"What the fuck is this, guys?" Tanong ko sa kanila nang huminto ang tugtog.

Narinig ko lang ang tawa ng lahat. Maya-maya pa, umakyat bigla si Caleb at humarap sa lahat kaya tinawag ko siya.

"Where's Kiel?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito.

"I don't know. Akala ko ay kanina pa nakabalik. He's with his brothers," takang sagot niya sa 'kin kaya umiling lang ako.

Nakaramdam ako ng tampo at sakit sa 'di malamang dahilan. Ramdam ko rin ang namumuong galit sa puso ko nang mga oras na 'yon.

Nagsimulang tumugtog ng isang kanta nila ang tatlo nang hindi pa rin dumadating si Kiel. Nang matapos iyon ay sandaling nagpaalam muna ako sa kanila upang tawagan na siya, ngunit nakailang dial na ako sa number niya ay wala pa rin. Tanging ring lang at pagkatapos ay mamamatay na.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagsisimula nang mawala sa mood nang biglang narinig ko ang ingay ng lahat. Nang iangat ko ang tingin ko ay doon ko nakita ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Nakasuot ito ng black suit at naglalakad sa red carpet. Nakita ko rin ang pagdating ni Jack at Benjie na agad na pinuntahan si Maxim.

"I told you." I heard Lynne whisper to me. Mapait akong ngumiti.

"It's almost midnight, Lynne," mariin kong sinabi sa kaniya at tumayo na mula sa kinauupuan ko.

"Acel, I'm sorry we're late. Happy birthday." Jack greeted me first and handed me something. Walang gana ko iyong tinanggap at tipid na ngumiti.

"Thanks, Jack. Serve yourself and enjoy." I told him and looked at the guy behind him.

Seryoso ang ekspresyon nito ngunit bakas sa mga mata niya ang pagsusumamo na tila nanghihingi ng paumanhin. I don't even know what to say, so I just glared at him continuously.

Maya-maya pa, tuluyan na itong nakalapit sa 'kin at agad ngunit marahan na ginagap ang kamay ko. Mahigpit niya iyong hinawakan.

"You almost missed my birthday," I whispered to him but I know he heard that.

"Can we talk outside? Please . . ." Marahan at nagsusumamo niyang sinabi sa 'kin at tiningnan ako nang diretso sa mga mata.

Saglit pa kaming nagtitigan. Pagod akong bumuntong-hininga at binawi ang kamay ko sa kaniya at mabilis na lumabas. Dumiretso ako sa pwesto ko kanina sa labas ng Casa at tiningala muli ang langit. Tahimik ang buong paligid nang marinig ako ang tunog ng sapatos ni Kiel. Kasunod no'n ay ang pagsimoy ng malakas na hangin na tila dinala nito sa ilong ko ang kabuuan niyang amoy.

"Baby . . ." He called me in his hoarse voice. Almost breaking down. Napailing ako.

"What is it this time, Kiel? What happened? Where have you been? Kanina pa kita tinatawagan-"

"Inuwi ni Jack si Mom."

Literal na natigilan ako dahil sa sinabi niya. Mabilis ko siyang tiningnan nang maramdaman ko ang kakaibang kaba sa puso ko.

"W-what? Why? What's happening, Kiel?"

"She wanted to surprise you. Noong nakaraang araw pa siya umuwi sa bahay kaya madalas akong wala. Kanina nang susunduin na namin siya para pumunta rito, she said she can't do it dahil biglang sumama ang pakiramdam niya-"

"Oh my god! Is she okay? Why didn't you tell me right away?" I cut him off.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at maya-maya pa, muli niyang ginagap ang mga kamay ko at mariing hinalikan iyon.

"She's fine. She wants to see you badly," seryoso niyang sinabi sa 'kin.

Muling umihip ang malakas na hangin dahilan para magulo ang buhok ko. Inayos niya 'yon kaya nanatili lang ang tingin ko sa kaniya.

"I'm sorry I didn't tell you right away. I'm sorry I almost missed your special day. I'm sorry for all the pain I've caused you, baby. I really wanted to make it up to you but the timing and all was just bad. Fuck it," naiinis na sinabi niya habang nakatingin pa rin sa 'kin kaya hindi ko na napigilang matawa.

Hinawakan ko ang kamay niyang pinang-aayos niya sa buhok ko.

"I told you I won't talk to you unless you continue-"

"No, please. I will not push it anymore. You know how I want this so bad. I want to marry you. I want to build a big family with you. I want us to be together all the time nang walang iniintinding iba pa. Ayokong mahati ang atensyon ko, Acel," seryoso niyang sinabi sa 'kin at tila may determinasyon sa boses niyang iyon kaya napanguso ako.

"But it's me, Kiel. I want this for you. Hindi ibig-sabihin na magpapakasal tayo ay kakalimutan mo na ang pangarap mo. I don't want that." Pagpupumilit ko pa rin sa kaniya.

Umigting ang panga nito habang tinititigan ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Maya-maya pa ay bigla na lang itong marahas na bumuntong-hininga at tuluyan nang lumambot ang ekspresyon. Ngunit imbes na sagutin o may sabihin pa siya sa 'kin ay bigla niyang kinulong ang buong mukha ko sa palad niya. Sunod na naramdaman ko ay ang malakas na tibok ng puso niya and then, we kissed.

"I'll think about it first," aniya sa gitna ng halik namin kaya napangisi ako.

"Sure. Hindi ako magpapakasal hangga't hindi mo ginagawa ang gusto ko na alam kong gusto mo rin. If it's the responsibility you're worried of then I will tell you right now that it's perfectly fine for me," sabi ko sa kaniya at tuluyan nang humiwalay sa kaniya.

Hindi ako nito sinagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa 'kin kaya nangunot ang noo ko.

"Kiel . . ." I called him. Bigla itong ngumisi at tumango.

"Let's ditch your party. Come." He whispered to me.

Sunod na namalayan ko na lamang na nasa loob na kami ng sasakyan niya at nasa byahe patungo sa kung saan.


Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora