Chapter Fifty (Goodbye is not the end)

ابدأ من البداية
                                    

"Pakialam ko, hindi ako sasama sa'yo sa loob niyan,"

"Wala ka ng magagawa kahit patay ka nang sasama sa akin okay lang naman dahil buhay naman ang mga cells mo, magagawa ko pa rin ang binabalak ko, kaya mamili ka patay kang sasama sa akin o buhay?"

"Napakasama mo talaga!"

"You're welcome dearie!"

Bigla na lang humigpit ang hawak nito sa braso niya, "Hindi maaari," sambit nito. Tumingala ito at nakita niya na may mga fire balls na tatama sa halimaw. Sinangga ito ng halimaw at pinagwawasiwas sa ibang direksyon. "Halika na," nagpumiglas siya.

Mabilis na lumipad ang halimaw papunta sa nag-aapoy na katawan. Kilalang kilala niya iyon. Si Philcan. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o matutuwa, halu-halo na ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

"Mukhang narito na ang iyong tagapagligtas, hindi na katakatakang matutunton niya tayo agad, matalino talaga si Alican, sigurado akong ang bangle locator na ito ang dahilan kung bakit niya tayo nahanap kaagad subalit hindi pa rin siya makakalapit sa atin," pinagmasdan niya ang pakikipaglaban ni Philcan sa halimaw, alam niyang malakas si Philcan pero hindi man lamang iniinda ng halimaw ang mga tira nito.

"Pumasok ka na sa loob ng machine," utos sa kanya ni bulag. Tisurin niya kaya ito baka 'yon effective na paraan para makatakas siya. "I said go inside!" sigaw nito.

Hindi siya nagpasindak. Ginamit niya ang mga natutunan sa mga training niya. Mabilis siyang nagpakawala ng mga combination punch and kick ngunit hindi niya inaasahan na magaling din ito sa martial arts. Nagpatuloy siya sa pagsuntok at pagsipa rito, ginamit nito ang metal stick nito para sanggain ang mga sipa niya.

"Ikaw din ang mapapagod sa ginagawa mo,"

"Mas mabuti ng mamatay na may ginawa kaysa walang ginagawa!" tinamaan niya ito pero mukhang walang epekto ang sipa niya.

Ito naman ang sumugod, sa pagkakataong iyon siya naman ang nasa defense position.

"Hindi lang pala mga cells mo ang may ibubuga pero ...," hindi niya nakita ang susunod na suntok nito. Tinamaan siya sa sikmura. Isinunod nito ang mga pressure point sa katawan niya para tuluyan na siyang hindi makagalaw.

Nang bumagsak siya hinawakan siya nito sa buhok at kinaladkad siya nito papunta sa loob ng cylinder. Mabilis nitong nilock ang cylinder. Hindi ito pumasok. Nakatayo lang ito sa harap ng cylinder.

"Tingnan mo ang philetor mo," sabi nito. "Papatayin ko muna siya bago tayo aalis sa lugar na ito,"

Nakita niya si Philcan na gumagapang na sa lupa itinusok ng halimaw ang isang galamay nito sa binti ni Philcan. Sumigaw ito ng napakalakas.

"Philcan!" Naluluha na siya. "Tama na! Tama na, please!"

Pinipilit pa rin ni Philcan na gumapang, inaabot nito ang cylinder na kinalalagyan niya. Binibigkas nito ang pangalan niya. "Tama na, parang awa mo na!" Kitang-kita niya ang paghihirap ni Philcan. Duguan na ang mukha nito.

Wala siyang magawa, "Tama na," nanghihina na siya, pinipilit niyang sirain ang salaming nakaharang sa kanya.

Itinapon ng galamay ng halimaw si Philcan palapit sa kanila ni DemoGorgon, nasa harapan niya na ito, nahihirapan itong gumalaw pero pinilit pa rin nitong makalapit sa salamin ng cylinder.

"Abby!" mahinang usal nito.

Ayaw niyang makita ito sa ganitong kalagayan. Hindi niya kayang tingnan na nahihirapan ito parang sasabog ang kanyang puso. Hinawakan ni DemoGorgon ang buhok nito.

"Tingnan mo ang philetor mo, kahit nahihirapan na siya pilit ka pa ring inililigtas," tiim bagang na kumakawala si Philcan sa pagkakahawak ng buhok nito ni DemoGorgon, "Isasakripisyo niya ang kanyang buhay para lang iligtas ka, isn't that sweet of him?"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن