S2C35

189 27 0
                                    

Cole's Pov

Narito na ako sa may bandang coffee shop na malapit sa Moonlight Corporation ngayon at kasalukuyang hinihintay ko si Yzabel na lumabas ng building nila , May dala dala ako ngayong Hot Choco na binili ko sa Choco Mixer Shop na malapit lang rito sa pinupuwestuhan ng sasakyan ko.

Gayung mukhang uulan kasi ngayon kaya inadvance ko na yung utak ko sa posibleng mangyari , Mayroon na din akong dalang payong kung sakali man na tama ang iniisip ko na uulan nga.

Napatingin muna ako sa may bandang salamin sa harapan ko to check my outfit na naka black turtle neck na pantaas and then naka black na coat din since malamig nga , same color din sa trouser ko sa pambaba.

"I look good" nakangiting sambi ko saka inaamoy amoy pa yung hininga ko to check if mabango ba and I'm glad that it is.

Five minutes of waiting ay hindi ko pa din nasisilayan ang paglabas ni Yzabel sa building nila na medyo may kalayuan kaunti kung lalakarin ko lamang kung kaya'y napag isip isip ko na bumaba na lamang sa sasakyan to check her out.

Pagbaba ko ay bigla namang umambon kung kaya'y binuksan ko ulit yung pintuan ng sasakyan nang sa ganun ay makuha ko yung payong na nasa loob.

Ibinuklad ko na iyun at dinayo ang medyo madilim kaunti na daanan since natatakpan kasi ng mga puno sa may gitna yung poste ng ilaw.

Habang naglalakad ako ay napangiti naman ako nang sa wakas ay matanaw ko na si Yzabel pero nawala kaagad iyun nang makita kong tahimik lamang siyang naglalakad at hinahayaan na pumatak ang ulan sa buong katawan niya.

Damn ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya ngayon ah? Bakit siya nagpapaambon?

Napatakbo na lamang ako at saka dali daling pumunta sa kinaroroonan niya ngayon , nang makalapit na ako ay mukhang hindi niya pa din pansin since nasa baba ang tingin niya all this time.

Ano kayang iniisip niya sa ngayon? She looks really down and hindi ko maiwasang hindi masaktan sa aking natutunghayan.

Despite na naambunan siya ay makikita ko pa din sa kanyang mukha at mga mata na kakagaling niya lamang sa pag iyak and I wonder kung ano ang rason ng malungkot niyang mukha.

Pinayungan ko na siya na naging dahilan upang mapahinto siya saka unti unting iniangat ang kanyang ulohan at sa puntong iyun ay nagtama ang aming dalawang mga mata.

At saksi ang buwan na nung nagtama ang aming mga mata ay tila bay parang nabuo ang bawat parte ng isa't isa na para bang pinaghiwalay kami ng tadhana.

When I'm with her? Feeling ko buong buo ako , Is she the missing piece na hinahanap ko magmula noon? Or maybe this feelings of mine was just temporary lang?

Do I enjoy her presence that's why I'm committing sin and cheating on my wife? Or maybe it's because of her talaga? Her whole personality is awesome indeed , She has a lot of red flags to be called but I'm here pa din to make her feel na it's okay to be like that.

She's like a flagpole and I'm her Flag. Those two are combinations .  She can do her thing on her own and I'm the one who depends on her , without her I feel like I'm useless.

It's a weird explanation I guess? But this love that I'm feeling right now? It's making me insane , I can't stop loving this Girl kung mismong puso ko na ang pinipili siya.

My mind can't do anything , since pati buong katawan ko ay nakokontrol na ng aking puso and I felt like I'm happy for doing it.

"C-cole?!" Tawag niya sa akin habang mabilis na tumulo ang kanyang luha , Hindi ko naman na natiis pa at niyakap ko na lamang siya gayung she's hurt.

Ramdam na ramdam ko na nasasaktan siya ngayon at maging ako gayung ayoko na nakikita siyang malungkot , Isa or dalawang weeks pa lamang kaming nagkikita ngunit parang matagal ko nang kilala at minamahal ang babaeng ito.

Author's Pov

Habang umuulan at nagyayakapan ang dalawang tao na pilit ipinaglalayo ng tadhana ay mayroon namang nakamasid sa kanila at pasimpleng kinukuhanan ng litrato silang dalawa na magkayakap pa din sa ngayon.

Napapangisi na lamang ang taong nakasuot ng pulang Cap , Naka white na damit at nakasuot ng black na pants at naka sneaker na may hawak ng Canon na Camera.

"This is so interesting" wika nito habang patuloy sa pagkuha ng litrato gayung kilala niya at matagal na siyang nagmamasid masid sa dalawa at mukhang may binabalak ito na hindi maganda sa ngayon.

"Moonlight Corporation and SMC Corporation CEO's are secretly dating. What a great tea to spill  , Journalist will be happy if I malaman nila ito" mahabang sambit nito habang pilit na napapangiti habang patuloy sa pagkuha ng litrato nung dalawa.

Napakalas na kasi sila sa pagkakayakap and then binigyan ng isang halik sa may noohan ni Cole si Yzabel at dumagdag pa ng isang passionate kiss na umabot ng isang minuto.

Napakuha na ito ng kanyang cellphone and then may tinype ito na number para magseny ng message.

'I have some shots that will definitely help you to make money , 'I'll send again later susundan ko lamang sila sa ngayon to make another shot na magiging hot topic kapag inilabas mo na'

Text niya sa isang unknown na personality na hindi niya na pinangalanan pa.

Yzabel's Pov

Nasa sasakyan na ako ni Cole ngayon , Medyo naging okay na yung pakiramdam ko since siya mismo ang nagkomport sa akin  , Ackk love is in the air talaga.

Siya talaga ang nagiging sandigan ko ever since na nada down ako and I'm really happy na this time I felt again na I'm not lonely and I'm worthy to be loved and cared off.

"Here inumin mo to since baka magkasakit ka , I prepared it incase na umulan at hindi nga ako nagkamali" malambing na saad niya sa akin saka lumapit nang kaunti para ayusin yung coat niya na inilagay niya sa akin since ayaw niya daw akong lamigin lalo.

"Thank you for this" nakangiti nang kaunti na saad ko sa kanya habang siya naman ay matamis din ang ngiting iginagawad sa akin.

"I can do anything for you Love" wika niya saka hinawakan ang aking kamay at hinalikan iyun.

"Just relax and take a rest muna if pagod ka pa sa ngayon. 1 hour lang naman ang magiging byahe patungo sa lugar na pagdadalhan ko sayo kaya stay still love" everytime na tinatawag niya akong love ay hindi ko maiwasang hindi kiligin , yung tipong kilig na pang habang buhay na.

I really love talaga na may endearment siya sa akin even though na I usually call her on her own name lang , Wala nasanay na ako sa ganun since noon pa man ay siya na talaga yung mahilig sa endearment that makes my heart flutter talaga.

"Everything will be okay , I'll promise. Kaya kung ano man yang pinagdaraanan mo? I'll promise na sasamahan kita hanggang dulo" napangiti na lamang ako nang mapait sa kanyang sinabi , Sasamahan hanggang dulo. Yang term na yan ay nagiging trauma na sa akin.

She promised me in the past na she will never leave me behind pero ang ending ay iniwanan niya ako , Not once but twice and I really can't do this anymore if sa pangatlong pagkakataon ay maiwanan niya na naman ako.

I know na loving can hurt and also can kill human. But if it's her na magiging cause ng pagkamatay ko? I'm willing na lisanin ang mundong ito gayung baka sa susunod na habang buhay ay kami namang dalawa ang may masasabing Happy Ending.

My Secret Lover Where stories live. Discover now