Huminga ako ng malalim. "If that's your concern, then I'll go with him." I said without thinking. Nanginig ang labi niya sa galit. I'm still unsure but I want her to shut up. Masyado siyang mapapel.

"Kung ako lang sana ang fiancée niya, hindi masisira ang plano niya sa buhay." She gritted her teeth.

"Too bad, you're not." I sneered. Mamatay ka sa inggit.

She sighed and bowed her head. "Bata pa lang kami, pangarap ko na siya. Pinangako ko sa sarili ko na magiging akin siya kapag lumaki kaming dalawal. Inayos ko ang sarili ko. Nag-aral akong mabuti para mapansin niya ako. Matagal ko nang sinusubukan na magkaroon ng parte sa puso niya. Kahit maliit lang. Ginawa ko na ang lahat. Sinundan ko siya kahit saan. Ginamit ko si Daddy para lang ma-engage sa kanya pero huli na pala ang lahat. Dumating ka, sinira mo ang lahat. Ngayon ako na naman ang talunan." She said while sobbing.

"Hindi ko na kasalanan ang nangyari sa pangarap mo. Hindi ko naman siya hinangad. In fact, pinigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya. I disliked him. I lied to myself. I became a fool not to love him. I don't want one-sided love. Para sa akin masyado siyang mataas para sa isang kagaya ko. Everything happens for a reason kaya huwang kang manisi. Kung ito ang tadhana, tanggapin mo. Hindi mo puwedeng diktahan ang tao kung sino ang dapat niyang mahalin. 'Wag mo ring sisihin ang sarili mo kasi nagmahal ka lang." I said while wiping her tears. Mukha siyang bata na inagawan ng laruan.

"I really like him... no, I really love him." She bawled.

"Don't worry, may dadating din na tao na susuklian ang pagmamahal mo. Mas higit pa." I hugged her. She's a terrible person. She ticks me off. But there's an urge within me wanting to comfort her. Oo, hindi ko siya naiintindihan pero may mga dahilan kung bakit siya ganito. Soon, she will mature and think about her actions carefully.

Kung magsasabi siya sa akin ng problema niya, I'm willing to help her. I'll listen to her. Pero masyadong mataas ang pride niya. She acts unbothered but the truth is she's really weak.

Pumunta na ako sa susunod kong klase pagkatapos kong kausapin si Anya. My chest hurts. Hindi ako makapag-focus sa klase kaya naman ilang beses akong tinawag sa recitation. I need to convince Niko to continue studying abroad. He is really terrible at decision making.

Lutang ako buong hapon. I need to sort my mind. Kailangan kong magdesisyon ng maayos. Kapag sumama ako kay Niko, maiiwan ko ang pamilya ko rito. Gusto ko pa silang makasama pero gusto ko rin makasama si Niko. Mahal ko siya, eh. Gusto ko rin matuloy ang pangarap niya.

Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa hospital para puntahan si Mama. I will consult her first before making a decision.

Binuksan ko ang pinto ng room niya. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama. She's getting thinner each day. Hirap na rin siyang makabangon kaya laging nakaalalay ang nurse.

"Uuwi muna ako, Dia. Kukuha ako ng damit ko at maliligo. Ikaw muna ang bahala kay Mama. Babalik din ako mamaya," sabi ni Ate na nakabantay dito. Ang laki na ng eyebags niya dahil siya ang nagbabantay kay mama. Ang alam ko, nag-resign na siya sa kanyang trabaho.

"Sige, Ate. Dito muna ako." Umupo ako sa sofa sa tabi ni Mama. May mga binilin si ate na dapat kong sabihin at gawin kapag may pumasok na nurse or doctor. Tapos umalis na siya.

"Bumisita rito kanina ang mga Salvatierra. Binigyan nila ako ng bulaklak na galing daw sa garden ni Sir Arthur." Napatingin ako sa bulaklak na nasa lamesa. Iba't ibang klase ng fresh na bulaklak. "Ngayon ko lang din ulit nakita si Greg. Ibang iba na ang itsura niya. Nahihiya ako kasi naabutan niya ako sa ganitong estado," sambit ni Mama.

"'Wag mong sabihin 'yan, Mama. 'Wag kang mag-alala, ma, gagaling ka na. Babalik ka na ulit sa dati." Hinaplos ko ang kanyang kamay.

"Sana nga, anak. Miss ko na ang mga ginagawa natin noon." She smiled faintly. I can't imagine the world without her.

I'd Be A Fool Not To Love You (published)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें