Jealousy

4.6K 97 0
                                    


Deann POV
Ano ba yan? Pagtapos niyang mawala ng isang linggo, hindi man lang niya ako pinansin. Ni hindi niya ako tinignan pwera na lang nung pinagalitan niya ako.

Excited pa naman ako sa pag uwi niya.

Susungitan niya lang pala ako. Siguro hindi natuloy yung usapan nila nung investors niya sa Hongkong.

Kanina panay sulyap ko sa kanya.

Lalo siyang gumwapo. At lalong naging matikas ang katawan niya. Pero aaminin ko mas gwapo siya pag halos magsalubong ang makakapal niyang kilay.

Hindi pa nga ako maka move on sa eksena namin nung bago siya umalis. Kung bat kasi nasanay ako sa maikling shorts na pantulog ko. Hay nako, sa unang pagkakataon may lalaking nakakita ng cleavage ko at kuyukot ko. Nakakahiya.

Napakaripas nga ako ng takbo sa kwarto ko nun. At sa sobrang hiya ko ni hindi ako nagpakita sa kanya bago siya umalis.

"Hmp! E ano ba? Uuwi na din naman ako dahil andito na siya di na niya ako kelangan na magbantay sa Daddy nya ng sabado at linggo." Isip ko.

Buong araw kong inaalis sa isip ko si sir Benedict. Ayoko din naman na magkamali ako sa pag-aalaga kay Don Julio. Mabuti na lang at todo alalay din si nurse Kim. Sobrang maalaga at parang si nurse Loren kalkukado lahat ng dapat nilang gawin. Nakakatuwa pa dahil maalalahanin din ito, kahit sa akin. Kaya nga madali ko siyang makapalagayan ng loob. Mahilig din sa koreanobela kaya nagkakasundo talaga kami.

Mga bandang alas kwatro, nagpaalam si nurse Kim. May mga gamot daw na kelangan bilhin para kay Don Julio kaya ako na muna ang nagbantay mag-isa dito. Tulad ng dati, nagpahangin lang kami sa likod bahay ng mansion. At pinaghainan ko din siya ng mga prutas para meryenda niya.

Maya-maya pa narinig ko na tinawag ni nurse Kim ang pangalan ko.

"Deann!" Paglingon ko napansin ko si sir Benedict na nasa pinto at mukang palapit din sa amin. Kaya lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko. At talaga namang nagpanic ang buong kalamnan ko. At kusa na namang lumawak ang ngiti ko at pakiramdam ko nag glow yung muka ko.

"Binilan kita ng choco chip cookies. Diba sabi mo nagke crave ka nito?" Nakangiti namang sabi ni nurse Kim

"Hala.. thank you!" Sobrang panic ng utak ko ayoko mahalata ni sir Benedict na na-excite ako ng makita siya. Mabuti na lang to the rescue si nurse Kim. Napa sobra pa nga yata dahil para akong batang kinilg pagkahawak ko sa bigay ni nurse Kim.

"Haha...para kang bata, sabi ko na nga ba matutuwa ka sa pasalubong ko e." Natatawang sagot ni nurse Kim.

"Dad, Im home. How are you?" Agad na tanong ni sir Benedict sa Daddy niya. Di man lang kami pinansin.

" Im doing good, son. Thanks to these two, I feel good." Nakangiting sagot ni Don Julio. "By the way nurse Kim, si Deann lang ba ang may pasalubong?" Nakangiting tanong nito.

Napakamot naman ng ulo si nurse Kim, sabay angat ng gamot na dala niya.

"Gamot lang po ang dala ko para sa inyo, don Julio."

Napahagalpak ng tawa si don Julio.

"Next time dapat ako din meron...kundi iisipin kong nanliligaw ka kay Deann kaya siya lang ang may pasalubong." Tatawa tawa pang sabi ng matanda don.

Hiyang-hiya naman tumango si nurse Kim.

Napasulyap ako kay sir Benedict, at nakita kong napasibangot siya. Yung mga kilay niya lalong nagsalubong at napa tiim bagang pa siya.

"Ipasok nyo na si Daddy," yun lang at tumalikod na ito. Badtrip na naman. Siguro talagang may problema siya sa opisina.

Napapa-iling na lang ako. Nakakaramdam ako ng awa sa kanya, dahil sa hirap ng responsibilidad niya sa kumpanya nila. At pag-aasikaso din sa Daddy niya.

Napaka-responsable niyang anak.

Lalo tuloy ako naiin-love sa kanya.

" Ha! Wait lang! Inlove ako agad? Grabe naman Deann, tanggalin mo yan sa pagkatao mo. Boss mo yun. At hindi yun papatol sa tulad mo." Napa-iling ako paulit-ulit, naiinis ako, gusto ko linisin ng clorox ang utak ko. Napapikit ako ng mata sabay buntong hininga.

Pagmulat ko napansin kong parehong nakatingin sakin si nurse Kim at don Julio.

Namula ako sa hiya. Hindi ko alam sasabihin ko, habang natawa naman ang dalawa.

"Kung naiisip mong hihingi ako sa cookies mo, wag ka mag-alala magpapabili na lang ako kay manang Lita." Biro ng matandang don.

"Naku hindi naman po, eto po kunin nyo na yung isang balot." Mabilis kong tanggi sa iniisip ni don Julio.

Napahagalpak na naman ng tawa ang don, at sinabing nagbibiro lang siya.

Natatawa na lang si nurse Kim sa mga kapalpakan ko, lalo tuloy ako nahihiya.

Kinagabihan, lumabas ako ng kwarto at naglakad lakad sa garden. Naiisip ko talaga yung damdamin ko para kay sir Benedict. Hindi naman imposible dahil lahat ng hahanapin ng isang babae sa prince charming niya taglay na ni sir Benedict. Pero nakakalungkot lang din ang katotohanan na kahit kailan malabong magkaron kami ng happy ending. Sobrang layo ng agwat ng buhay namin.

Pabalik nako ng mansion ng makasalubong ko si nurse Kim.

"Anong iniisip mo?" Tanong nito.

Ngumiti lang ako at umiling. Hindi ko pwedeng aminin kanino man yung feelings ko. Bukod sa nakakahiya, ayoko din matawag akong ilusyunada..

"Ang lungkot mo naman yata?" Pangungulit pa nito.

"Hindi naman...masaya nga ako kasi uuwi na naman ako sa nanay kong parang armalite ang bibig."

"Hahaha...ganyan talaga ang nanay syempre pinangangalagaan ka."

Tumango-tango ako... " eh ikaw kailan ka uuwi?" Tanong ko.

"Monthly ang uwi ko sa Antipolo. 2 days off. Kaya next month nako makakauwi."

"Wow, pasalubong uli ha...suman" natatawang biro ko.

Nagulat ako ng akbayan ako nito at hinila. "Oo naman, ikaw pa ba? Malakas ka sakin." Sabay gulo niya sa buhok ko.

I love you, CaregiverWhere stories live. Discover now