduin nalang kita mamaya para sabay na tayo umuwi ah?." Masuyong saad ko at hinalikan ko ito sa labi at noo.



Normal nalang saaming dalawa ni Keizel na mahalikan ang isa't isa. Hindi naman halik talaga, smack lang.



Namula naman ito sa aking ginawa at napangiti.



Napangiti rin ako dahil nakangiti na ngayon si Keizel, hindi ko kase matiis ang batang ito lalo na kapag nagtatampo.



Gusto kase nito sinusuyo, niyayakap o hinahalikan pag nagtampo. May kaugali ang batang ito kapag nagtatampo.



"Opo!" Masiglang wika ni Keizel at masayang tinahak ang daan papasok ng campus.



Pinanood ko lang ito hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.



Parang may naramdaman akong nakatingin saakin, napatingin ako sa dalawang babae na nakatingin kanina sa gawi namin ni Keizel.



Napako ang aking tingin sa di katangkarang babae, parang may naramdaman akong kakaiba.



Bago pa man ako nito mahuling nakatitig sakanya ay napag pasyahan ko nang umalis.


CHLOE AMARA ALLISTAIR POV

Naglalakad kami ni Khaked papasok nang campus ng mapasulyap kami sa dalawang pigura sa harap ng gate, si Keizel nakaharap sa isang babaeng nakatalikod sa amin, sya ung ate ni Keizel.



Agad akong nakaramdam ng excitement dahil nasilayan ko na naman ito.



"Mei!" Tawag nito kay Keizel?


Bakit Mei tawag niya?


"Bakit po Jiějiě?"  Walang ganang tanong nito.


So Jiějiě pangalan niya hindi Keizel?



Hindi naman umimik ang ate nito at hinalikan nito sa labi at sa noo si Keizel.



Tuwang-tuwa naman ang batang maglakad papasok sa campus, adik sa kiss ang bata.



pumasok na rin kami ni Khaled nung sinulyapan ko ang kinakatayuan kanina ng kapatid ni Keishit ay wala na ito.



Kung kanina ay masaya akong makita ito, ngayon naglaho agad ang sayang naramdaman ko.



Dahil nakita ng dalawang mata ko kung paano nga halikan si Keizel ng taong gumugulo sa isip ko gabi-gabi.




Grabe naman ang dakawang iyon, halikan talaga sa labi? Parang nanikip dibdib ko sa aking nakita. Na ang babaeng laman ng isip ko kagabi pa ay hinalikan si Keizel.




ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ