Chapter Fourteen

Mulai dari awal
                                    

"Justin?" tawag ko sa kanya at masaya siyang lumingon sa akin. "Wala akong in-order na frappe?"

"Treat ko sa inyo," sabi niya.

Tiningnan ko rin yung mga order nila Rizza, Adrian at Helena may cakes na sila, samantalang ako lang naman ang um-order ng cake at puro frappe sila.

"Thanks Justin. May plus points ka na sa amin," sabi ni Rizza kaya kinurot ko siya ng mahina at inirapan ako.

"Happy Birthday and thank you," sabi ko kay Justin na ikinagulat nila.

"Birthday mo?" tanong nila sa kanya at tumango naman ito.

Pagkatapos tumingin sila nang nakakaloko sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy ko na yung pag-inom ko ng peppermint mocha frappe ko at pagkain ng cinnamon roll.

Habang umiinom napansin ko yung nakasulat na pangalan sa plastic cup. Angelyne + Justin = Justyne <3. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti.

"May ngumingiti hindi ko sasabihin, ano Ange?" Tiningnan ko si Helena at sumimangot.

Nagkuwentuhan pa kami at nang dumidilim na, napagpasyahan na naming umuwi. Sabay na kaming umuwi ni Justin at yung tatlo naman ang nagsabay.

Habang naglalakad, nararamdaman ko na naman yung hangin na kilala bilang awkwardness. Nakadadag pa roon yung pagiging tahimik naming dalawa.

"Nga pala Ange, libre ka ba sa Sabado ng hapon?" tanong niya sa akin at tumango naman ako. "Iimbitahin sana kita sa celebration ng birthday ko. Nasabihan ko na rin sila Adrian at pumayag naman na sila."

"Kasama family mo?"

Iyon agad ang unang pumasok na tanong sa utak ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko haharapin si #11. Baka mas lalo akong maguluhan sa nararamdaman ko kay Justin.

"Oo. May problema ba?"

"Nakakahiya kasi," sabi ko kahit hindi naman iyon ang totoong dahilan.

"Huwag kang mag-alala. Kilala ka naman nila at gusto ka rin nilang makilala."

Ki...kilala nila ako? Meaning alam na rin ni #11 ang tungkol dito? Pero bakit ko ba siya iniisip? Ako lang naman yung nag-a-assume na may pagtingin nga rin siya sa akin. Kamukha lang naman ako nung ex-girlfriend niya kaya niya ako pinakikisamahan.

"Titingnan ko." Biglang hinawakan ni Justin yung kamay ko.

"Please? Kahit regalo mo na lang sa akin."

Ayaw ko mang pumunta pero nakokonsensya ako. Tumango na lang ako ng marahan na ikinatuwa ni Justin. Siguro panahon na para harapin ko siya at malaman ko talaga kung may nararamdaman pa ako sa kanya.

"Thank you talaga Ange," masaya niyang sabi. "Pero, paano mo nga pala nalaman birthday ko? Stalker ka, ano?" tanong niya.

Bigla akong napayuko sa sinabi niya. Ang kapal naman niya. Hindi naman sa ini-stalk ko yung facebook niya. Kapag kaibigan ko kasi gusto kong malaman kung kailan birthday niya. Oo na, kasi curious ako sa kanya at kay #11 pero hindi ko na ipinagpatuloy yung paghahanap kay #11. Tiningnan ko na lang yung feed niya at mga pictures.

"Kapal mo. Hindi ko nga alam Facebook account mo. Nalaman kong birthday mo ngayon kasi narinig kong nag-uusap yung mga nagkakandarapang babae iyo." Naramdaman kong iniangat ni Justin yung mukha ko at inilagay yung ibang hibla ng buhok ko sa may tainga ko.

"Okay lang. In-add na rin kita sa facebook kahit hindi ako gumagamit niyon."

"Ewan ko sa iyo," nauutal kong pagsusungit sa kanya.

"Siguraduhin mo kasi sa susunod na wala kang mala-like na mga pictures ko. Nahiya ka pa, hindi mo pa ni-like yung dalawang pictures ko.

Nagulat ako sa sinabi niya at bigla kong naalala na ginawa ko nga pala iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Mas malala pala ako kila Adrian kapag nai-inlove. Naramdaman kong ipinatong ni Justin yung kamay niya sa ulo ko at ngumiti sa akin.

"Thank you Ange. You made me the happiest man alive." Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Drama mo."

Tumawa na lang din siya. Pagkarating namin sa harap ng gate namin ay nagpaalam na ako sa kanya.

"Good night Justin. Thank you nga pala sa Frappe," sabi ko.

"Thank you lang?" tanong niya. Alam ko kung anong gusto niya at hindi ako katulad nung mga babae sa t.v. na hahalikan siya sa pisngi.

"Oo. Whether you like it or not," sabi ko.

Patalikod na sana ako pero hinawakan niya yung braso ko at ipinaharap sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa noo.

"Good night Ange, thanks for everything," sabi niya, habang nakangiti, bago pumasok sa bahay na inuupahan niya.

Nakapasok na siya lahat-lahat pero ako nakatayo pa rin. Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa ni Justin. Sobrang bilis pa rin ng pintig ng puso ko. Hindi kaya, may nararamdaman na ako kay Justin?

Nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig kong tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko iyon at binasa yung text. Galing iyon kay Justin.

Pumasok ka na. Mas magandang kiligin sa loob ng kwarto lalo na kapag mas nakikita ko. See you on Saturday. Good night.

Tumingala ako at tumingin sa bintana ni Justin. Nakita ko siyang nakatingin sa akin at nakangiti. Inirapan ko lang siya dahil sa pagpaparamdam niya sa akin ng ganiton pakiramdam. Yung tipong nagkakaroon na ng zoo sa tiyan ko at race match sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob, baka asarin na naman niya ako.


/———/

#11Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang